Ano Ang Sinasabi Nila Tungkol kay Muhammad

Sunday, 03 October 2010–

Sa panahon ng mga dantaon ng mga krusada, ang lahat ng uri ng paninirang puri ay isinagawa laban sa Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Subalit sa pagdatal ng makabagong panahon na tinampukan ng pangrelihiyong pagsang-ayon at kalayaan ng isipan, dito’y nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagtuklas ng mga kanluraning manunulat sa kanilang paglalarawan ng kanyang buhay at pag-uugali. Ang mga pananaw ng mga di-Muslim na iskolar tungkol sa Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), na ibinigay sa hulihan nito, ay nagbibigay katarungan sa ganitong kuru-kuro.

Subali’t ang Kanluran ay nararapat pa rin na humakbang ng pasulong upang matuklasan nila ang pinakamalaking katotohanan tungkol kay Muhammad at ito ay ang kanyang pagiging lantay at huling Propeta ng Allah para sa buong sangkatauhan. Subali’t sa kabila ng lahat ng kanyang layunin at kapaliwanagan (Islam), ay hindi pa nagkaroon ng matapat at makabuluhang pagtatangka ang Kanluran upang maunawaan ang pagka-Propeta ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Tunay ngang pambihira na ang mga nagliliwanag na mga papuring iginawad sa kanya dahilan sa kanyang integridad at mga naisagawa, subali’t ang kanyang pag-aangkin bilang isang Propeta ng Allah ay tinalikdan ng hayagan at di hayagan. Dito nga ay kinakailangan ang paghahanap ng puso at pagbabalik-aral ng tinatawag na mga ‘layon’ ay nararapat. Ang mga sumusunod na nagliliwanag na mga katotohanan mula sa pamumuhay ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay inilathala upang mapadali ang isang walang kinikilingan, batay sa katotohanan, at makatuturang pasya tungkol sa kanyang pagka-Propeta.

Hanggang sa gulang na apatnapu, si Muhammad ay di kinikilala bilang isang mambabatas, mangangaral o bilang isang mananalumpati. Kailanman ay di siya natunghayang nakikiisang-usapan tungkol sa mga prinsipyo ng pisika, kagandahang loob, pulitika, pangangalakal o panglipunan. Walang pasubali na siya ay nagtataglay ng pambihirang pag-uugali, nakalulugod na pagkilos at may mataas na pagkatao. Gayunpaman, ay walang masasabi sa kanyang pagiging kamangha-mangha o isang pangunahing kaangkinan na kagila-gilalas na magbibigay pag-asa sa mga tao na may napipintong bagay na pambihira at mahimagsik na nalalaan sa kanya sa hinaharap. Subalit nang lumabas siya mula sa Yungib (HIRA) ng may bagong mensahe, siya ay ganap na nagpanibagong bihis. Mangyayari nga kaya sa gayong tao na may kaangkinang katangian tulad sa itaas ang di kaginsa-ginsa ay naging ‘impostor’ at nagpamarali na siya ay Propeta ng Allah at nag-aanyaya sa lahat ng pagkapoot ng kanyang pamayanan? Maaaring maitanong sa anong kadahilanan na siya’y nagdurusa sa lahat ng gayong pagpapakasakit? Ang kanyang pamayanan ay nag-alok na tanggapin siya bilang kanilang Hari at ialay na lahat sa kanya ang mga yaman sa lupa sa kanyang paanan, itigil lamang niya ang pangangaral ng kanyang relihiyon. Subalit pinili niya na tanggihan ang lahat ng nakatutuksong alok at mag-isa siyang nagpatuloy sa pangangaral ng kanyang relihiyon sa harap ng lahat ng uri ng mga pag-aglahi at kalahatang paninikis, gayun din naman ang pananalakay sa kanya ng kanyang pamayanan. Hindi ba na ang tanging pag-aalay sa Allah at ang kanyang matibay na layunin na maiparating ang mensahe ng Allah at ang kanyang matiim na pananalig na di magtatagal ang Islam ang tanging mamamayaning daan para sa lahat ng sangkatauhan, na nakatindig siya na tila isang bundok sa harap ng lahat ng mga pagsalangsang at pagsasangkutan na mailigpit siya? Bukod pa rito, kung ang kanyang pagdatal ay upang gumawa at makatunggali ang mga Kristiyano at ang mga Hudyo, bakit niya iniutos na manalig kay Hesukristo at Moises at sa ibang mga Propeta ng Allah (sumakanila nawa ang kapayapaan), na isa sa pinakapunong pangangailangan ng pananampalataya na kung wala nito, ang sino man ay di maaaring maging Muslim?

Hindi ba na di mapapasubaliang katibayan ng kanyang pagka-Propeta na sa kabila ng kanyang pagiging isang mangmang, nakapamuhay siya ng normal at matahimik sa loob ng apatnapung taon; nang magpasimula siyang mangaral ng kanyang mensahe, ang lahat ng Arabia ay napatindig ng may pangangamba at panggigilalas at napamangha sa kanyang kagila-gilalas na pananalumpati at pananalita. Tunay ngang walang makakapantay na ang lahat ng mga pulutong ng mga manunulang Arabe, mangangaral at mananalumpati na may mataas na katangian ay nangabigong lahat na maipakita ang maihahalintulad sa kanya. Bukod pa sa lahat ng mga ito, paano siya maaaring makapagsaysay ng lahat ng mga katotohanan na may pang-agham na kalikasan na napapalaman sa Qur’an na walang sinumang tao ang maaaring makagawa sa panahong yaon.

At ang panghuli ngunit hindi kapos, bakit siya namuhay ng may pagpapakasakit kahit na pagkaraang makapagtamo siya ng kapangyarihan at kapamahalaan? Magnilay-nilay na lamang sa mga salitang kanyang binitawan habang siya’y nasa bingit ng kamatayan: “Kami na pamayanan ng mga Propeta ay di namamana. Kung anuman ang aming iwanan ay para sa kawanggawa.”

Bilang isang bagay ng katotohanan, si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang panghuli sa sagka sa kawil ng mga Propeta na isinugo sa iba’t-ibang mga lupain at mga panahon sapul pa sa pinakasimula ng buhay ng tao sa daigdig na ito.

Kung kadakilaan ng layunin, kakaramputan ng panustos at katanyagan ng kinalabasan ang siyang tatlong pamantayan ng katalinuhan ng tao, sino kaya ang makapangangahas na maghalintulad ng sino mang dakilang tao kay Muhammad sa makabagong kasaysayan? Ang pinakatanyag na mga lalaki ay nakalikha ng mga sandata, mga batas at mga kaharian lamang. Sila’y nakapagtatag, kung mayroon mang ganap ng hindi hihigit pa sa mga materyal na kapangyarihan na malimit na gumuguho sa harap ng kanilang paningin. Ang taong ito’y hindi lamang nakapagpagalaw ng mga sundalong sandatahan, nakapagsagawa ng mga batas, mga kaharian, pamayanan at pampamilyang may kapamahalaan bagkus ay laksang tao sa ikatlong bahagi nang noon ay napapamuhayang mundo; at tangi pa roon, ginalaw niya ang mga dalanginan, ang mga diyos, ang mga relihiyon, ang mga pananampalataya at mga kaluluwa… Ang kanyang katiyagaan sa pagwawagi, sa kanyang ambisyon, na ganap na nalalaan sa isang layunin at hindi sa anupaman ay naghahangad ng isang kaharian; ang kanyang walang humpay na pananalangin, ang kanyang mahimalang pakikipag-ugnay sa Diyos, ang kanyang kamatayan at ang kanyang pananagumpay sa kabila ng kanyang kamatayan; ang lahat ng ito ay nagpapatunay hindi ng pagbabalatkayo kundi ng matatag na pagsalungat na nagbigay sa kanya ng lakas upang maibalik muli ang wastong pananampalataya. Ang wastong pananampalatayang ito ay nahahati sa dalawa, ang Kaisahan ng Diyos at imateryalidad ng Diyos; ang una ay nagsasaysay kung ano ang hindi Diyos; ang isa ay nagtatakwil sa mga huwad na diyos sa pamamagitan ng espada, ang isa pa ay nagpapasimula ng kaisipan sa pamamagitan ng mga salita.

Siya ay pilosopo, mananalumpati, apostol, tagapagsagawa ng batas, mandirigma, manlulupig ng mga kaisipan, tagapagpanibagong bihis ng katotohanang pananampalataya, ng isang paraan ng pananampalatayang walang mga larawan; ang nagtatag ng dalawang pangmundong kaharian at ng isang pang-ispiritwal na kaharian, ito ay si Muhammad. Kung isasaalang-alang ang lahat ng pamantayan upang ang kadakilaan ng tao ay ating masukat, maitatanong nga natin, mayroon pa ba kayang tao ang hihigit pa kaysa kanya?

– Lamartine, Histoire de la Turquie, Paris 1854, Vol. 11, pp. 276-277.

Hindi ang pagpapalaganap kundi ang kapanatilian ng kanyang relihiyon ang pinag-uukulan ng aming pagkamangha; ang dati ring dalisay at lantay na impresyon na iniukit niya sa Makkah at Madina ay nananatili, pagkaraan ng mga rebolusyon ng ikalabindalawang dantaon ng mga Indian, ng Aprikano at Turkong nagsiyakap sa Qur’an… Ang mga Muhammedan ay pantay-pantay na nakapagwagi sa tukso na mapanghina ang layon ng kanilang pananampalataya at debosyon sa antas ng mga pandama at imahinasyon ng tao. “Ako ay nananampalataya sa Nag-iisang Diyos at si Muhammad ang Sugo ng Diyos.” ay ang payak at di nababahirang pagsasaysay ng Islam. Ang katalinuhang larawan ng Diyos ay hindi kailanman ibinaba ng anumang hayag na idolo; ang karangalan ng mga propeta ay hindi kailanman lumabag sa sukatan ng makatao; at ang kanyang buhay na mabuting pag-uugali ay nakapigil sa may pasasalamat na pagpapahalaga ng kanyang mga tagasunod ng ayon sa nasasakop ng pang-unawa at relihiyon.

– Edward Gibbon and Simon Ocklay, History of the Saracen Empire, London 1870, p. 54.

Siya ay naging Cesar at Papa na magkasama; subali’t siya ay naging Papa ng walang pagpapakita o pag-aangkin bilang papa (sa Roma), bilang Cesar na walang mga pulutong ni Cesar, na walang nakahimpil na sandatahan, na walang tagapananggalang, na walang palasyo, na walang takdang pinagkakakitaan; kung mayroon man ang kahit sino mang tao na magkaroon ng karapatang magpahayag na siya ay pinatnubayan ng maka-Diyos na katumpakan, siya ay si Muhammad, sapagkat siya ay nanangan ng lahat ng kapangyarihan na wala ang mga instrumento nito gayundin ang pang-aalay nito.

– Bosworth Smith, Mohammad & Mohammadanism, London 1874, p. 92.

Magiging kataka-taka sa sinuman na nag-aral ng buhay at pag-uugali ng dakilang Propeta ng Diyos, na nakababatid kung papaano siya nagturo at namuhay, ang makadama nga ng anupamang bagay maliban sa mataas na paggalang sa ganitong makapangyarihang Propeta, ang isa sa pinakadakilang sugo ng Kataas-taasan. At kahit na sa anumang ilagay ko sa inyo ay makapagsasabi ako ng maraming bagay na maaaring pangkaraniwan na lamang sa marami, gayunpaman, ako na rin sa aking sarili ang nakadarama, kailanman at aking babasahin iyong muli, isang bagong daan ng paghanga, isang bagong kaisipan ng mataas na paggalang sa ganoong makapangyarihang guro ng Arabia.

– Annie Besant, The Life and Teachings of Muhammad, Madras 1932, p. 4.

Ang kanyang kahandaan na mapailalim sa mga pag-uusig dahilan sa kanyang mga pananampalataya, ang mataas na moral na pag-uugali ng mga tao na nananalig sa kanya at tumatanaw sa kanya bilang isang pinuno, at ang kadakilaan ng kanyang mga naisagawa – ang lahat ng ito ay nagbibigay paliwanag sa kanyang pundamental na integridad. Ang mag-akala na si Muhammad ay isang nagpapanggap ay lalong nagbibigay lamang ng mga suliranin kaysa ang makahanap ng kalutasan doon. Higit pa sa roon, walang sino mang larawan ng kasaysayan na tulad ni Muhammad ang may pinakamatipid na pagpapahalagang iginawad ng Kanluran.

W. Montgomery, Mohammad at Mecca, Oxford, 1953, p. 52.

Si Muhammad, ang pinagkaloobang tao na nagtatag ng Islam ay ipinanganak noong taong 570 A.D. mula sa isang pamayanang Arabe na sumasamba sa mga idolo at diyus-diyosan. Siya’y lagi nang may natatanging malasakit sa mga mahihirap at nangangailangan, sa mga balo at sa mga ulila, sa mga alipin at mga naaapi. Sa gulang na dalawampu, siya ay isa nang matagumpay na mangangalakal, at di nagtagal ay naging tagapamahala siya ng mga biyahero ng kamelyo na pag-aari ng isang mayamang balo. Nang siya’y sumapit na sa gulang na dalawampu’t lima, ang kanyang pinaglilingkuran na nakamamalas sa kanyang katapatan at kabaitan ay nag-alok sa kanya na sila’y magsama. Bagama’t ang babae ay matanda sa kanya ng labinglimang taon ay pinakasalan niya at habang ang kanyang asawa ay nabubuhay siya ay namalaging isang butihing asawa.

Tulad din ng lahat ng mga dakilang propeta na nanga-una sa kanya, si Muhammad ay nakikibaka sa kanyang pagiging kimi, dahilan na rin sa kanyang kabatiran ng kanyang kakapusan, upang makapaglingkod bilang tagapagpalaganap ng mga salita ng Diyos. Subali’t ang anghel ay nag-utos sa kanya ng “Basahin”. Kagaya na nga ng aming nalalaman, si Muhammad ay di nakakabasa at nakakasulat, subali’t siya’y nagpasimulang magpahayag ng mga pinatnubayang Salita na di maglalaon ay siyang magbibigay himagsikan sa malaking bahagi ng daigdig: “Iisa lamang ang Diyos.” Sa lahat ng bagay, si Muhammad ay ganap na praktikal. Nang mamatay ang kanyang pinakamamahal na anak na si Abraham, ay nagkaroon ng eklipse, at kumalat ang bali-balitang ang Diyos ay nagpaparating sa kanya ng Kanyang pakikiramay. Kagyat nga, si Muhammad ay nagbadya: “Ang eklipse ay isang pangyayari na gawa ng kalikasan. Isang kabaliwan na isangkot ang ganitong bagay sa kamatayan o pagsilang ng isang tao.”

Sa kamatayan ni Muhammad, isang pagtatangka ang ninais upang i-angat siya sa pagkadiyos, subalit ang tao na siyang magiging kanang kapalit na tagapamahala ay pumutol sa mga pagkakamayaw nila sa pamamagitan ng isa sa mga pinakadakilang pangungusap ng kasaysayan: “Kung sino man sa inyo ang sumasamba kay Muhammad, siya ay patay. Ngunit kung si Allah ang inyong sinasamba, Siya ay magpasawalang hanggang nabubuhay.”

– James A. Michener, “Islam: The Misunderstood Religion, in the Reader’s Digest (American Edition) for May, 1995, pp. 68-70.

Ang aking pagkapili kay Muhammad bilang pangunahin sa hanay ng mga pinakamakapangyarihang tao sa mundo ay maaaring makagitla sa maraming mambabasa at maaaring mausisa ng iba, subali’t siya lamang ang tanging tao sa kasaysayan na may pinakamatayog na tagumpay sa parehong pangrelihiyon at di pangrelihiyong kaantasan.

Michael H. Hart, The 100: A Ranking of the Most Influential Persons in History, New York:
Hart Publishing Company, Inc., 1978, p. 33

http://www.whymuhammad.com/ph/contents.aspx?aid=7698

Maikling Storya ng Isang balik Islam.

Ako ay hindi katandaan noong nag desisyon na akong mag balik Islam dahil sa magandang kapangyarihan sa buhay ko.

Nag tatrabaho ako sa isang bahay ng taga dito, siya ay namatayan na ng asawa’ng lalaki at nakatira siya mga pamilya niya, at sa awa naman ng diyos siya ay mabait at maawain.

Marami akong nakitang magandang asal sa kanya bilang muslim pero hindi ito ang dahilan kung bakit ko nagustuhan maging muslim.

Dumating ang mga buwan ng ramadan at lumambot ng husto yung puso ko dahil sa isang walang kasing-gandang panoodin sa TV at ito ay tungkol sa mga muslim na bumubisita sa banal na bahay ng Allah (ang makapangyarihan) sa Mecca, ito yung itim na mataas na iniikutan, at makikita mo lahat ng tao galing sa ibat-ibang bahagi ng mundo ay pare-pareho ang suot kahit na ba iba iba ang itsura nila, sila ay sumasamba sa isang diyos at ang pagsamba nila ay sabay sabay at ang gamit nila dito sa pagsambang ito ay iisang muslim na puso.

At kasama nitong magandang gumagalaw na litrato ay ang pinaka maganda at nakakaginhawang espirituwal na boses, hindi ku alam kung anong uri ng tunog yuon, kung kanta ba yuon o tula? basta mahigit na masmaganda, para bang galing sa isa, at iisa lamang makapangyarihan, na malaki at malawak na panginoon, at talagang nakakaginhawa marinig.

Palagi kong pinakikinggan, at minsan sinusubukan kung gayahin yung sinasabi, parang naramdaman ko na para sa akin yung magandang salita na yuon, para bang ako ay kinakausap, parang deretso sa akin tumatanim yung kahulugan nong malambing tulang yuon.

Para bang kumapit na ang puso’t damdamin ku duon, naging personal na malapit na ako duon, ang ramdam ko ay ito ang salita ng panginoon, kaya nanalangin ako duon, at may hiniling ako’ng imposible’ng masagot ng hindi tutuong diyos.

Hiniling ko na bumalik sana yung nanay ko na ang tagal ku na’ng hindi nakita, mula bata pa ako, magtatatlungpung taon na ako at magiging labingdalawang taon ko nasiyaing hindi nakikita magmula no’ng umalis siya.

Nanalangin ako na kahit na nasa ibang bansa ako’y bumalik ang nanay ko duon, para pag uwi ko’y makita ko naman, sinabi ko sa puso ko at sabay malalim na iyak ang naranasan ko na kung talagang salita ng diyos itong pinakikinggan ko, kung ikaw talaga ang nagiisang diyos at itong naririnig ko at pinakikingan ko ay salita mo; siguradong naririnig mo yu’ng dasal ko at pinanalangin ko, diyos ko! maniniwala ako sa iyo, at hindi ako sasamba kundi sa iyo, kung maibabalik mo ang nanay ko’ng matagal ko nang hindi nakita, nanalangin ako sa iyo, sa naman pakinggan mo ako at sagutin mo yu’ng dasal ko.

“Hello? Bumalik na ang nanay mo!…biruin mo ang tagal na, nawalan na kami ng pagasa pero bumalik na siya!”…

Ito ang na natanggap ko galing sa mga angkan ko wala pang dalawang lingo ang lumilipas buhat no’ng nanalangin ako kay Allah (ang makapangyarihan), at ipinagtuloy ko yu’ng pakikining ko sa magandang nakakaginhawang Quran; ang salita ng diyos natin.

Ano ang Pangunahing Aral ng Isang Tunay na Relihiyon?

Ang Pang-kalahatang kard

Ang Pamagat: Ano ang Pangunahing Aral ng Isang Tunay na Relihiyon?

Wika: Tagalog

Petsa ng Pagdagdag: Apr 02,2007

Maikling Pagkakalarawan: Mahalagang isaalang-alang natin ang mga paksang dapat talakayin upang ganap nating maabot ang layunin ng aklat na ito. Bagaman maraming katanungan ang dapat bigyan ng sapat na kasagutan sa larangan ng relihiyon, pumili tayo ng ilang pundamental na paksang makapagbibigay katatagan upang higit nating maunawaan ang talakayang ito…….

Bilang ng pagpapakita ng pahina: 7507

Ugnayan : http://www.islamhouse.com/p/6328

Mahalagang isaalang-alang natin ang mga paksang dapat talakayin upang ganap nating maabot ang layunin ng aklat na ito. Bagaman maraming katanungan ang dapat bigyan ng sapat na kasagutan sa larangan ng relihiyon, pumili tayo ng ilang pundamental na paksang makapagbibigay katatagan upang higit nating maunawaan ang talakayang ito.

Ang relihiyon sa makabagong kahulugan nito ay binubuo ng tao o pangkat ng tao na naglalayong mag-alay ng debosyon at isinasaalang-alang ito bilang isang pananagutan sa isang relihiyosong paniniwala na may kaakibat na pamamaraang umuugnay sa mga relihiyosong pag-uugali, rituwal na pagsasagawa. Ito ay nagsisilbing isang bahagi ng buhay ng tao na tumutugon sa kanyang ispiritual na pangangailangan at bilang isang aspeto rin ng kanyang pamumuhay sa mundong ito. Ang relihiyon ay isang napakalaking bahagi na ginagampanan sa buhay ng tao sapagka’t ito ang nagiging pamantayan niya sa pagbabago ng kanyang pag-uugali at mga gawain at maging ang kanyang pag-asam na makamtan ang ispirituwal na kaligtasan. Ang paniniwala sa relihiyon ay likas na bahagi ng buhay ng isang taong nagnanasang magkaroon ng pagbabago hindi lamang sa pakikiharap niya sa makamundong galaw, higit sa lahat ang kanyang mithiing makamit ang magandang buhay pagkatapos ng kamatayan.

Sa kabilang dako naman, ang Islam ay nagbibigay kahulugan sa relihiyon sa higit na malawak na konsepto na kung tawagin sa salitang arabik ay Deen. Ang relihiyon ay bahagi lamang ng pananalampalatayang Islam sapagka’t sakop nito ang isang ganap na pamamaraan ng Buhay, maging ito ay pampamilya, pangkalakalan, panlipunan, pamahalaan, pangkalikasan, agham at kaalaman, politikal, ispirituwal at relihiyon, kaisipan, atbp. Samakatuwid, ito ay isang pamamaraang ipinagkaloob ng Tagapaglikha upang mabuhay ang tao sa ilalim ng Kanyang mga batas, kautusan, at ayon sa tamang paniniwala at pagkilala sa Kanya. Bilang ganap na pamantayan ng buhay ng tao, hindi lamang nito itinataguyod ang pagkilala at pagsamba sa nag-iisang Diyos, bagkus inilalahad din sa kabuuan nito ang mga pamamamaraan ang pagpapatupad ng mga pamamaraan itong naayon sa batas ng Allah (SWT). Sa maikling kahulugan nito, ang pisikal at ispiritual na pangangailangan ng tao ay tinutugunan ng pananalampalatayang Islam. Taliwas sa ibang lipunan na ang pamahalaan at ang Simbahan ay magkahiwalay. Ang Islam ay kaiba, ang batas ay mula sa Allah (SWT) at hindi batas na ginawa lamang ng tao. Ang Allah (SWT) na Siyang may likha ng tao at Siya lamang ang may lubos na kaalaman kung ano ang angkop at makabubuti sa kanyang mga nilikha. Sa katunayan, ang panlipunang batas na ipinaiiral ng isang tunay na Islamikong bansa ay hango sa Banal na Aklat ng Allah (SWT), ang Qur’an.

Katotohanan, aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Qur’an) nang may katotohanan para sa (patnubay ng) sangkatauhan. Siyang tumatanggap ng patnubay pinabuti ang sariling kaluluwa; subalit siyang naliligaw ay pininsala ang sariling kaluluwa. Ni hindi ka itinalaga (O Muhammad SAS) bilang tagapamahala sa kanila. Banal na Qur’an :Az-Zumar [39] :41

Sa kapakanan ng mga mambabasa na hindi pa Muslim, gagamitin ang salitang “relihiyon” bilang pinakamalapit na kahulugan ng salitang “deen” upang maging payak at maunawaan ang paksang bibigyan ng daan.

SINO ANG TAGAPAGTATAG NG RELIHIYON ?

Sa unang paksa, naipaliwanag natin na ang tunay na kahulugan ng relihiyon ay isang pamamaraan ng buhay na ipinagkaloob sa atin ng Lumikha upang ang bawa’t tao ay tumahak sa tamang landas. Sa malawak na pananaw nito, walang sinumang tao ang maaaring magtatag ng mga batas o kautusan na ganap na makatutugon sa pangunahing pangangailangan ng sangkatauhan.

Kung ang tunay na kahulugan ng relihiyon ay tamang pamamaraan ng Buhay, samakatuwid walang sinumang tao ang maaaring magtatag ng relihiyon sapagka’t ang relihiyon, sa tunay na diwa at kahulugan nito, ay may lakip na batas na dapat tuparin ng isang tao.

Ang Dakilang Lumikha lamang ang may tanging karapatan na magtatag at magbigay ng relihiyon kaalinsabay ng mga batas at kautusan. At ang relihiyon (pamamaraan ng buhay) ay patuloy Niyang ipinahayag mula pa noong nilikha Niya ang unang tao-(sina Adan at Eba) hanggang sa ihayag ito sa kabuuang anyo kay Propeta Mohammad at patuloy na ipatutupad hanggang sa Araw ng Paghuhukom.

Sa kaisipan ng ibang tao, ang relihiyon ay maaaring itatag ng kahit na sinong tao. Sa katotohanan, kahit sinong Propeta na isinugo ng Dakilang Lumikha ay hindi mga tagapagtatag ng Relihiyon. Ang Relihiyong Kristiyanismo ay hindi itinatag ni Hesukristo, ang relihiyong Judaismo ay hindi itinatag ni Propeta Moises, ang relihiyong Islam ay hindi itinatag ni Propeta Muhammad. Ang mga Propeta ay mga Sugo lamang ng Diyos na binigyan ng karapatan at kakayahan upang isakatuparan ng tamang pamamaraan ng buhay na tinatawag nga natin sa payak na kahulugan na “ relihiyon”. Si Moises ay hindi nagsabi na ang kanyang relihiyon ay Judaismo. Hindi ito matutunghayan sa Lumang Tipan o maging sa kanyang orihinal na Kasulatan na Tawrat. Si Hesus ay walang sinabi na ang kanyang relihiyon ay Kristiyanismo. Walang matutunghayang salita si Hesus na tumutukoy sa Kristiyanismo. Samantala, ang Banal na Qur’an na siyang huli sa lahat ng Banal na Kasulatan ay nagpahayag na ang Islam ang tunay at tanging relihiyon sapagkat ito ay nagmula sa Kanya. Ang Islam ay hindi kathang isip ni Propeta Muhammad bagkus ito ay kanyang ipinamahagi bilang mensahe sa kanya ng Nag-iisang Diyos, ang Allah (SWT). Ang mga Propetang isinugo ng Diyos sa lupa na kinikilala ng sangkatauhan tulad ni Adan, Noah, Abraham, Lot, Ismael, Isaak, Moises, Aaron, David, Solomon, Hesus at ang huli na si Propeta Muhammad ay iisa ang dalang relihiyon. Ito ay relihiyong ng kapayapaan. Sa wikang ginamit ni Moises at Hesus, ito ay tinawag na shalom. Sa wikang ginamit na arabik ito ay Islam-isang katagang hinango sa salitang salam na ang literal na kahulugan nito ay Kapayapaan, kapayapaan sa kapaligiran, kaisapan, kalooban at katawan ng sinumang naghahangad na isuko ang kanyang buong sarili sa Nag-iisang Diyos-ang Allah..

“Katiyakan, ang (tunay) na relihiyon sa paningin ng Allah ay ang Islam (ganap na pagtalima at pagsuko sa Kanyang kalooban)” Banal na Qur’an:Al-Imran [3]:19

At dahil mayroon lamang isang Tanging Diyos, at iisa lamang ang pinagmulan ng tao, samakatuwid isang panuntunan o relihiyon lamang ang ipinagkaloob upang ang lahat ng tao ay magkaroon ng isa at tanging pagkilala sa kanilang Diyos. Hindi Niya binigyan ng sariling relihiyon ang mga Hudyo, at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Kristiyano at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Muslim, bagkus isang Relihiyon ang ipinagkaloob Niya para sa sangkatauhan.

“Katotohanan, Aming ipinadala ang (kapahayagan) inspirasyon sa iyo (O, Muhammad) katulad ng Aming pagpapadala ng (kapahayagan) inspirasyon kay Noah at sa mga propetang (dumating) pagkaraan niya. At Amin ding binigyang inspirasyon si Abraham, Ismael, Isaak, Hakob at ang Al Asbat (labindalawang anak ni Hakob), Hesus, Hob, Jonas, Aaron, at si Solomon at kay David ipinagkaloob ang Zabur (Psalmo). Banal Na Qur’an:An-Nisa [4] : 163

ANO ANG PANGUNAHING ARAL NG ISANG TUNAY NA RELIHIYON?

Ang pangunahing aral o katangian ng halos lahat ng mga relihiyon ay ang paniniwala sa iisang Diyos o ang Kataastaasang Nag-iisang Diyos na siyang Pinakamakapangyarihan at Nakakaalam ng lahat. Ang mga tagasunod ng bawa’t relihiyon ay naniniwala na ang kanilang Diyos na sinasamba ay katulad ng Diyos na sinasamba ng iba at tanging ang pagkakaiba ay ang pamamaraan ng pagsamba at ang pagkilala sa pangalan Niya. Ang ganitong pananaw ay hindi tinatanggap sa Islam. Ang Islam ay nagtatakda na ang paniniwala ay may kaakibat na gawa na umaayon sa utos ng Dakilang Lumikha. Ang paniniwala sa nag-iisang Diyos, ang pamamaraan ng pagsamba at ang pagkilala sa pangalan Niya ay may tamang pamantayan at gabay na sumasang-ayon sa iisang batas na Kanyang ipinagkaloob. Ang Banal na Qur’an ay nag-aatas na hikayatin ang mga “Angkan ng Kasulatan”, at magkasundo sa iisang salita hinggil sa nag-iisang Diyos:

“Sabihin (O Muhammad) : O Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristyano)! Halin kayo sa isang salita na makatarungan sa amin at sa inyo, na wala tayong ibang sasambahin maliban sa (nag-iisang) Allah (SWT), at hindi tayo magbibigay ng ano mang katambal Niya, at hindi tayo kukuha ng ibang Diyos maliban sa Allah U,” At kung sila ay tumalikod, magkayo’y, sabihin, “Saksi kayo na kami ay Muslims”. Banal na Qur’an: Al-Imran [3]:64

Ang nasabing Ayat o Talata ay nagbibigay diin sa bawa’t Muslim na hikayatin ang mga Hudyo at Kristyano na magkaisa sa iisang paniniwala na walang dapat sambahin maliban sa nag-iisang Diyos – ang Allah (SWT). Ipinakikilala sa talatang ito ang pagiging makatarungan sa pagkilatis ng katotohanan, at isang salita o ugnayan na kung saan ay magiging katanggap-tanggap sa bawa’t panig.

Ang Kaisahan ng Allah (SWT) ay nagtatagubilin sa tao na IISA lamang ang nararapat na pag-ukulan ng pagsamba. Kasunod nito, nararapat na IISA lamang ang relihiyon na dapat tangkilikin ng tao, magkagayon, makatarungan lamang na IISA din ang pamamaraan ng pagsamba.

At sinabi ng Allah (SWT) “Huwag sumamba sa dalawang Diyos. Katotohanan, Siya lamang ang nag-iisang Diyos. Banal na Qur’an:An-Nahl[16]:51

Ang paniniwala sa Nag-iisang Diyos ay hindi nagtatapos sa simpleng paniniwala lamang, ang paniniwala ay pinagtitibay ng gawa at ang gawa ay nararapat na sumasang-ayon sa kagustuhan ng Nag-iisang Diyos. Samakatuwid, marapat lamang bigyan ng pansin na ang Islam ay nagtuturo ng isang paniniwala sa Nag-iisang Diyos, ang Allah (SWT), na pinagtitibay ng gawa ayon sa kautusan ng Nag-iisang Diyos. Anumang uri ng paniniwala na walang pagsagawa ay itinuturing na walang saysay.

Sa mabilis na paglipas ng panahon ang Kaisahan ng Allah (SWT), ang pagkilala sa IISANG relihiyon at ang iisang pamamaraan ng pagsamba ay nabahiran ng maraming pagdadagdag o pagbabawas. Nagsulputan ang iba’t ibang pananalampalataya na halos lahat ay nag-aangkin na nasa kanila ang kaligtasan. Ang pagtatakda ng Allah (SWT) sa kaganapang ito ay isang pagsubok sa talino ng tao sa kanyang malayang pangangatuwiran upang malaman kung ano ang tama at mali.

(Galing sa Aklat na “Ang Batayan ng Tunay na Relihiyon”)