Mga Biyaya ng Pag-aayuno

Ang Mga Biyaya ng Pag-aayuno

ni Mohammad B. Mendoza

Bilang Muslim, dapat nating bigyan ng pansin ang ilang mahahalagang bagay hinggil sa itinakdang pag-aayuno tuwing buwan ng Ramadan upang malaman ang kahalagahan nito at ang mga biyayang makakamtan sa matapat na pagtupad nito .

Katunayan, ipinag-utos sa mga Muslim ang pag-aayuno tuwing sasapit ang buwan ng Ramadan. Tunghayan natin ang kahulugan ng isang talata sa Banal na Qur’an : O kayong mananampalataya! Ang Siyâm (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo magkaroon ng Taqwa (1). (Al-Baqarah 2:183 ( Ang mga sumusunod ay dapat malaman upang maging kapaki-pakinabang ang ating pag-aayuno :

.١Ang Pagkakaroon ng Takot sa Allâh(swt). Ang takot na pinahahalagahan dito ay

siyang magsisilbing pananggalang sa ating sarili laban sa Apoy ng Impiyerno at galit

mula sa Allâh(swt)., kaya’t nararapat lamang na tanungin natin ang ating mga sarili

kung dapat bang talikuran ang pag-aayuno. Gayundin, tanungin natin ang ating mga

sarili kung ang pag-aayuno bang ito ay naging daan upang maragdagan ang ating

takot sa Allâh(swt). Naging dahilan ba ito upang ating mapangalagaan ang ating mga

sarili laban sa Apoy ng Impiyerno?

.٢Ang Pagiging Malapit sa Allâh(swt )…

Upang tayo ay maging malapit sa makapangyarihang Allâh (swt), kailangang dagdagan ang pagbabasa ng Banal na Qur’an sa araw at gabi, sumama sa pagdarasal ng Taraweh, laging isaalaala ang Allâh(swt), magtipun-tipon upang talakayin ang kahalagahan ng kaalaman at mga bagay na may kaugnayan sa pananampalataya, at sikaping magsagawa ng Umrah kung may kakayahan at pagkakataon. Gayundin, ang pananatili sa loob ng Masjid (I’tikaaf) sa huling 10 araw sa buwan ng Ramadan upang sa kahit sa maikling panahong ito maibuhos ang sarili sa pagsamba sa Allâh(swt) at pansamantalang ilayo ang sarili sa makamundong bagay .

Sinumang nananatili sa pagkakasala, mararamdaman niya ang kanyang paglayo sa Allâh(swt) na siyang dahilan upang maging mahirap sa kanya ang magbasa ng Banal na Qur’an at ang pagpunta sa Masjid. Subali’t ang isang masunuring mananampalataya ay patuloy na nagnanais na mapalapit sa Allâh(swt) at siya ay gumagawa ng lahat ng uri ng pagsamba bilang kanyang tungkulin sa Allâh(swt).

.١ Ang Pagtitiis at Paghahanap ng Matatag na Hangarin. Binanggit ng Allâh(swt)

ang katagang Saber (pagtitiis) sa loob ng Banal na Qur’an nang 70 ulit at Kanyang

ipinag-utos ang pagtitiis sa 16 na paraan sa Kanyang Aklat. Kaya’t sinuman ang nagayuno

at umiwas sa pagkain, inumin at pakikipagtalik sa kanyang asawa sa oras ng

pag-aayuno ay pinalalakas niya ang kanyang pagtitiis. Ang pamayanang ito ay

nangangailangan ng kalalakihan at kababaihan na may matatag na hangarin na

magampanan ang Sunnah at Aklat ng Allâh(swt). Hindi natin kailangan ang isang

taong emosyonal na nagpapahayag ng mga salawikain subali’t pagkaraan ay nagiging

mahina sa pagganap at pagpanatili ng sarili sa tungkuling ito tungo sa di niya

pagtugon sa kanyang obligasyon na humahantong sa tuluyang pagtalikod .

.٢ Ang Kaganapan at Katuparan ng Ihsan .

Ang Ihsan ay nangangahulugan ng isang katayuan ng isang Muslim na bagama’t hindi niya nakikita ang Allâh (swt), batid niyang nakikita siya ng Allâh(swt). Katunayan, Kanyang nalalaman ang lahat ng bagay. Kapag ang isang Muslim ay nag-aayuno,

kailangan niyang makamtan ang ganitong katangian at iwasang gumawa ng mga bagay na magtutulak sa mga gawaing pakitang-tao lamang “.

Ayon sa sinabi ng Allâh (swt) sa isang Hadith Qudsi :

“Ang pag-aayuno ay para sa Akin at Ako ang magbibigay ng gantimpala rito.” (Al Bukhari).

Ang pag-aayuno ay binigyan ng Allâh(swt) ng kaibahan sa lahat ng uri ng pagsamba sa pagsasabing: “Ang pag-aayuno ay para sa Akin lamang”, sapagka’t walang nakababatid kung ang tao ay tunay nag-aayuno maliban sa Allâh(swt) lamang. Isang halimbawa, sinuman ang magdasal, magbigay ng kawanggawa o magsagawa ng Tawaf, siya ay maaaring makita ng tao, o kaya naman ang iba sa kanila ay gumagawa ng ganoong bagay upang mapansin ng ibang tao.Si Abu Sufyan Ath-Thawree ay gumugugol ng gabi at araw na umiiyak, ang mga tao ay nagtanong sa kanya: “Bakit ka umiiyak, tanda ba ito ng iyong takot sa Allâh(swt)?; Siya ay sumagot;Hindi!; Sila ay patuloy na nagtanong;Ito ba ay dahil sa takot mo sa Apoy ng Impiyerno?; Siya ay sumagot;Hindi sa takot sa Apoy ng Impiyerno ang dahilan ng aking pag-iyak. Ako ay umiiyak sapagka’t sa mga nagdaang taon ng aking pagsamba sa Allâh(swt) at pangangaral ng kabutihan, hindi pa rin ako nakatitiyak sa aking layunin kung ito ba ay dalisay sa harap ng Allah (SWT).

.٥Ang Kadalisayan ng Pag-uugali .

Si Propeta Muhammad ay nagsabi :

“Sinumang hindi iniwan ang kanyang kasinungalingan sa pananalita at sa gawa, magkagayon, ang Allâh(swt) ay hindi tatanggapin ang kanyang pag-iwas sa pagkain at pag-inom.” (Al Bukhari).

Ang maaari nating matutuhan dito ay ang kahalagahan ng pagpapakadalisay ng ating pag-uugali at asal .

Makabubuting suriin ang sarili kung nakasusunod ba sa pag-uugali ni Propeta Muhammad . Isang halimbawa, tayo ba ay nagsasagawa ng pagbati ng kapayapaan sa ating kakilala at maging sa hindi natin kakilala? Sinusunod ba natin ang katuruan ng mabuting pag-uugali sa Islam at ang pagsasabi ng katotohanan at pawang mga katotohanan lamang? Ginagawa ba natin ito nang makatotohanan at may dalisay na layunin na tanging sa Allâh (swt) lamang nauukol ang mga ganitong gawain? Kung sakaling may nakaligtaang tupdin sa mga nabanggit, bigyan ng pagkakataon ang sarili upang magbago habang may nalalabi pang pagkakataon sa buhay. Laging tandaan na ang Allâh (swt) ay lubos na nalulugod sa Kanyang mga aliping nagsisikap magbago kaugnay ng kanilang kamalian at kaagad na humihingi ng tawad sa kanilang mga nagawang kasalanan .

.٦Ang Pagbabago mula sa Pagkakasala .

Si Propeta Muhammad ay nagsabi :

“Ang bawa’t anak ni Adan ay nagkakasala subali’t yaong pinakamabuti sa mga nagkakasala ay yaong kaagad na nagsisisi.” (Ibn Ma’ajah).

Ang tao ay pinagkalooban ng Allâh(swt) ng maraming pagkakataon upang magsisi at hilingin ang Kanyang Kapatawaran. Sinumang makatotohanan sa paghingi ng tawad, katiyakang makakamtan niya ang walang hanggang kapatawarang nagmumula lamang sa Allâh (swt), Insha’Allâh .

.٧Ang Pagiging Mapagkawanggawa .

Iniulat ni Ibn Abbas :

“Si Propeta Muhammad ang pinakamapagkawanggawa sa lahat ng mga nilikha at higit niya itong ginagawa sa buwan ng Ramadan kapag sila ay nagkikita ni Jibreel tuwing gabi ng Ramadan hanggang matapos ang buwang ito”. (Al Bukhari).

Sinabi pa ni Propeta Muhammad :

“Sinumang magbigay ng pagkain sa taong nag-aayuno upang tapusin ang kanyang pag-aayuno (sa takdang pagtatapos ng pag-aayuno), siya ay makatatanggap ng parehong biyaya katulad ng biyaya ng nag-ayuno, nang walang anumang bawas sa biyayang igagawad sa taong nag-aayuno.”(At Tirmidhi).

.٨Ang Pagkakaisa ng mga Muslim .

Si Propeta Muhammad ay nagsabi :

“Kayong susunod na henerasyon pagkaraan ng aking panahon ay makakikita ng maraming pagbabago. Kaya’t marapat lamang na panghawakang mabuti ang aking Sunnah at ang pamamaraan ng mga susunod na Khalifa. Panatilihin ang pag-aayuno at panghawakan ito.” (Abu Dawood).

Sa buwang ito, ating nararamdaman ang pagkakaisa ng lahat ng Muslim sa lahat ng panig ng daigdig. Sapagka’t tayo ay kapuwa nag-aayuno at kapuwa humihinto sa pag-aayuno sa pagdating ng takdang panahon ng pagtigil nito. Sumasamba tayong lahat sa Allâh(swt); ang Nag-iisang Diyos, at tayo ay sama-samang nagdarasal ng Salatul; Eid. Kaya naman naipadadama natin ang pagkakaisa nating mga Muslim sa buwang ito. Hindi malayong tayong mga Muslim ay magkaisa na parang iisang katawan kung tayo ay patuloy na susunod sa Allâh(swt) at sa Kanyang Huling Sugo na si Propeta Muhammad. (SAW).

.٩Ang Pagkakaroon ng Disiplina .

Ipinag-utos sa atin ni Propeta Muhammad na panatilihin ang pagdisiplina sa ating sarili at maging istrikto. Ang pagiging istrikto na hindi magtutulak upang tayo’y maging panatiko o anumang gawaing maglalabas sa atin sa batas ng Allâh (swt) na ipinahayag nang malinaw para sa atin. Ang mga Muslim ay kailangang maging disiplinado sa kanyang pamumuhay sapagka’t sila ang mga taong pinadalhan ng mahalagang mensahe upang gawing batayan ng kanilang araw-araw na pamumuhay.

.١٠Ang Pagtuturo sa mga Kabataan upang sumamba sa Allâh(swt).

Ito ay kinaugalian na ng mga taga-Madina na tuwing sila ay mag-aayuno sa Aashura (kusang pag-aayuno tuwing ika-10 araw ng buwan ng Muharram) ay kanilang tinuturuan ang kanilang mga anak at sila ay nag-aayuno nang magkakasama .

Kapag ang kanilang anak ay umiiyak sanhi ng gutom at uhaw, kanilang nililibang sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng laruan upang mailayo ang kanilang pansin sa pagkain. Hanggang ang kanilang mga anak ay magpatuloy sa pag-aayuno at sabay-sabay nilang tatapusin ang pag-aayuno .

Gayundin naman, ang mga bata ay nararapat isama sa Masjid upang magdasal kasama ng kanilang magulang upang maitala sa kanilang mga puso ang kahalagahan ng pagsamba sa Allâh (swt) sa kanilang murang edad pa lamang. Kapag hindi sinanay ang mga bata sa pag-aayuno habang sila ay bata pa, maaaring maging mahirap para sa kanila ang pagsasagawa nito pagdating ng kanilang tamang gulang. Ito ang dahilan kung bakit si Propeta Muhammad ay nagsabi :

“Utusan ninyo ang inyong mga anak na magdasal sa edad niyang 7 taong gulang at paluin sila pagsapit sa edad na 10 kung hindi sila magdasal.” (Haakim).

.١١Ang Pangangalaga sa Kalusugan .

Ang pag-aayuno ay may maraming kabutihang naidudulot sa ating katawan. Ito ay nagtuturo sa ating mga Muslim na pangalagaan ang ating kalusugan upang manatiling malakas ang ating pangangatawan .

Si Propeta Muhammad ay nagsabi :

“Ang malakas na mananampalataya ay higit na mahusay at higit na minamahal ng Allâh(swt) kumpara sa mahinang mananampalataya, at ito ay mabuti sa bawa’t isa.” (Muslim).

Sa karagdagang Hadith na iniulat ni Abu Huraira, kanyang sinabi na si Propeta Muhammad ay nagsabi :

“Walang alinlangan, tatlong panalangin ang katugon-tugon. Ang panalangin ng isang nag-aayuno hanggang kanyang itigil ang kanyang pag-aayuno, ang panalangin ng makatarungang pinuno at ang panalangin ng naaapi.” (Al Tirmidhi).

Narito ang tatlong paliwanag sa naturang Hadith :

.١ Ang mga naturang Hadith ay nagpapatunay sa kahalagahan ng panalangin .

.٢ Ang pagtanggap sa panalangin ng mga nag-aayuno, ng mga makatarungang

pinuno at ng mga naaapi ay nakatitiyak .

.٣ Ang Hadith na ito ay nagpapatunay sa kahalagahan ng pag-aayuno at isang

matibay na batayan upang ang mga panalangin ay magiging katanggap-tanggap .

Maraming mabubuting bagay na maaaring matutuhan ng isang mananampalataya sa buwan ng Ramadan. Nawa’y pagsikapang matutuhan ang mga bagay na ito para sa ikalulugod ng Allâh(swt). May maraming bagay na maaaring napabayaan sa mga nagdaang araw tungo sa ikabubuti ng kaluluwa. Ito ang tamang panahon upang itama ang pagkukulang. Dumalangin tayo sa Allâh(swt) at manikluhod sa Kanyang Kapatawaran, Habag at Pagpapala upang tayo’y ibilang sa mga taong maninirahan sa Paraisong Kanyang inihanda sa Kanyang mga aliping patuloy na sumusunod, sumusuko at tumatalima sa Kanyang mga Kautusan .

Ang lahat ng papuri ay sa Allâh(swt) lamang, ang Rabb (Panginoon) ng buong sanlibutan. Nawa’y igawad Niya ang Kanyang kapayapaan at pagpapala kay Propeta Muhammad , sa kanyang pamilya at mga kasamahan at sa lahat ng tumatahak sa Tuwid na Landas hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ameen .

.١Taqwa: Ang pagkakaroon ng takot sa Allaah sa pamamagitan ng pagsamba lamang

sa Kanya, pag-iwas sa pagbibigay katambal sa Kanya, buong pusong pagsunod sa

Kanyang mga ipinag-uutos, pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal at ang pagasam

sa Kanyang Habag sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanyang mga

ipinahayag.swt; Subhanahu wa Taala (Ang Papuri ay sa Allâh lamang; ang Kataastaasan).

saws -Sallallahu Alaihi Wasallam. Isang pangungusap na binabanggit sa tuwing sasabihin o maririnig ang pangalan ni Propeta Muhammad, na isinalin sa isang malapit na kahulugan:; Nawa’y itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanya at ilayo siya sa anumang kamalian (imperfection) at iligtas siya sa anumang kasamaan (evil).

Ang Dhikr Pagkatapos ng Salah

ANG DHIKR PAGKATAPOS NG SALAH

Isang paalaala mula kay Abdul Aziz bin Baz para sa lahat ng Muslim.

 Sunnah na bigkasin ng Muslim pagkatapos ng bawat Obligadong Salah:

أستغفر الله (3 ×)

Astaghfirullaah (3 ×) (Ako’y humihiling ng kapatawaran sa Allah)

اللهم أنت السلام ومنك السلام تباركت يا ذا الجلال والإكرام

O Allah Ikaw ang Walang kapintasan at sa Iyo nagmumula ang kapayapaan, Ikaw ay Punung-puno ng pagpapala, O may taglay ng pagpipitagan at pagpaparangal.

لا إله إلا الله وحده لا شريك له، له الملك وله الحمد وهو على كل شي ء قدير، لا حول ولا قوة إلا بالله، لا إله إلا الله ولا نعبد إلا إياه، له النعمة وله الفضل وله الثناء الحسن، لا إله إلا الله مخلصين له الدين ولو كره الكافرون، اللهم لا مانع لما أعطيت ولا معطي لما منعت ولا ينفع ذا الجد منك الجد.

Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, tanging Siya lamang. Wala Siyang katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri. At Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay.Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ng Allah. Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, at hindi kami sumasamba maliban sa Kanya lamang. Angkin Niya ang pagpapala at angkin din Niya ang biyaya at sa Kanya lamang nauukol ang mainam na papuri. Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, iukol para sa Kanya ang tapat na Pananampalataya, kasuklaman man ito ng mga hindi nananampalataya. O Allah, walang makapipigil sa Iyong pagkakalooban at walang makapagbibigay kapag pinigilan Mo. At hindi makapagbibigay ng kapakinabangan sa taong may magandang kapalaran ang magandang kapalaran sapagkat sa Iyo ito nanggagaling.

 At bigkasin pagkatapos ng Salah sa Fajr at Salah sa Maghrib ang sumusunod (nang sampung beses), kasama na ang naunang nabanggit:

لا إله إلا الله وحده لا شريك له، له الملك وله الحمد يحيي ويميت وهو على كل شيء قدير (10 ×).

Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri. Siya ang nagkakaloob ng buhay at bumabawi ng buhay. At Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay.

 Pagkatapos, kanyang bigkasin:

(سبحان الله 33 )، (الحمد لله 33)، (الله أكبر 33).

Subhaanallaah (33 ×) (Kaluwalhatian sa Allah).

Alhamdu lillah (33 ×) (Ang pagpupuri ay sa Allah).

Allaahu akbar (33 ×) (Ang Allah ay dakila).

 Pagkatapos, kanyang bigkasin sa kabuuan ng isang-daan:

لا إله إلا الله وحده لا شريك له، له الملك وله الحمد وهو على كل شي ء قدير.

Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal. Sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang nauukol ang pagpupuri. At Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay.

 Pagkatapos, kanyang bigkasin ang Ayatul kursee:

اللَّهُ لآَ إِلَهَ إِلاَّ هُـوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ، لاَ تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلاَ نَوْمٌ، لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ، مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلاَّ بِإِذْنِهِ، يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيْهِمْ وَ مَا خَلْفَهُمْ وَلاَ يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلاَّ بِمَا شَآءَ، وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَوَاتِ وَ الأَرْضَ، وَلاَ يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا، وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ.

(Allah – walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Kanya – Ang may buhay (na walang hanggan), Ang Tagapag-aruga (ng lahat). Hindi Siya natatangay ng antok ni ng pagkatulog. Kanyang pag-aari ang anumang nasa mga kalangitan at ng kalupaan. Sino nga ba ang makapamamagitan doon sa Kanya maliban sa pamamagitan ng Kanyang pahintulot ? Kanyang nalalaman ang anumang nasa hinaharap nila (sa Huling-Araw) at ang anumang nasa likuran nila (ang kanilang nakaraan sa Mundong ito); at hindi nila matatalos ang anuman sa Kanyang kaalaman maliban sa Kanyang loobin. Saklaw ng Kanyang luklukan ang mga langit at ang lupa ; at hindi Siya napapagod sa pangangalaga ng mga ito. At Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila). Al-Baqarah: 255

 Pagkatapos, kanyang basahin:

Ang Suoratul Ikhlaas, ( قل هو الله أحد …)

Ang Suoratul Falaq, ( قل أعوذ برب الفلق….)

At ang Suoratun Naas ( قل أعوذ برب الناس….).

 At kanyang uulitin ang mga ito nang tigtatatlong beses pagkatapos ng Salah sa Fajr at Maghrib.

Ito ang siyang pinakamainam …Pagpalain nawa ng Allah ang ating Propeta na si Muhammad ()…

Isinalin sa wikang Tagalog ni:

Muhammad Taha Ali

Ano ang Pangunahing Aral ng Isang Tunay na Relihiyon?

Ang Pang-kalahatang kard

Ang Pamagat: Ano ang Pangunahing Aral ng Isang Tunay na Relihiyon?

Wika: Tagalog

Petsa ng Pagdagdag: Apr 02,2007

Maikling Pagkakalarawan: Mahalagang isaalang-alang natin ang mga paksang dapat talakayin upang ganap nating maabot ang layunin ng aklat na ito. Bagaman maraming katanungan ang dapat bigyan ng sapat na kasagutan sa larangan ng relihiyon, pumili tayo ng ilang pundamental na paksang makapagbibigay katatagan upang higit nating maunawaan ang talakayang ito…….

Bilang ng pagpapakita ng pahina: 7507

Ugnayan : http://www.islamhouse.com/p/6328

Mahalagang isaalang-alang natin ang mga paksang dapat talakayin upang ganap nating maabot ang layunin ng aklat na ito. Bagaman maraming katanungan ang dapat bigyan ng sapat na kasagutan sa larangan ng relihiyon, pumili tayo ng ilang pundamental na paksang makapagbibigay katatagan upang higit nating maunawaan ang talakayang ito.

Ang relihiyon sa makabagong kahulugan nito ay binubuo ng tao o pangkat ng tao na naglalayong mag-alay ng debosyon at isinasaalang-alang ito bilang isang pananagutan sa isang relihiyosong paniniwala na may kaakibat na pamamaraang umuugnay sa mga relihiyosong pag-uugali, rituwal na pagsasagawa. Ito ay nagsisilbing isang bahagi ng buhay ng tao na tumutugon sa kanyang ispiritual na pangangailangan at bilang isang aspeto rin ng kanyang pamumuhay sa mundong ito. Ang relihiyon ay isang napakalaking bahagi na ginagampanan sa buhay ng tao sapagka’t ito ang nagiging pamantayan niya sa pagbabago ng kanyang pag-uugali at mga gawain at maging ang kanyang pag-asam na makamtan ang ispirituwal na kaligtasan. Ang paniniwala sa relihiyon ay likas na bahagi ng buhay ng isang taong nagnanasang magkaroon ng pagbabago hindi lamang sa pakikiharap niya sa makamundong galaw, higit sa lahat ang kanyang mithiing makamit ang magandang buhay pagkatapos ng kamatayan.

Sa kabilang dako naman, ang Islam ay nagbibigay kahulugan sa relihiyon sa higit na malawak na konsepto na kung tawagin sa salitang arabik ay Deen. Ang relihiyon ay bahagi lamang ng pananalampalatayang Islam sapagka’t sakop nito ang isang ganap na pamamaraan ng Buhay, maging ito ay pampamilya, pangkalakalan, panlipunan, pamahalaan, pangkalikasan, agham at kaalaman, politikal, ispirituwal at relihiyon, kaisipan, atbp. Samakatuwid, ito ay isang pamamaraang ipinagkaloob ng Tagapaglikha upang mabuhay ang tao sa ilalim ng Kanyang mga batas, kautusan, at ayon sa tamang paniniwala at pagkilala sa Kanya. Bilang ganap na pamantayan ng buhay ng tao, hindi lamang nito itinataguyod ang pagkilala at pagsamba sa nag-iisang Diyos, bagkus inilalahad din sa kabuuan nito ang mga pamamamaraan ang pagpapatupad ng mga pamamaraan itong naayon sa batas ng Allah (SWT). Sa maikling kahulugan nito, ang pisikal at ispiritual na pangangailangan ng tao ay tinutugunan ng pananalampalatayang Islam. Taliwas sa ibang lipunan na ang pamahalaan at ang Simbahan ay magkahiwalay. Ang Islam ay kaiba, ang batas ay mula sa Allah (SWT) at hindi batas na ginawa lamang ng tao. Ang Allah (SWT) na Siyang may likha ng tao at Siya lamang ang may lubos na kaalaman kung ano ang angkop at makabubuti sa kanyang mga nilikha. Sa katunayan, ang panlipunang batas na ipinaiiral ng isang tunay na Islamikong bansa ay hango sa Banal na Aklat ng Allah (SWT), ang Qur’an.

Katotohanan, aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Qur’an) nang may katotohanan para sa (patnubay ng) sangkatauhan. Siyang tumatanggap ng patnubay pinabuti ang sariling kaluluwa; subalit siyang naliligaw ay pininsala ang sariling kaluluwa. Ni hindi ka itinalaga (O Muhammad SAS) bilang tagapamahala sa kanila. Banal na Qur’an :Az-Zumar [39] :41

Sa kapakanan ng mga mambabasa na hindi pa Muslim, gagamitin ang salitang “relihiyon” bilang pinakamalapit na kahulugan ng salitang “deen” upang maging payak at maunawaan ang paksang bibigyan ng daan.

SINO ANG TAGAPAGTATAG NG RELIHIYON ?

Sa unang paksa, naipaliwanag natin na ang tunay na kahulugan ng relihiyon ay isang pamamaraan ng buhay na ipinagkaloob sa atin ng Lumikha upang ang bawa’t tao ay tumahak sa tamang landas. Sa malawak na pananaw nito, walang sinumang tao ang maaaring magtatag ng mga batas o kautusan na ganap na makatutugon sa pangunahing pangangailangan ng sangkatauhan.

Kung ang tunay na kahulugan ng relihiyon ay tamang pamamaraan ng Buhay, samakatuwid walang sinumang tao ang maaaring magtatag ng relihiyon sapagka’t ang relihiyon, sa tunay na diwa at kahulugan nito, ay may lakip na batas na dapat tuparin ng isang tao.

Ang Dakilang Lumikha lamang ang may tanging karapatan na magtatag at magbigay ng relihiyon kaalinsabay ng mga batas at kautusan. At ang relihiyon (pamamaraan ng buhay) ay patuloy Niyang ipinahayag mula pa noong nilikha Niya ang unang tao-(sina Adan at Eba) hanggang sa ihayag ito sa kabuuang anyo kay Propeta Mohammad at patuloy na ipatutupad hanggang sa Araw ng Paghuhukom.

Sa kaisipan ng ibang tao, ang relihiyon ay maaaring itatag ng kahit na sinong tao. Sa katotohanan, kahit sinong Propeta na isinugo ng Dakilang Lumikha ay hindi mga tagapagtatag ng Relihiyon. Ang Relihiyong Kristiyanismo ay hindi itinatag ni Hesukristo, ang relihiyong Judaismo ay hindi itinatag ni Propeta Moises, ang relihiyong Islam ay hindi itinatag ni Propeta Muhammad. Ang mga Propeta ay mga Sugo lamang ng Diyos na binigyan ng karapatan at kakayahan upang isakatuparan ng tamang pamamaraan ng buhay na tinatawag nga natin sa payak na kahulugan na “ relihiyon”. Si Moises ay hindi nagsabi na ang kanyang relihiyon ay Judaismo. Hindi ito matutunghayan sa Lumang Tipan o maging sa kanyang orihinal na Kasulatan na Tawrat. Si Hesus ay walang sinabi na ang kanyang relihiyon ay Kristiyanismo. Walang matutunghayang salita si Hesus na tumutukoy sa Kristiyanismo. Samantala, ang Banal na Qur’an na siyang huli sa lahat ng Banal na Kasulatan ay nagpahayag na ang Islam ang tunay at tanging relihiyon sapagkat ito ay nagmula sa Kanya. Ang Islam ay hindi kathang isip ni Propeta Muhammad bagkus ito ay kanyang ipinamahagi bilang mensahe sa kanya ng Nag-iisang Diyos, ang Allah (SWT). Ang mga Propetang isinugo ng Diyos sa lupa na kinikilala ng sangkatauhan tulad ni Adan, Noah, Abraham, Lot, Ismael, Isaak, Moises, Aaron, David, Solomon, Hesus at ang huli na si Propeta Muhammad ay iisa ang dalang relihiyon. Ito ay relihiyong ng kapayapaan. Sa wikang ginamit ni Moises at Hesus, ito ay tinawag na shalom. Sa wikang ginamit na arabik ito ay Islam-isang katagang hinango sa salitang salam na ang literal na kahulugan nito ay Kapayapaan, kapayapaan sa kapaligiran, kaisapan, kalooban at katawan ng sinumang naghahangad na isuko ang kanyang buong sarili sa Nag-iisang Diyos-ang Allah..

“Katiyakan, ang (tunay) na relihiyon sa paningin ng Allah ay ang Islam (ganap na pagtalima at pagsuko sa Kanyang kalooban)” Banal na Qur’an:Al-Imran [3]:19

At dahil mayroon lamang isang Tanging Diyos, at iisa lamang ang pinagmulan ng tao, samakatuwid isang panuntunan o relihiyon lamang ang ipinagkaloob upang ang lahat ng tao ay magkaroon ng isa at tanging pagkilala sa kanilang Diyos. Hindi Niya binigyan ng sariling relihiyon ang mga Hudyo, at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Kristiyano at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Muslim, bagkus isang Relihiyon ang ipinagkaloob Niya para sa sangkatauhan.

“Katotohanan, Aming ipinadala ang (kapahayagan) inspirasyon sa iyo (O, Muhammad) katulad ng Aming pagpapadala ng (kapahayagan) inspirasyon kay Noah at sa mga propetang (dumating) pagkaraan niya. At Amin ding binigyang inspirasyon si Abraham, Ismael, Isaak, Hakob at ang Al Asbat (labindalawang anak ni Hakob), Hesus, Hob, Jonas, Aaron, at si Solomon at kay David ipinagkaloob ang Zabur (Psalmo). Banal Na Qur’an:An-Nisa [4] : 163

ANO ANG PANGUNAHING ARAL NG ISANG TUNAY NA RELIHIYON?

Ang pangunahing aral o katangian ng halos lahat ng mga relihiyon ay ang paniniwala sa iisang Diyos o ang Kataastaasang Nag-iisang Diyos na siyang Pinakamakapangyarihan at Nakakaalam ng lahat. Ang mga tagasunod ng bawa’t relihiyon ay naniniwala na ang kanilang Diyos na sinasamba ay katulad ng Diyos na sinasamba ng iba at tanging ang pagkakaiba ay ang pamamaraan ng pagsamba at ang pagkilala sa pangalan Niya. Ang ganitong pananaw ay hindi tinatanggap sa Islam. Ang Islam ay nagtatakda na ang paniniwala ay may kaakibat na gawa na umaayon sa utos ng Dakilang Lumikha. Ang paniniwala sa nag-iisang Diyos, ang pamamaraan ng pagsamba at ang pagkilala sa pangalan Niya ay may tamang pamantayan at gabay na sumasang-ayon sa iisang batas na Kanyang ipinagkaloob. Ang Banal na Qur’an ay nag-aatas na hikayatin ang mga “Angkan ng Kasulatan”, at magkasundo sa iisang salita hinggil sa nag-iisang Diyos:

“Sabihin (O Muhammad) : O Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristyano)! Halin kayo sa isang salita na makatarungan sa amin at sa inyo, na wala tayong ibang sasambahin maliban sa (nag-iisang) Allah (SWT), at hindi tayo magbibigay ng ano mang katambal Niya, at hindi tayo kukuha ng ibang Diyos maliban sa Allah U,” At kung sila ay tumalikod, magkayo’y, sabihin, “Saksi kayo na kami ay Muslims”. Banal na Qur’an: Al-Imran [3]:64

Ang nasabing Ayat o Talata ay nagbibigay diin sa bawa’t Muslim na hikayatin ang mga Hudyo at Kristyano na magkaisa sa iisang paniniwala na walang dapat sambahin maliban sa nag-iisang Diyos – ang Allah (SWT). Ipinakikilala sa talatang ito ang pagiging makatarungan sa pagkilatis ng katotohanan, at isang salita o ugnayan na kung saan ay magiging katanggap-tanggap sa bawa’t panig.

Ang Kaisahan ng Allah (SWT) ay nagtatagubilin sa tao na IISA lamang ang nararapat na pag-ukulan ng pagsamba. Kasunod nito, nararapat na IISA lamang ang relihiyon na dapat tangkilikin ng tao, magkagayon, makatarungan lamang na IISA din ang pamamaraan ng pagsamba.

At sinabi ng Allah (SWT) “Huwag sumamba sa dalawang Diyos. Katotohanan, Siya lamang ang nag-iisang Diyos. Banal na Qur’an:An-Nahl[16]:51

Ang paniniwala sa Nag-iisang Diyos ay hindi nagtatapos sa simpleng paniniwala lamang, ang paniniwala ay pinagtitibay ng gawa at ang gawa ay nararapat na sumasang-ayon sa kagustuhan ng Nag-iisang Diyos. Samakatuwid, marapat lamang bigyan ng pansin na ang Islam ay nagtuturo ng isang paniniwala sa Nag-iisang Diyos, ang Allah (SWT), na pinagtitibay ng gawa ayon sa kautusan ng Nag-iisang Diyos. Anumang uri ng paniniwala na walang pagsagawa ay itinuturing na walang saysay.

Sa mabilis na paglipas ng panahon ang Kaisahan ng Allah (SWT), ang pagkilala sa IISANG relihiyon at ang iisang pamamaraan ng pagsamba ay nabahiran ng maraming pagdadagdag o pagbabawas. Nagsulputan ang iba’t ibang pananalampalataya na halos lahat ay nag-aangkin na nasa kanila ang kaligtasan. Ang pagtatakda ng Allah (SWT) sa kaganapang ito ay isang pagsubok sa talino ng tao sa kanyang malayang pangangatuwiran upang malaman kung ano ang tama at mali.

(Galing sa Aklat na “Ang Batayan ng Tunay na Relihiyon”)

Ang Hijab sa Islam by Nur M.

Ang Hijab (Islamic Dress Code)

by PM on Mon Aug 04, 2008 11:03 am

Nagrepasu : Nur Maguid

Ang kasuutang nagtatakip sa pribadong bahagi ng katawan ng isang babaing Muslim.

May tatlong taon na ang nakalipas ngayong ika-25 ng Disyembre nang aking ihayag ang pagsasaksi (Shahada) sa nag-iisang Tagapag-Likha, ang Allah, at sa Kanyang Huling Sugo (Muhammad (Sas)). At sa gayo’y binigyang-laya ang sarili mula sa dating pagpapa-alipin sa pag-alpas buhat sa karimlan ng di-pananampalataya (kufr) tungo sa liwanag ng Islam, nakakatuwang natagpuan ko ang gayong kalayaan sa mismong bagay pa mandin na sa unang banda’y nagsisilbing hadlang sa akin sa Islam, ang “hijab”. Sa kabila ng natatanggap na mga tinging may pagtataka, pagtuturo at pamumuna, ang takip na ito ay ginagawa akong kagalang-galang, ligtas at pinapahalagahan.

Ang salitang hijab ay nagmula sa salitang Arabik na “hajabah” na ang kahuluga’y itayo sa paningin o ikubli. Ang mga kababaihang nagtatago ng kanilang kagandahan sa lipunang ito at hindi nagpapagupo sa mapang-aping kalakaran ay pansinin-dili, manhid (walang pakiramdam) at sinauna. Sa dahilang madalas akong mapagkamalan na isang madre, teroristang nagtatago ng kung ano pa man o yaong larawan ng isang batang nakatakdang supilin ang pagdadalaga. Ang hijab para sa maraming kababaihan ay siyang totohanang pagsubok ng pagiging isang Muslim. Sa pag-utos ng Allah na magsuot kami ng hijab, Siya ay nagbigay sa mga kababaihang Muslim ng tungkuling kaya nilang gampanan. Sapagka’t ang Allah ay nagsabi:

“At hindi kami nagbibigay ng pasanin sa isang nilalang maliban sa abot ng kanyang kakayahan, at ang sa Amin ay ang aklat na naghahayag ng katotohanan, at (lahat) sila ay huhusgahan nang makatarungan.” [Qur’an, 23:62]

Sa kasamaang palad, ibinubuyo ni satanas sampu ng kanyang mga kampon (alagad) ang babaeng Muslim na magpa-alipin sa mga materyal na bagay (dito sa mundo) at limutin ang tungkol sa kanyang paninilbihan (pananampalataya) sa tanging Tagapag-Likha, ang Allah. Ang kalinisang puri, kahinhinan at pagkalinga ay mapanlinlang na itinataguring babala sa mga nananampalataya na huwag silang magpalinlang kay satanas kagaya ng kanyang panlilinlang sa kanilang mga ninuno, sina Adan at Eba. Subali’t sa ilalim ng balat-kayo niyang magagarang damit, kultura (na sunod sa agos) at pagkamakabago, unti-unting naililikis ng landas ni satanas ang babaeng Muslim tungo sa pagkalimot ng kabutihan-asal.

Magmula pa sa sinaunang kabihasnan, ang mga maluluwag na damit at ulo ay nauugnay na sa pagiging “maka-Diyos (Allah)” o yaong “may pagsasaalang-alang sa Diyos (Allah)”. At kahit na ang pagsasalarawan ng mga Kristiyano sa mga naunang mga propeta at ng kanilang kababaihan ay nagtataglay ng pagkakahawig sa kasuotang iniatas sa kalalakihan at kababaihang Muslim. Ang kaugaliang ito ng kagandahang asal ay nasasaad sa Banal na Qur’an na kung saan ang Allah ay nagsasabi:

“O mga anak ni Adan! Kami ay nagtakda ng kasuotan sa inyo para takpan ang inyong mga sarili (maseselang bahagi ng katawan, atbp.) at bilang palamuti. Subali’t ang kasuotang matuwid ay higit na makabubuti (mainam).” [Qur’an, 7:26]

Ngunit magmula noong kapanahunan ng kilusang pangkababaihan, palala nang palala ang pamimintas (o pagbatikos) sa kasuotan at katayuan ng mga kababaihang Muslim. Ayon dito sa mga kababaihang “may makabagong pananaw”, hindi lang ang mga ulo ang tinatakpan ng hijab bagkus ay pati na rin ang pag-iisip, at karunungan. Sila ay nagsasabi na ang ating kasuotan ay sinauna at mapanupil, at ito ay pumipigil o humahadlang sa atin na maging kapaki-pakinabang na nilalang. Sanhi ng kawalan nila ng kaalaman (o kamangmangan) tungkol sa Islam, sila ay nagsasabi na ang hijab ay hindi nabibilang sa ganitong makabagong panahon.

Samantalang kung tutuusin, sanhi ng patuloy na pagbaba ng moralidad sa mundo ngayon sa ganitong mga pangyayari’y mas higit na kailangan ang hijab. Higit ngayon kaysa noon, mas lalong naging talamak ang krimen at ang mga “babae ng makabagong panahon” ay mas higit na nabibingit sa panganib na mapagsamantalahan o abusuhin. Ang pamahalaang Federal ay nagsagawa ng isang pagsasaliksik na kung saan ay napag-alaman nilang sa Estados Unidos, may isang biktima ng pagsasamantala (pang-aabuso) sa bawat kada anim na minuto.

Ang mga kababaihan na naglaladlad ng kanilang kagandahan at katawan para pagpistahan ng lahat ay para na ring ipinain ang kanilang sarili para abusuhin nitong mga hayok sa laman. Ang hijab ay ipinag-utos ng Allah sa babaeng Muslim para pangalagaan siya laban sa pang-aabuso. Kilala niya ang kanyang mga nilalang, at batid niya na lalo lamang pinapalala ang lihis na makamundong pagnanasa ng lipunan sa tuwinang ipaglaladlaran ng mga kababaihan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga mahahalay na damit, pinabanguhang katawan at mukhang nilagyang artipisyal na pampaganda. Magkagayon pa man, marami sa mga naliligaw ng landas ay gusto nilang paniwalaan natin na ang hijab ay isang bilangguan sa sumusupil sa ating kaisipan, pamumuhay at puso (damdamin). Wala ni isa sa mga bagay na ito ang nagbibigay ng makatarungang kahulugan (ng hijab). Upang sa gayo’y hindi maging biktima ng kanilang (masamang) hangarin, nararapat na umpisahan na nating unawain (at isa-puso) kung ano talaga ang (kahulugan at kabuluhan) ng hijab.

Hijab:fabric,fad or faith?

by RiMoLei on Sun Aug 10, 2008 2:45 pm

HIJAB: Fabric, Fad or Faith?

“Yeah, I just got on the bus and I’m on my way home. Okay, Mum, Wa’alaikum Assalam.”

I slip my cell into my bag. A girl in a yellow tank top and dark blue cut-offs plops into the seat beside me.

“Ugh, I hate taking the bus, especially in this heat,” she says.

I nod and smile.

She raises her eyebrows at my full-length dress and the cloth wrapped around my head. “Aren’t you hot in that?” she asks.

I contemplate my answer. The girl shoots another question. “Why do you wear that thing on your head anyway?”

I fiddle with the clasp on my bag. I wonder what I should say. Why do I wear Hijab?

Why the Hood?

It’s tough to explain, isn’t it? Hijab relates to the basic faith that there is only one God worthy of worship. As Muslim women we want to submit to God and obey all His commands. Since Hijab is a clear commandment of God (see Quran 24:31), we choose to do it to please Him. If we wear Hijab for any other reason, we may fulfill an obligation without gaining the reward for it.

Aisha (The wife of Prophet Muhammad, peace and blessings be upon him) said, “May Allah have mercy on the immigrant women (from Makkah). When Allah revealed ‘that they should draw their veils over their juyubihinna*,’ they tore their wrappers and covered their heads and faces with them.” [Bukhari]

The female companions of the Prophet gave up the traditions and norms of their society and covered up immediately to respond to Allah, before they knew the proper method.

Only a Head Covering?

“And say to the believing women that they should lower their gaze and guard their modesty; that they should not display their beauty and ornaments except what (must ordinarily) appear thereof; that they should draw their veils over their Juyubihinna* and not display their beauty except to…” [Quran 24:31]

The word *Juyubihinna, according to most scholars, refers to the head, ears, neck and chest. To fulfil the minimum requirements of Hijab, a Muslim woman covers her entire body, except her face and hands. Once Asma, daughter of Abu Bakr, entered upon the Prophet wearing thin clothes. The Prophet turned his attention from her. He said, “O Asma, when a woman reaches the age of menstruation, it does not suit her that she displays her parts of body except this and this,” and he pointed to his face and hands. [Abu Dawud].

Proper Hijab means loose and opaque clothes. Clothes should not be alluring or similar to the clothing of men. What about guys? Islam outlines a modest dress code for men and women. The requirements are different based on the obvious physiological and psychological differences between the two genders.

Hijab does not apply only to clothes. It is a state of mind, behaviour, and lifestyle. Hijab celebrates a desirable quality called Haya (modesty), a deep concern for preserving one’s dignity. Haya is a natural feeling that brings us pain at the very idea of committing a wrong. The Prophet said: “Every religion has a distinct call. For Islam it is Haya (modesty).” [Ibn Majah].

What’s in it for Me? Five Advantages of Hijab

* I can’t be messed with! Hijab protects me – Hijab identifies a Muslim woman as a person of high moral standards to reduce her chances of being harassed.

“O Prophet! Tell your wives and daughters and the believing women, that they should cast their outer garments over their persons: that is most convenient, that they should be known (as such) and not molested.” [Quran 33:59]

As Dr. Katherine Bullock (a Canadian convert and community activist) observes, “The point to covering is not that sexual attraction is bad, only that it should be expressed between a husband and wife inside the privacy of the home. A public space free of sexual tensions is seen as a more peaceful place for human beings, men and women, to interact, do business, and build a healthy civilization.”

* I am liberated from slavery to ‘physical perfection’ – Society makes women desire to become ‘perfect objects’. The multitudes of alluring fashion magazines and cosmetic surgeries show women’s enslavement to beauty. The entertainment industry pressures teens to believe that for clothes, less is better. When we wear Hijab, we vow to liberate ourselves from such desires and serve only God.

* I don’t let others judge me by my hair and curves! – In schools and professional environments, women are often judged by their looks or bodies—characteristics they neither chose nor created. Hijab forces society to judge women for their value as human beings, with intellect, principles, and feelings. A woman in Hijab sends a message, “Deal with my brain, not my body!”

* I feel empowered and confident – In contrast to today’s teenage culture, where anorexia and suicide are on the rise, as women attempt to reach an unattainable ideal of beauty, Hijab frees a woman from the pressure to ‘fit in’. She does not have to worry about wearing the right kind of jeans or the right shade of eyeshadow. She can feel secure about her appearance because she cares to please only Allah.

* I feel the bond of unity – Hijab identifies us as Muslims and encourages other Muslim sisters to greet us with the salutation of peace, “Assalamu Alaikum”. Hijab draws others to us and immerses us in good company.

Heard These Before? Three Misconceptions About Hijab

* Hijab is a symbol of ‘male dominance’
If you think Hijab is an act of submission, you are right! It is a way to submit to God. Like any other act of worship, the rewards of Hijab come only when it is done for Allah alone.

* Hijab is a ‘cultural thing’
From remote villages to cosmopolitan mega cities, women all across the world, from every ethnic background, wear Hijab. Do all of these women cling to old cultural practices? Hijab, the internal and external aspects, take understanding, training and determination. Since the purpose of Hijab is to please Allah, doing it for tradition is wrong.

* Hijab is a ‘challenge to the political system’
While Hijab may have political implications, as evident in the banning of Hijab in certain countries, Muslim women who choose to practice Hijab are not doing it to challenge the political system. Islam encourages men and women to observe modesty in private and public life. Hijab is an individual’s act of faith and religious expression.

Are you Ready? Six Obstacles to Overcome

Thinking about wearing Hijab? Here are some tips to help you overcome obstacles that may get in your way:

* Yourself –Not sure if you’re ready? Remember that Iman (faith in Allah) includes submitting to Allah’s will. Research, understand the reasons and talk to girls who have gone through it. Ask Allah to help you put your beliefs into action. Prophet Muhammad related that Allah said, “if [My servant] draws near to Me a hand’s span, I draw near to him an arm’s length; if he draws near to Me an arm’s length, I draw near to him a fathom’s length; and if he comes to Me walking, I go to him running.” (Bukhari and Muslim)
* Your Friends – Worried about how your buddies will take it? Your friends should accept your decision and be proud of your courage. Give them time and be patient. Be conscious of Allah, not the girls or guys.
* Your Parents – It’s difficult to do things when the people closest to you oppose it. As Muslims, it’s our duty to please our parents, unless their wishes go against the command of Allah. As much as your parents do for you, their love and mercy could never compare to that of your Creator. Ease your parents into your decision and pray that it becomes easy for them to understand.
* At School –It takes courage to be different. You are likely to hear, “what is that thing on your head?” or “who made you do it?” Questions aren’t bad. Know your reasons and explain why you chose to wear Hijab.
* At Work – The United Nations states that, “Everyone has the right to freedom of thought, conscience and religion” (Universal Declaration of Human Rights, Article 18). Most countries in the world abide by this declaration and have their own laws that protect an individual’s freedom of religious practice at work.
* At the Gym – What about swimming or basketball for sporty sisters? Obeying Allah and wearing Hijab does not limit your physical activity. Organize sisters-only sports events. This encourages true sports-womanship. When you play, it’s about the love of the game, not the glory (or the guys watching!).