ANG PAG-AASAWA SA ISLAM

ANG PAG-AASAWA SA ISLAM

MGA NILALAMAN:

1. Mga kondisyon sa Kasal
2. Ang ilang Resulta sa Pag-aasawa
3. Mga tagubilin at Kagandahang Asal Para sa Mag-asawa
4. Ang mga Katangian ng Maybahay
5. Ang mga Babaeng Bawal Maging Asawa ng Isang Lalaki
6. Ang Diborsiyo
7. Ang ilang Resulta ng Diborsiyo
8. Ang Khula
9. Ang Khiyar
10. Ang Pag-aasawa ng Hindi Muslim
11. Bakit Kailangan ang Diborsiyo
12. Ang Polygyny

Mga Kondisyon sa kasal
1. Ang pagsang-ayon ng lalake at babae

Hindi matatanggap na pilitin ang lalaki na mag-aasawa sa hindi niya gusto at hindi rin matatan-gap na pilitin ang isang babae na mag-asawa sa hindi niya gusto. Ipinagbawal ng Islam na ipaasawa ang isang babae kung walang pagsang-ayon niya. Kaya kapag tumanggi siyang ipaasawa sa isang lalaki , hindi pinahi-hintulutan ang sinuman , Kahit na ang ama niya , na siya ay pilitin.

2. Ang wali

Hindi matatanggap ang kasal kapag wala ang wali ng babae ayon sa sinabi ng Propeta (SAS) :
“Hindi matatanggap ang kasal kapag walang wali.” Kaya kung sakaling kusang nag-asawa ang babae , ang kasal niya ay walang saysay , daluhan man niya ang kasal o magtalaga man siya ng isang taong dadalo para sa kanya. Ang wali ay kailangang nasa wastong gulang (15 taong gulang o higit pa), may wasto at sapat na pag-iisip , at isang lalaki kabilang sa mga lalaking kamag-anakan ng babae ay ang mga sumusunod alinsunod sa pagkakasunod kung sino ang lalong karapat-dapat sa kanila: ang ama , ang taong pinagbilinan ng ama namaging wali ng kanyang anak na babae , ang lolo sa ama , ang lolo sa tuhod saka ang ama ng lolo sa tuhod pataas , ang kanyang anak na lalaki , ang mga anak na lalaki ng kanyang mga anak na lalaki at saka ang mga lalaking kaapu-apuhan ng mga ito , ang mga anak na lalaki ng mga kapatid na kapatid na lalaki sa ama’t ina , ang kanyang kapatid na lalaki sa ama’t ina , ang mga anak na lalaki ng mga kapatid na lalaki sa ama , ang tiyuhing kapatid sa ama’t ina ng ama, ang tiyuhing kapatid sa ama ng ama, at ang kanilang mga anak na lalaki.
Ang pipiliin sa mga ito ay ang lalong malapit niyang mga kamag-anak.

Kailangang humingi muna ng kapahintulutan ang wali sa babae bago niya ito ipaasawa. Ang dahilan kung bakit kailangang may wali ang isang babae ay upang hadlangan gawing dahilan ang kasal para gumawa ng pangangalunya , sapagkat ang magagawa ng isang lalaking may balak mangalunya na sabihin sa babae na : “ipakasal mo ang iyong sarili sa akin .” at mapasang-ayon ang babae na magpakasal sa kanya nang walang wali. At ang kasal na ilegal na ito ay maaari pang saksihan ng dalawa sa kanyang kaibigan o ng ibang tao para magmukhang legal.

Hindi maaring maging wali ng isang babaeng Muslim kahit ama pa niya ito o isang malapit na
kamag-anak. Hangga’t maaari , ang wali ng babaeng Muslim o naging Muslim ay ang lalaki niyang kamag-anak na nabanggit sa itaas. Kung wala ni isa mang Muslim sa mga ito , ang isang hukom na Muslim sa huku-man ng pamahalaan o ng Sharee`ah o ang isang institusyong pang-Islam ang siyang tatayong wali ng babaeng ito.

3. Ang dalawang lalaking saksi

Kailangang saksihan ng mga lalaking Muslim na makatarungan, dalawa o higit pa, ang pagdaraos ng kasal. Kailangan ang mga saksing ito ay mga taong mapagkakatiwalaan at umiiwas sa mga kasalanang mortal gaya ng pangangalunya , pag-inom ng alak , at iba pang mga kasalanang mortal.

4. Ang obligasyong magbigay ng mahr

Ang mainam sa mahr ay ang maliit na halaga at ang lalong maliit ay mas lalong mainam. Ang mahr ay tinatawag ding sadaq. Itinagubiling banggitin ang halaga o uri ng mahr sa pagdaraos ng kasal at ibigay kaagad sa sandaling iyon. Maaari ring ibigay ang mahr o ang nalalabing bahagi nito sa napagkasunduang panahon matapos na mairaos ang kasal. Kung sakaling diniborsiyo ng lalaki ang kanyang maybahay bago may namagitang pagtatalik sa kanila , kukunin ng babae ang kalahati ng mahr. At kung sakali namang nama-tay ang lalaki bago may namagitang pagtatalik sa kanya at sa babae matapos mairaos ang kasal , may karapa-tan ang babae na magmana sa lalaking ito at ang buong mahr ay mapupunta sa kanya.
Ang Paraan ng Pagkakasal
Ang kasal sa Islam ay magaganap matapos na magkasundo ang lalaki at ang wali ng babae sa kondisyong sasang-ayon din ang babae. Lalong mainam kung gaganapin ang kasal sa ganitong paraan:

1. Ang paghiling ng lalaki sa wali babae na ito ay ipaasawa sa kanya.
2. Ang pagsang-ayon naman ng wali ng babae sa kahilingang ito.
3. Ang pagtanggap ng lalaki na aasawahin niya ang babae.
Sa pagdaos ng kasal , kailangan ito ay daluhan ng hindi bababa sa dalawang saksing lalaki. Matapos nito , ang lalaki’t babae ay naging mag-asawa na sa mata ng batas ng Islam. (Ipinahihintulot na kumuha ang lalaki ng isang tao (lalaki) upang kumatawan sa kanya.)

Ang pagkuha ng marriage license ay para lamang upang kilalanin ng pamahalaan na ang kasal ay legal at tunay.
Ang ilang Resulta ng Pag-aasawa
1. Ang pagsusustento
Tungkulin ng asawang sustentuhan sa pagkain , pananamit , at tirahan ang kanyang maybahay , ayon sa kanyang kakayahang financial. Kaya kung nagmamaramot ang lalaki sa pagsusustento sa kanyang mayba-hay , siya ay nagkakasala at may karapatang kumuha ang kanyang maybahay ng sapat na halagang pantustos sa pangangailangan nito buhat sa kanyang ari-arian o salapi o hindi kaya’y mangutang at ang asawa ang siyang pagbabayarin. Tungkulin din ng lalaking gumastos para sa handa para sa mga inanyayahang dumalo sa kasalan. Ang paghahanda ay itinagubiling gawin sapagkat ginawa ito ng Propeta (SAS) at ipinag-utos niyang gawin ito.

2. Ang Pagmamana

Kapag nakasal nang tunay ang lalaki’t babae , magkakaroon ng karapatan ang bawat isa sa kanila na magmana kapag namatay ang alinman sa kanila ayon sa sinabi ni Allah : “May karapatan kayo sa kalahati ng mga naiwan (na ari-arian) ng inyong mga maybahay kung wala silang anak ; subalit kung may naiwan silang anak , mapupunta sa inyo ang ika-apat na bahagi ng naiwan nila matapos ikaltas ang isang pamanang kanilang isinaad sa huling habilin o ang pambayad ng utang. At may karapatan sila (mga maybahay) sa ika-apat na bahagi ng mga naiwan (na ari-arian) ninyo kung wala kayong anak; subalit kung ma y naiwan kayong anak , mapupunta sa kanila ang ika-walong bahagi ng naiwan ninyo matapos ikaltas ang isang pamanang inyong isinaad sa huling habilin o ang pambayad ng utang …” (4:12) Kaya nagtalik man sila o hindi , nagsama man sila o hindi ; magmamana pa rin sila sa isa’t isa.
Mga Tagubilin at Kagandahang Asal Para sa Mag-asawa
1. Itinagubiling ipagbigay alam ang kasal (sa pamamagitan ng pagdaraos ng handaan pagkatapos ng kasal).
Itinagubilin ding ipanalangin ang bagong kasal at sabihin sa lalaki o sa babae : “Pagpaplain ka ni Allah at nawa’y pagsamahin niya kayo sa ginhawa.”
2. Itinagubilin sa mag-asawa na sabihin ang panalanging ito sa tuwing bago magtatalik :
“Allahumma jannibnash shaytana wa jannibnish shaytana ma razaqna.” (Ang kahulugan nito sa Tagalog ay: ” O Allah , ilayo Mo po si Satanas sa amin at ilayo Mo po siya sa anak na ipagkakaloob Mo sa amin.”

3. Kasuklam-suklam para sa mag-asawa na ipagsabi nila ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang pagtatalik

4. Ipinagbabawal (haram) sa lalaki na makipagtalik sa kanyang maybahay kung ito ay may regla o nifas at hanggang hindi ito nakapapaligo matapos magkaroon ng regla o nifas.

5. Ipinagbabawal na makipagtalik sa butas ng puwit ng babae sapagkat ito ay isa mga kasalanang mortal na ipinagbabawal ni Allah.

6. Hindi pinahihintulutang gumamit ng contraception ang babae kung walang kapahintulutan ng kanyang asawa, kung makasasama sa kanya, at kung hindi naman talagang kailangan. Hindi rin maaaring gamitin ang withdrawal method kung walang kapahintulutan ng maybahay at kung hindi naman talagang kailangan.
Ang mga Katangian ng Maybahay
Ang pag-aasawa ay may dalawang layunin : para sa ikasisiya ng mag-asawa at para sa pagbuo ng mabuting pamilya at malusog na lipunan. Alinsunod dito , ang babaeng nararapat asawahin ay ang babaeng makakatugon sa dalawang layuning ito. Ang babaeng ito ay nagtataglay ng panlabas at panloob na kaganda-han. Ang kagandahang panlabas ay ang kagandahan ng anyo. Ang kagandahang panloob naman ay ang kagan-dahan ng pagsunod niya sa kanyang pananampalataya at ang kagandahan ng kanyang asal. Kung makapag-aasawa ng ganitong babae na nagtataglay ng kagandahang panlabas at kagandahang panloob , ito ang tunay na kaganapan at kaligayahang kaloob ni Allah. Dapat ding maging masigasig ang babae sa pagpili ng mabuting lalaki at may takot sa Diyos.
Ang mga Babaeng Bawal Maging Asawa ng Isang Lalaki
May dalawang klase ng mga babaeng bawal maging asawa ng lalaki : ang mga babaeng ipinagbawal magpakailanman na maging asawa at ang mga babaeng ipinagbawal pansamantala na maging asawa.
I- May tatlong uri ang mga babaeng bawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman:
1) Ang mga babaeng ipinagbawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman dahil sa dugo (mga kamag-anak sa dugo). Sila ay pito at binanggit ni Allah sa Qur’an:
“Ipinagbawal sa inyo na asawahin ang inyong mga ina , ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga kapatid na babae, ang inyong mga tiyahin sa ama , ang inyong mga tiyahin sa ina , ang mga anak na babae ng inyong kapatid na lalaki , ang mga anak na babae ng inyong kapatid na babae…” (4:23)
A. Kabilang sa “mga ina” ang nanay at ang mga lola sa ama’t ina.
B. Kabilang sa “mga anak na babae” ang mga anak na babae, ang mga anak na babae ng anak na lalaki , ang mga anak na babae ng anak na babae , at ang mga babaeng kaapu-apuhan nila.
C. Kabilang sa “mga kapatid na babae” ang mga kapatid na babae sa ama’t ina , ang mga kapatid na babae sa ama , at ang mga kapatid na babae sa ina.
D. Kabilang sa “mga tiyahin sa ama” ang mga tiyahin sa ama , ang mga tiyahin sa ama ng kanyang ama , ang mga tiyahin sa ama ng kanyang mga lolo , ang mga tiyahin sa ama ng kanyang ina , at ang mga tiyahin sa ama ng kanyang mga lola.
E. Kabilang sa “mga tiyahin sa ina” ang mga tiyahin sa ina , ang mga tiyahin sa ina ng kanyang ama , ang mga tiyahin sa ina ng kanyang mga lolo , ang mga tiyahin sa ina ng kanyang ina , at ang mga tiyahin sa ina ng kanyang mga lola.
F. Kabilang sa “mga anak na babae ng kapatid na lalaki” ang mga anak na babae ng kanyang kapatid na lalaki sa ama’t ina , ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ama , ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ina , at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki’t babae.
G. Kabilang sa “mga anak na babae ng kapatid na babae” ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama’t ina , ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama , ang mga anak na babae ng kapatid sa ina at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki’t babae.
2) Ang mga babaeng ipinagbawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman dahil sa gatas (kamag-anak sa gatas).
Sila ay katulad ng mga babaeng ipinagbawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman dahil sa dugo (kamag-anak sa dugo). Ang sabi ng Propeta (SAS):
“Ang kamag-anak sa gatas na ipinagbabawal asawahin ay katulad sa kamag-anak sa dugo na ipinagbabawal asawahin.”
Subalit may mga kondisyon bago magkaroon ng mga kamag-anak sa gatas ang isang tao. Ang mga kondisyong ito ay ang mga sumusunod:
A. Kinakailangang sumuso ang isang sanggol (babae man o lalaki) nang limang beses o higit pa sa isang babaeng hindi nito ina. Kaya kung sakaling sumuso nang apat na beses lamang o mababa pa ang isang sanggol , ang babaeng sinusuhan ay hindi magiging ina nito sa gatas.
B. Kinakailangang ang pagpapasuso ay bago magdalawang taon ang sanggol. Ang ibig sabihin nito’y kinakai-langang ang limang pagpapasuso ay bago magdalawang taon ang sanggol. Kaya kung ang limang beses na pagpapasuso ay pagkatapos magdalawang taong gulang ang bata o ang limang pagpapasuso ay sinimulan bago magdalawang taon at natapos matapos magdalawang taon, ang babaeng nagpasuso ay hindi magiging ina nito sa gatas.
Kaya kapag ang isang sanggol ay sumususo nang limang beses o higit pa bago siya nagdalawang taong gulang , ang babaeng nagpasuso sa kanya ay magiging ina niya ; ang asawa ng babae ay magiging ama niya ; ang mga anak nila ay magiging kapatid niya ; ang mga anak ng asawa ng babae sa ibang babae ay magiging kapatid din niya. Sa puntong ito, dapat malaman na ang mga kamag-anak sa dugo ng batang pinasu-so , maliban sa mga magiging anak ng batang ito , ay walang kaugnayan sa mga naging kamag-anak nito sa gatas.
3) Ang mga Babaeng Bawal Maging Asawa Dahil Naging mga Asawa ng mga Malapit na Kamag-anak.
A. Ang mga maybahay ng mga tatay at mga lolo. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae , kahit na hindi siya nakipagtalik dito , ang babaeng ito ay bawal nang maging asawa ng kanyang mga anak na lalaki, ng mga anak na lalaki ng kanyang mga anak na lalaki’t babae , at ng mga kaapu-apuhang lalaki nila.
B. Ang mga maybahay ng mga anak. Kapag nakasal ang lalaki sa isang babae, kahit na hindi siya nakipagtalik dito , ang babaeng ito ay bawal nang maging asawa ng kanyang ama, ng kanyang mga lolo sa ama o sa ina , at ng kanyang mga kanunununuan.
C. Ang ina at mga lola sa ama o sa ina ng kanyang maybahay. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae , kahit na hindi siya nakipagtalik dito , ang ina at ang mga lola ng babaeng ito ay bawal nang maging asawa niya.
D. Ang mga anak na babae at ang mga apong babae ng anak na lalaki’t babae ng maybahay. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae at nakipagtalik siya rito , ang mga anak na babae at mga apong babae nito sa anak na lalaki’t babae at mga apong babae nito sa anak na lalaki’t babae , at mga kaapu-apuhang babae ng kanilang mga anak na lalaki’t babae ay bawal nang maging asawa ng lalaking ito kahit na ang mga babaeng ito ay mga anak o inapo sa naunang asawa ng babaeng ito o sa naging asawa nito nang sila ay nagkahiwalay. Subalit kung nang nagkahiwalay sila nito ay walang pagtatalik na nangyari sa kanila , ang mga babae , mga apong babae , at mga kaapu-apuhang babae ng babaeng ito ay hindi bawal maging asawa ng lalaking ito.
II- Ang mga babaeng pansamantalang ipinagbawal na maging asawa
A. Ang kapatid na babae at tiyahin sa ama o sa ina ng maybahay hanggang hindi sila ipinaghiwalay ng kama-tayan o diborsiyo at natapos ang iddah nito.
B. Kapag ang babae ay nasa sandali ng iddah , pinagbabawalan ang sino mang lalaki na siya ay asawahin o mag-alok ng kasal sa kanya hanggang hindi natatapos ang iddah niya.
C. Ang babaeng nagsasagawa ng hajj o umrah. Hindi maaaring mag-alok ng kasal ang sinuman hanggang hindi niya natatapos ang pagsasagawa ng hajj o umrah.
Ang Diborsiyo

Kung tutuusin ang diborsiyo sa Islam ay isang kasuklam-suklam na bagay at ayon sa Hadith :
“Sa lahat ng ipinahintulot ang diborsiyo ang kasuklam-suklam kay Allah.”
Subalit yaman din lamang na kung magkaminsan ang diborsiyo ay hindi maiiwasan bunga na rin ng kapinsalaang naidudulot sa babae sa pananatili niya sa piling ng lalaki o bunga na rin ng kapinsalaang dulot ng babae sa lalake o kung maging ano pa man ang layunin o dahilan , isang malaking kagandahang loob buhat kay Allah na Kanyang ipinahintulot ng diborsiyo sa Kanyang mga lingkod. Kaya kung kinasusuklaman ng lalaki ang kanyang maybahay at hindi na niya matiis na makapiling ito, walang masama kung diborsiyuhin niya ito subalit kailangang isaalang-alang niya ang mga sumusunod:
1) Na hindi niya didiborsiyuhin ang kanyang maybahay habang ito’y may regla. Kapag diniborsiyo niya habang ito ay may regla , sinuway niya si Allah at ang Sugo (SAS) at nakagawa siya ng isang ipinagbabawal. Kaya sa sandaling iyon , kinakailangang balikan niya ang kanyang maybahay at panatilihin ito sa kanyang piling hanggang sa matapos ang regla nito at saka niya diborsiyuhin ito kung nais niya. Ngunit mas mainam na hayaan niya muna itong magregla sa ikalawang pagkakataon at kapag natapos na ang regla nito ay nasa kanya na kung pananatilihin niya ito sa kanyang piling o diborsiyuhin ito kung nais niya rin ; at
2) Na hindi niya didiborsiyuhin ang kanyang maybahay sa panahong ito ay wala ngang regla ngunit nakipag- talik naman siya sa panahon ding ito hanggang hindi niya natitiyak na ito’y nagdadalang-tao o hanggang sa ito ay hindi nagkaroon muli ng regla at saka natapos ang reglang ito.
Ang Ilang Resulta ng Diborsiyo
Yaman din lamang na ang diborsiyo ay ang pakikipaghiwalay sa maybahay , ito ang ilan sa mga patakarang susundin bunga ng diborsiyong ito:
1) Tungkulin ng babaeng magsagawa ng iddah kung nagtalik man sila ng lalaki o nagsama nang walang pag-tatalik. Subalit kung nang diborsiyuhin ang babae ng kanyang asawa ay nang bago may namagitang pagtatalik sa kanilang mag-asawa o nagsama nang walang pagtatalik , hindi na kailangang magsagawa ng iddah ang babae. Ang iddah ay ang panahon na hindi maaaring mag-asawa ang isang babaeng diniborsiyo o namatayan ng asawa. Ang Iddah ng babaeng diniborsiyo ng kanyang asawa ay tatlong pagreregla kung nireregla pa ang babae at tatlong buwan kung hindi na nireregla o hindi pa nireregla ang babae. Ang iddah ng babaeng nama-tayan ay apat na buwan at sampung araw. Ngunit kapag ang babae ay diniborsiyo o namatayan ng asawa habang siya nagdadalang-tao , ang kanyang iddah ay natatapos pagkasilang niya ng sanggol. Ang dahilan kung bakit may iddah ay upang mabigyang pagkakataon ang mag-asawa na makapagbalikan at upang matiyak din kung buntis ang babae o hindi.
2) Bawal sa isang lalaki na muling asawahin ang dati niyang maybahay kung ito ay diniborsiyo na niya ng tatlong beses. Ang ibig sabihin nito’y kapag diniborsiyo niya ang babae sa unang pagkakataon at saka binali-kan ito sa panahon ng iddah o pinangasawa niya ito pagkatapos ng iddah at pagkatapos ay diniborsiyo na naman niya ito sa ikalawang pagkakataon at saka binalikan sa panahon ng iddah o pinangasawa niya ito pag-katapos ng iddah at pagkatapos ay diniborsiyo na naman niya ito sa ikatlong pagkakataon. Pagkatapos ng ikatlong diborsiyo ay hindi na niya muli pang maaasawa ang dati niyang maybahay hanggang hindi ito dini-borsiyo ng ibang lalaking nagpakasal dito nang tunay na kasal at nakipagtalik dito. Ang pagbabawal ni Allah na muling mapangasawa ng lalaki ang dati niyang maybahay na diniborsiyo niya nang tatlong beses ay bilang habag sa mga babaeng inaabuso ng kanilang mga asawa.
Ang Khula’
Ang Khula’ ay ang paghingi ng diborsiyo ng babaeng umayaw sa kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbigay rito ng kabayaran upang ito ay sumang-ayon. Kung ang asawa ang siyang umayaw at gusto niyang hiwalayan ang kanyang maybahay , wala siyang karapatan na tumanggap ng anumang halaga buhat sa babae. Kailangang pagtiisan o diborsiyuhin na lamang niya ang kanyang maybahay. Hindi dapat na humingi ng khula’ ang isang babae maliban na lamang kung siya ay nagdurusa sa piling ng kanyang asawa at hindi na niya matiis na manatili pa sa piling nito. Hindi naman pinahihintulutan ang lalaki na sadyang pagdusahin ang kanyang maybahay nang sa gayon ay humiling ito ng khula’. (Kapag nagap ang khula’) makabubuting hindi kukuha ang lalaki sa babae ng halagang higit pa sa halaga ng ibinigay niyang mahr dito.
Ang Khiyar
Ang khiyar ay ang karapatan ng mag-asawa na panatilihin ang kanilang kasal o pawalang-bisa ito kapag may lumitaw na isang kadahilanan buhat sa maraming kadahilanan. Halimbawa’y kinakitaan ng asawa ang kanyang maybahay o kinakitaan ng maybahay ang kanyang asawa ng karamdaman o kapinsalaan sa kata-wan na hindi nilinaw sa lalaki o sa babae habang idinadaos ang kasal , kapag nagkaganito , ang una ay may karapatang magpasya kung pananatilihin ang kasal o pawalang-bisa ito.Naririto pa ang ilang mga halimbawa:
1) Kung kapwa sila baliw o dinapuan ng karamdaman na siyang dahilan kung bakit hindi matamo nang lubu-san ng isa sa kanila ang karapatan niya bilang asawa o maybahay. Ang hindi baliw o ang walang karamdaman ay may karapatang humiling na pawalang-bisa ang kasal. Kung ito ay naganap bago nagkaroon ng pagtatalik, may karapatan ang lalaking bawiin ang mahr na ibinigay niya sa babae.Kung ito ay nangyari matapos magka-roon ng pagtatalik , hindi na mababawi ang mahr. Ayon naman sa ibang pantas ng Islam , babawiin ng lalaki ang katumbas na halaga ng mahr sa taong nakaalam sa kasiraan ng babae ngunit ang tao pang ito ang siyang nanlinlang sa kanya.
2) Ang kawalang-kakayahan ng lalaki na magbayad ng mahr. May karapatan ang babaeng humiling na pawa-lang-bisa ang kasal kung bago nagkaroon ng pagtatalik sa pagitan nila ng lalaki. Subalit kung may namagitan nang pagtatalik sa kanilang dalawa , wala na siyang karapatang hilingin iyon. (Maaari siyang humiling ng khula’ kung nais pa rin niyang makipaghiwalay sa kanyang asawa nabigo itong magbigay ng mahr.)
3) Ang kawalang-kakayahang sumustento para sa pangangailangan. Kung nawalan ng kakayahan ang isang lalaki na sumustento sa pangangailangan ng kanyang maybahay , ang kanyang maybahay ay maghihintay ng ilang panahon hanggang kaya nito at pagkatapos nito ay may karapatan na ang maybahay na humiling na pawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng hukuman.
4) Kapag nawala ang asawa at hindi malaman ang kanyang kinaroroonan at hindi siya nag-iwan ng pangsus-tento sa pangangailangan ng kanyang maybahay ni nagbilin sa isang tao upang ito ang sumustento sa panga-ngailangan ng kanyang maybahay (habang wala siya) at wala ring sinumang gumugugol para sa kanyang maybahay at wala rin itong maipanggugugol para sa sarili na masisingil naman nito sa kanya (sa pagbalik niya), kapag ganito ang kalagayan ay maaari nang humiling ang babae na pawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng hukom ng Shari’a Court.
Ang Pag-aasawa ng Hindi Muslim
Ipinagbabawal (haram) para sa lalaking Muslim na mag-asawa ng babaeng hindi Muslim na hindi rin Kristiyano o Hudyo. Hindi rin pinahihintulutan ang isang babaeng Muslim na mag-asawa ng isang lalaking hindi Muslim maging ito man ay isang Kristiyano o Hudyo o maging ano pa man ang pananampala-tayang kinaaaniban nito.
Hindi ipinahihintulot sa isang babae na naging Muslim na makipagtalik sa kanyang asawang hindi
Muslim. Narito ang ilang mga patakaran hinggil sa kasal ng mga hindi Muslim:
1) Kung ang mag-asawa ay sabay na pumasok sa Islam , ang kanilang kasal ay tanggap maging iyon man ay kasal sa simbahan o sa huwes hangga’t walang hadlang na alinsunod sa batas ng Islam upang sila’y magsama.
Halimbawa ng hadlang sa kanilang pagsasama ay kung ang babae ay ipinagbabawal na maging asawa ng lalaki
2) Kung pumasok sa Islam ang asawa ng isang babaeng Kristiyano o Hudyo , ang kanilang kasal ay tanggap maging iyon man ay kasal sa simbahan o huwes;
3) Kung pumasok sa Islam ang isa sa mag-asawang kapwa hindi Kristiyano o Hudyo , nawalan na ng saysay ang kanilang kasal;
4) Kung pumasok sa Islam ang maybahay ng lalaking hindi Muslim na hindi rin Kristiyano o Hudyo o maging ano pa man ang kinaaanibang relihiyon nito , nawalan na ng saysay ang kanilang kasal sapagkat ang babaeng Muslim o naging Muslim ay hindi ipinahihintulot na maging maybahay ng lalaking hindi Muslim;
5) Kung pumasok sa Islam ang maybahay ng isang lalaking hindi Muslim matapos na may namagitang pag-tatalik sa kanila , magsasagawa ng iddah ang babae at mapapagpasyahan ang kahihinatnan ng kanilang kasal pagkatapos ng iddah. Mawawalan ng saysay ang kanilang kasal kung hindi pumasok sa Islam ang lalaki pag-katapos ng iddah at may karapatan na ang babae na magpakasal sa kanino mang lalaking Muslim na naisin niya; ngunit kung nanaisin naman na babae na hintaying pumasok sa Islam ang lalaki ay maaari rin. Kung pumasok naman sa Islam ang lalaki (bago natapos ang iddah ng babae) , ang babae ay mananatiling mayba-hay niya at hindi na kailangan ng panibagong kasal; at
6) Kung pumasok sa Islam ang lalaki at babaeng magka-live-in o kahit ang lalaki lang sa dalawang ito kaila-ngan nilang magpakasal ng kasal ng Islam kung nais pa nilang magsama. Ang mga naging anak nila , bago pumasok sa Islam , ay itinuturing na mga lehitimong anak.
7) Kung tumalikod sa Islam ang maybahay bago may namagitang pagtatalik sa kanila , ang kanilang kasal ay wala ng saysay at wala siyang tatanggaping mahr; ngunit kung ang asawa ang siyang tumalikod sa Islam , mawawalan din ng saysay ang kanilang kasal at kailangan pang magbigay ang lalaki sa babae ng katumbas sa kalahati ng mah r na kanilang napagkasunduan. Kung muling manumbalik sa Islam ang isa man sa kanila , hindi na nila kailangan ang panibagong kasal kung walang namagitang diborsiyo sa kanilang dalawa.
Ang Pag-aasawa ng Kristiyano o Hudyo
Nang ipinahintulot ni Allah ang pag-aasawa , ang nilalayon Niya roon ay ang pabutihin ang kaasalan , linisin ang lipunan sa mga bisyo, pangalagaan ang moralidad, itatag ang isang dalisay na siste- mang islamiko para sa lipunan , at palitawin ang isang sambayanang Muslim na sumasaksi na walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ay Sugo ni Allah. Hindi maisasakatuparan ang mga mithiing ito kung hindi mapangangasawa ang isang matuwid na babaeng Muslim na relihiyosa , marangal at nagtataglay ng mabuting kaasalan. Tungkol naman sa maaring mga maging bunga at mga masamang maidudulot ng pag-aasawa ng isang lalaking Muslim sa babaeng Kristiyano o Hudyo, narito ang ating maikling paglalahad nito:
1. Sa loob ng pamilya: Sa loob ng maliit na pamilya , kung ang asawa ay may malakas na personalidad , ito ay maaaring magkaroon ng impluwensiya sa kanyang maybahay. Ang pinakamalamang na palagay ay mahihikayat ang maybahay sa Islam ngunit maaari ring mangyari ang kabaligtaran. Sapagkat maaaring ang maybahay ay nagungunyapit sa kanyang pananampalataya at ginagawa ang inaakala niyang ipinahihintulot ng kanyang relihiyon gaya ng pag-inom ng alak , pagkain ng baboy , at paggawa ng bagay na ipinagbabawal ng Islam. Sa pamamagitan nito ay nawawasak at nasisira ang isang pamilyang Muslim at lalaki ang mga bata sa paraang salungat sa Islam. Maaari ring mas masahol pa rito ang mangyari kung sadyaing isama ng pana-tiko at nagmamatigas na maybahay ang kanyang mga anak sa asawang Muslim sa simbahan , ipakita sa kanila ang mga pagsambang Kristiyano , at pahalagahan naman nila iyon. Ang kinalakihan ay kinasasanayan.
2. Ang mga epekto sa lipunang Muslim: Ang pagdami ng mga asawang Kristiyano sa loob ng lipunang Muslim ay isang mapanganib na bagay. Ang panganib nito ay dala ng panghihina ng sambayanang Muslim kaalinsabay ng pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga bansang Kristiyano. Ang mga babaeng ito sa ganitong kalagayan ay nagsisilbing mga sugo ng mapanganib na pananakop pangkaisipan sa loob ng samba-yanang Muslim na magbubunga ng pagkasira at pagwawasak nito. Kabilang din sa panganib na kanilang dala ang mga ginagawa nilang kaugaliang Kristiyano na pinangungunahan ng paghahalubilo ng mga kalalakihan at mga kababaihan kalakip na rito ang mga halos hubad na kasuotan at mga gawaing salungat sa mga katuruan ng Islam.
Bakit Kailangan ang Diborsiyo
Ang Diborsiyo Bilang Solusyon
Ang diborsiyo sa Islam ay ginawa bilang panghuling solusyon upang wakasan ang mga alitan ng mag-asawa kapag naghari na ang mga di-pagkakasundo sa kanila , naging madalas na ang pag-aaway , nanla-mig na sila sa isa’t-isa , at nawala na ang pag-asang sila ay magkasundo anupa’t nawalan na ng halaga at kabuluhan ang relasyon nila bilang mag-asaawa. Kapag nagkagayon , ang diborsiyo ay magsisilbing magin- hawang lunas para sa kanilang dalawa. Bagaman binigyan ng Islam ng pagkakataon ang bawat isa sa mag-asawa na maghiwalay , ito naman ang tagubilin ni Allah :”Magtalaga kayo ng isang tagahatol buhat sa pamily a ng lalaki at isang tagahatol buhat sa pamilya ng babae. Kung kapwa nila nais na muling magkasundo , pagkakasunduin silang dalawa ni Allah.”
Bago Mag-asawa at Pagpili ng Asawa
Ipinag-uutos ng Islam sa mga nag-iisip na mag-asawa na gawin nila ang abot ng kanilang makakaya na gawing maligaya ang kanilang buhay. Hinihimok silang pagbutihin ang pagpili ng mapapangasawa , na dapat ito ay isang mabuting babae at mapagmahal. Sisikapin din ng nagnanais na mag-asawa na tingnan ang babae nang sa gayon ay hindi sila manibago sa isa’t isa. Hinihimok din ang magulang o tumatayong magulang ng babae na pilian siya ng isang lalaking tapat sa Islam , magandang makitungo at may mabuting ugali. Ang sabi ng Sugo (SAS):
“Kapag nagsadya sa inyo ang isang lalaking ikinasisiya ninyo ang kanyang pagtupad ng kanyang tungkulin sa Islam (upang hingin ang kamay ng inyong anak na babae), ipaasawa ninyo (ang inyong anak) sa kanya. At hindi ninyo gagawin iyon, magkakaroon ng tukso sa lupa at malaking katiwalian.”
Hinihimok ng Islam ang mag-aasawa na maging matiisin. Pinapaalala ng Islam ang isang mahala-gang bagay na ang pagkayamot sa maybahay ay hindi dapat ang siyang maging dahilan upang hiwalayan ng lalaki ang kanyang maybahay. Sa halip dapat pang palawakin ng isang Muslim ang kanyang pang-unawa nang sa gayon ay makapagtayo sila ng isang tahanang pinaghaharian ng habag. Wika nga ng Sugo (SAS):
“Hindi dapa t kasuklaman ng isang mananampalataya ang sumamampalatayang maybahay na sapagkat kung may kinayayamutan man siya sa ugali nito, masisiyahan naman siya sa iba (nitong ugali).”
Ang Diborsiyo sa Kamay ng Lalaki
Inilagay ng Islam ang diborsiyo sa kamay ng lalaki. Tama at angkop lamang ito dahil tungkulin niyang gumastos para sa kanyang maybahay at tahanan. Siya ang nagbibigay ng mahr at mga gastusin sa kasal kaya’t dahil dito , siya ang papasan ng kapinsalaan , finanacially ang morally, kapag sinuong niya ang diborsiyo. Ang lalake ay karaniwang mas may malawak na pananaw sa maaaring kahihinatnan at mas mahi-nahon sa sandali ng galit at pagsiklab ng damdamin. Dahil dito , hindi niya pangangahasan ang diborsiyo liban na lamang kung nawalan na siya ng pag-asang maging maligaya sa piling ng kanyang maybahay at bagaman nalalaman niya ang kinakailangang gastusin sa muli niyang pag-aasawa. Kung sakaling ilalagay ang diborsiyo sa kamay ng babae , guguho ang buhay ng mag-asawa at mawawasak ang pamilya. Ito ay dahilan sa ang babae ay may maselang damdamin , madaling mayamot , at madaling matangay ng galit anupa’t mas mabilis siyang maghamon ng hiwalayan kaysa lalaki. Wala siyang gaanong sukat na ikababahala sapagkat wala namang kapinsalaang financial sa panig niya. Ang patakaran sa kasunduan ng pag-aasawa ay sasang-ayon ang lalaki at babae na sila ay maging mag-asawa at papayag ang babae na ang karapatan ng diborsiyo ay nasa lalaki alinsunod sa mga limitasyong itinakda ng Islam. Kaya kung isasagawa man ng lalaki ang karapa-tan niyang magdiborsiyo , isinasagawa niya lamang ang karapatang kaloob sa kanya ni Allah.
Maaring abusuhin ng isang lalaking Muslim ang paggamit ng karapatan sa diborsiyo anupa’t isasa-gawa niya ito upang magpakaligaya lamang sa isang bagong babae. Subalit walang gumagawa ng ganito kundi ang taong may masamang kalooban at may mahinang pananampalataya. Kaya hindi makatuwirang hilinging pawalang-bisa ang isang mabuting sistema dahil lamang sa ilang abang kaluluwa na inaabuso ang paggamit nito.
Ang Karapatan ng Babaeng Humingi ng Diborsiyo
Ang isang babae ay hindi na napasasailalim sa awa ng lalaki na siyang nagmamay-ari ng karapatang magdiborsiyo dahil binuksan ng Islam ang mga pinto para mapasok niya ang maginhawang buhay. At para naman sa isang miserable at kapus-palad na babaeng may malupit at masamang asawa , binigyan naman siya ng karapatang humingi ng diborsiyo kapag naramdaman niyang mahirap nang magpatuloy ang kanilang buhay-mag-asawa at ikasisiya niyang hiwalayan ang kanyang asawa nang may pagsang-ayon nito at pagsang-ayon niya. Kailangan lamang magbigay ang babae sa lalaki ng kabayarang panumbas sa mga kapinsalaan sanhi ng diborsiyo. Ito ay sa pamamagitan ng khula’ (na atin nang nabanggit). Binuksan din sa kanya ang daang upang hilingin sa hukuman na magbaba ng hatol na naghihiwalay sa kanya at sa kanyang asawa kapag dumating na ang puntong hindi na niya matiis mabuhay sa piling nito.
Kinasusuklaman sa Islam ang Didorsiyo
Kinasusuklaman ng Islam ang diborsiyo. Sabi nga ni Propeta Muhammad (SAS): “Inilagay ni
Satanas ang kanyang trono sa ibabaw ng tubig at pagkatapos ay isinusugo niya ang kanyang mga kampon (para maghasik ng kasamaan sa mga tao). Gagawin niyang malapit sa kanya ang sinuman sa kanila na may malaking kapinsalaang nagawa. Kapag may dumating na isa sa mga kampon nito at ang sasabihin ay: ‘Ganito at ganoon ang aking nagawa ,’ Ang sasabihni ni Satanas dito ay:’Wala kang nagawa.’ At kapag may dumating na isa pa sa mga kampon niya at ang sasabihin nito ay: ‘Hindi ko siya (ang asawa) nilubayan hanggang hindi ko sila napaghiwalay ng kanyang maybahay.’
Palalapitin ito ni Satanas at yayakapin at sasabihing: ‘Oo , ikaw nga,'” Ipinatupad ng Sugo (SAS) ang diborsiyo hindi upang mag-anyayang paglaruan ang mga limitasyong itinakda ni Allah. Sabi nga niya (SAS):
“Bakit kaya may mga taong pinaglalaruan ang mga limitasyong itinakda ni Allah anupa’t ang sina-sabi ng isa sa kanila (sa kanyang maybahay): ‘Hiniwalayan na kita.’ Pagkatapos nito ay binalikan niya at saka muling hiniwalayan.”
Ang Polygyny
Ang Polygyny sa mga Sinaunang Kabihasnan
Ang polygyny ay lumitaw na halos kasabay ng sangkatauhan. Umiiral na ito noon sa mga sina-unang batas at mga sinaunang lipunan ng tao anupa’t ginagawa rin ito ng mga Hudyo at Kristiyano na tulad ng mga Griego , Chino , taga-Babilonia , taga-Assyria , Taga-India at pati na rin ang mga Arabiano bago pa man isinilang ang huling Propeta ng Islam na si Muhammad (SAS). May dalawang katangian ang polygyny noong unang panahon: walang limitasyon ang bilang ng asawa at napasasailalim ang babae sa inhustisya. Inalis ng Islam ang inhustisyang ginagawa noon sa babae at nilimitahan ang polygyny hanggang sa apat na maybahay.
Ang Takot kay Allah
Ang takot kay Allah na siyang pinakadakilang ugnayang maaaring maibatay at maituwid ang buhay ang siyang pinagbabatayan ng Islam sa relasyon ng tao kay Allah. Naikintal sa isipan ng isang tunay na Muslim na siya ay nakikita at binabantayan ni Allah sa bawat sandali at ang kanyang mga gawa , masama man o mabuti , ay itinatala at sa araw ng pagkabuhay na muli siya ay gagantimpalaan ayon sa kanyang mga nagawa. Ang ganitong sistema ng edukasyon ay ang kahanga-hangang sistema na nalaman ng sangkatauhan.
Ang babae sa kanyang tahanan , kapag nag-iisa at walang nagmamasid sa kanya , ay maaaring maka-gawa ng hindi mabuti kapag siya ay nakadama ng pangangailangang seksuwal habang wala ang kanyang asawa. Ngunit ang pag-alaala lamang kay Allah ay sapat na upang siya ay manginig sa takot at mangamba.
Habang ginagampanan ng isang tunay na Muslim ang kanyang mga gawain at pinakikitunguhan ang mga taong nakapaligid sa kanya , kabilang na roon ang kanyang asawa o mga asawa ,at pinangangasiwaan ang kanyang pamamahay , nadarama niyang si Allah ay nagmamasid sa kanya. Kaya siya ay natatakot kapag inudyukan siya ng kanyang sarili na lumihis o lumayo sa landas ng katuwiran at lumabas sa timbangan ng katarungan.
Ang Katarungan sa mga Asawa
Nang ipinahintulot ng Islam ang polygyny , gumawa naman ito ng mahigpit na kondisyon. Ang kondisyong ito ay tungkol sa isyu ng katarungan sa mga asawa. Pinaaalalahanan ng Islam ang isang Muslim na mag-isip-isip muna nang matagal bago maglakas-loob na pasukin ang polygyny. Ang sabi nga ni Allah sa banal na Qur’an :
“Mag-asawa kayo ng mga babaeng kinalulugdan ninyo; dalawa o tatlo o apat. Subalit kung kayo ay nangangababang hindi magiging makatarungan , isa na lamang.”
Sa puntong ito ay susuriin ng isang Muslim ang kanyang isipan , emosyon , damdamin at saka ang bahaging financial. Tatanungin niya ang kanyang sarili kung kaya ba niyang gampanan ang hinihiling na katarungan alinsunod sa mga pagsusuring iyon. Kung nadarama niyang may kahinaan ang kanyang sarili , nararapat na ang silakbo ng init ng kanyang katawan ay hindi manaig sa kahinahunan ng isipan sapgkat ang init ng katawan ay panandaliang kaligayahan lamang at ang pagiging di-makatarungan sa mga asawa ay kasalanang pananagu-tan sa kabilang buhay
Ang usapin ng katarungan ay isang masalimuot at mahirap na isyu sapagkat maaaring manaig ang emosyon at ang isipan ay maging sunod-sunuran na lamang dito. Ang tao ay likas na mahina. Kaya sa punong ito ay inilagay ng Islam ang makatotohanang limitasyon.
Bagaman inoobliga ang isang Muslim na maging makatarungan kapag mayroon siyang higit sa isang asawa at ito ay ginagawang kondisyon sa polygyny, hindi naman siya pananagutin sa mga bagay na hindi niya kayang kontrolin tulad halimbawa ng pagmamahal (sa isang asawa na mas matimbang kaysa sa iba) o ano mang may kaugnayan dito. Ngunit kaalinsabay nito , siya ay inoobligang maging mulat upang hindi matisod ang kanyang paa.
Mga Bagay naNagbubunsod sa Polygyny
May mga pangangailangang nagbubunsod sa polygyny. At ang mga pangangailangang ito ay maaa-ring personal tulad halimbawa ng isang lalaking may asawang baog o may karamdaman o matigas ang ulo o mahabang magregla o ang isang babae ay hindi sapat upang punan ang kanyang pangangailangang seksuwal. Maitatanong natin ano kaya ang mabuti sa maybahay na ito , ang siya’y manatili sa piling ng kanyang asawa at ito nama’y mag-asawa ng iba pa o hiwalayan na lamang siya ?
Ang polygyny ay maaari ring para sa kagalinagan ng isang bansa. Tulad halimbawa ng sobrang pagdami ng mga babae sa sanhi ng mga digmaang kumikitil sa maraming buhay ng mga lalake. Ang dig-maang pandaigdigan ay nag-iwan ng 25 milyong balo sa Europa. Mas mainam kayang magpakasakit ang mga babaeng ito at mapilitang maghanap ng kanilang ikabubuhay at magpakahirap habang namumuhay nang miserable , nagdurusa at aba o mas mabuting maging ikalawa o ikatlong asawa ng mga lalaking manganga-laga sa kanila ?
Mayroon ding mga pangangailangan sa panig ng mga kababaihan mismo na nagbubunsod sa polygyny. Mapupuna na tuloy-tuloy ang paghihigpit ng bilang ng mga babae sa bilang ng mga lalake sa maraming mga lipunan. Kaya sa pamamagitan ng pagtutuos ay matatanto nating upang mapangalagaan natin ang karangalan at kalinisan ng babae ang polygyny ay kailangan.
Samantalang patuloy pa rin ang mga bansang kanluranin sa pagpula sa polygyny at pagtuya sa mga philosopher doon na ipinagbubunyi ang polygyny at nanawagang ipatupad ito upang malunasan ang pighati na dumapo sa babae at ang kadustaang sumapit sa kanya. Nalathala sa pahayagang “Lagos Weekly Record” mula sa panulat ng isang babaeng manunulat ang artikulong ito.
“Dumarami na ang mga babaeng ligaw sa ating mga kabataang babae at lumaganap na ang kalamidad na ito ngunit kakaunti lamang ang mga tumutuklas sa mga kadahilanan nito. Bilang isang babae , nakikita ko ang aking sariling nakatingin sa mga kabataang babaeng yaon habang ang aking puso ay nadudurog sa lung-kot at habag sa kanila. At ano ang mahihita ng mga kabataang ito sa aking lungkot , pighati , panaghoy , at hinagpis at kahit na makiramay man sa akin ang lahat ng mga tao? Wala pa ring mapapala maliban na lamang kung kikilos upang pigilin ang karumal-dumal na sitwasyong ito.”
Ang Polygyny at ang mga Pantas
Anong galing ng isang pantas sapagkat nakita niya ang sakit at nagmungkahi ng lunas na siyang lubusang makapagpapagaling dito. Ang lunas , wika niya , ay “Pahintulutan ang lalaking mag-asawa ng higit sa isa. At sa pamamagitan nito ay maglalaho ang kalamidad at ang ating mga anak na babae ay magiging mga reyna ng tahanan.”
Ang sabi pa nga ng bantog na Alemang philosopher na si Schopenhauer sa kanyang aklat (Isang Kataga Tungkol sa Kababaihan): “Ang babaeng buhat sa mga bansang ipinahihintulot ang polygyny ay hindi nawawalan ng asawang kakalinga sa kanya samantalang ang mga babaeng may asawa dito sa atin (Alemanya) ay kakaunti at ang walang asawa ay hindi mabilang. Makikita mong wala silang tagakalinga. May mga babaeng buhat sa mataas na antas ng lipunan na tumandang dalaga nang tuliro at nagdurusa. At may mga mahihinang nilalang buhat sa mababang antas ng lipunan na nagdaranas ng mga hirap at nagtitiis ng mabibi-gat na mga gawain. At baka magbili pa sila ng aliw at mamuhay nang miserable , nakalubog sa kahihiyan at kadustaan. Sa lungsod lamang ng London ay may walong libong mga kalapating mababa ang lipad. (Ito ay noong kapanahunan ni Schopenhauer (1788-1860) kaya papaano na lamang ngayon ! Ibinuhos ang dugo ng kanilang karangalan sa altar bilang biktima ng sistemang nililitahan sa isa ang pag-aasawa at bunga na rin ng pagmamatigas ng babaeng taga-Europa at ang mga walang kabuluhang pinagsasabi nito.”
Ang Pagdami ng Babae
Noong nilipol ng digmaan ang mga kabataan ng Alemanya na pinamumunuan noon ni Hitler , dala ng masidhing pangangailangan ay napag-isipan ni Hitler na gumawa ng hakbang na magpupuno sa teribleng kakulangan ng mga kalalakihan na yumanig sa buhay ng kanyang bansa anupa’t wala na siyang mapagpipilian kundi ang gumawa ng batas na magpapahintulot sa polygyny. Nalathala sa pahayagang Al-Ahram (isang bantog na pahayagan sa Egipto) na may petsang Disyembre 13 , 1960 na “May natuklasang dokumentong sulat-kamay ni Martin Burman na kanang kamay ni Hitler , na sinulat noong taong 1944. Ang sabi niya: ‘Pinag- iisipan nang mabuti ni Hitler na pahintulutan ang lalakeng Aleman na mag-asawa nang legal ng dalawa upang magarantiyahan ang hinaharap ng lakas ng sambayanang Aleman.'”
Napuna ng ilang mga taga-kanluran na ang pagiging marami ng mga babae at ang pananatili nilang walang asawa kalinsabay ng mga babae at ang pananatili nilang walang asawa kaalinsabay ng pakikihalubilo nila sa mga lalake sa mga pinagtatrabahuhan ay isang malaking panganib na lumitaw ang mga resulta sa immoralidad at pagkalansag ng mag-anak na lumaganap sa mga bansang kanluranin. Ito ay nagsisilbing isang panganib na nagbabanta ng pagbagsak ng sibilisasyong iyon. Pati na ang babaeng taga-Europa , matapos na magtiis sa pagiging hampaslupa at pasanin ang hindi maangkop sa kanyang kalikasan,ay nakatikim pa siya ng mga kapighatiang nagbunsod upang maging isa pa sa mga nananawagan sa polygyny. May demonstrasyong ginawa ang mga kababaihan sa Alemanya pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdigan noong 1945. Hiniling ng mga kababaihan sa demonstrasyong ito na gumawa ng batas na magpapahintulot sa isang lalake na magkaroon ng maraming asawa nang sa gayon ay mapangalagaan ang babaeng Aleman sa prostitusyon.
Ang Polygyny at ang Babae
Ang lipunan sa ngayon ay puno ng mga babaeng walang asawa na lumampas na ang edad sa edad ng pag-aasawa. Ang marami sa kanila ay nagdurusa at binabalot ng kalungkutan habang tumatakbo ang oras at walang lumalapit sa kanila upang hingin ang kanilang kamay. Bagaman may mga babaeng inuulit-ulit ang sinasabi ng ibang diumano’y kasamaan ng polygyny , sa kaibuturan ng kanilang puso ay pinananabikan nila ang pag-aasawa yamang ito ay isang mahigpit at likas na pangangailangan. May maraming babae na nag-aasam na magkaroon ng asawa kahit pa sila’y maging ikalawa o ikatlo o ikaapat na lamang upang matugunan ang kanilang likas na pangangailangang magkaroon ng anak at asawa. Natatakot silang mapag-iwanan ng panahon na hindi natutugunan ang gayong pangangailangan. Kung ating pag-iisipan lamang nang matagal ang bagay na ito , makikita natin ang peligrong maaaring ibunga ng pagdami ng babae at ng hindi nila pagkaka-roon ng mga asawa. Ito ay isang peligrong walang nakaaalam kung gaaano ito kalaki kundi si Allah lamang.
Tunay nga ang polygyny ang pinakamainam na paraan sa pagpawi nitong nakatatakot na peligro. Anong ganda ang sinabi ni Albahi Alkhuli sa kanyang aklat (Ang babae sa Tahanan at Lipunan):
“Ang pagbaba ng bilang ng kalalakihan kung ihahambing sa bilang ng kababaihan ay magbubunga ng suliranin para sa mga kababaihang walang asawa. Kaya kung ang bawat lalaki ay magkakasya na lamang sa isang babae , ano ang gagawin sa mga natitirang babae? Maaari silang maghanapbuhay kung hindi sila kayang suportahan ng lipunan. Subalit sa panig ng mga kababaihan ang krisis ay hindi ang krisis lamang sa pagkain at inumin kundi krisis na sanhi ng pagkauhaw na dulot ng pangangailangang seksuwal na kailanman ay hindi maaaring ipagpawalang-bahala o tiisin !!!”
Ang mga Nagnanais Ipagbawal ang Polygyny
Ang mga lalaki’t babae sa atin na nananawagan sa pagbabawal ng polygyny ay nalalaman nang maigi ang kalagayang ito. Nalalaman nilang tinangka na ng Europa na lutasin ito sa pamamagitan ng pagwa-walang-bahala sa pangangalunya at pagbibibay-luwag sa nagnanais mangalunya. Tinangka nilang lutasin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa mga napulot na itinapong mga batang anak sa labas na siyang pumupuno sa mga ospital at mga bahay-ampunan. Nalalaman nila ang lahat ng ito ngunit patuloy pa rin sila sa panawagan nilang ipagbawal ang polygyny. Wari bagang “Ang legal na pag-aasawa para sa kanila ay mas mahalay pa kaysa pangangalunya , at wari bagang ang lihitimong anak para sa kanila ay mababa ang karangalan kaysa batang napulot lamang sa lansangan. Sa puntong ito ay nagiging malinaw na para sa atin ang tunay na kulay ng kahihinatnang ibig nila para sa atin sa pamamagitan ng mga nakalalasong mga propagandang iyon.

AS-SALAH (Ang Pagdarasal Sa Islam)

Maikling Pagkakalarawan: Ang pagsagawa ng mga itinakdang tungkulin ng Ibadah (pagsamba) ay nagbibigay lakas sa Eeman (pananalig) upang ito ay maging kapaki-pakinabang at mabisa sa buhay ng tao. Kaya naman, ang Ibadah ay isang bagay na nagbibigay ng tiyak na bunga. Ito ay isang paraan upang ang mga mananampalataya ay makapaglingkod sa Allah at maging mabuti sa kanyang kapwa……….

IBADAH

(Pagsamba sa Islam)

Ang katagang Ibadah (pagsamba) ay hango sa salitang Arabik na “Abd” na nangangahulugan ng alipin. Ang tao ay isinilang na napapailalim sa kapangyarihan ng Allah. Siya ay isinilang bilang isang alipin ng Allah. Kapag siya ay lumapit sa Allah nang may pagpapakumbaba at pagkamataimtim, siya ay gumaganap ng isang gawaing Ibadah (pagsamba). Ang Ibadah ay isang paraan upang padalisayin ang buhay pisikal at ispirituwal. Sa Islam, ang bawa’t pag-aalay ng mabuting gawa na naghahangad magbigay kasiyahan sa Allah ay isang Ibadah (pagsamba).

Ang mga tungkuling rituwal ng Ibadah ay Salaah (pagdarasal), Sawm (pag-aayuno), Zakat (kawanggawa), at Hajj (paglalakbay sa Makkah). Ang mga naturang tungkulin kaalinsabay ng Eeman (pananalig) ay karaniwan nang tinatawag na mga haligi ng Islam. Ang Islam ay isang buo at ganap na patnubay. Nasasakop nito ang lahat ng bahagi ng buhay ng tao. Ang haligi ng Islam ay pinag-iisa ang lahat ng gawain ng tao maging ispirituwal, materyal, pansarili o pangkalahatan.

Ang pagsagawa ng mga itinakdang tungkulin ng Ibadah (pagsamba) ay nagbibigay lakas sa Eeman (pananalig) upang ito ay maging kapaki-pakinabang at mabisa sa buhay ng tao. Kaya naman, ang Ibadah ay isang bagay na nagbibigay ng tiyak na bunga. Ito ay isang paraan upang ang mga mananampalataya ay makapaglingkod sa Allah at maging mabuti sa kanyang kapwa.

Ang Salaah (pagdarasal),na isang mahalagang ba-hagi ng Ibadah ay siyang paksa ng aklat na ito. Ating matutunghayan sa Banal na Qur’an:

“Tunay na magtatagumpay ang mga mananampalataya. Silang nag-aalay ng Salaah nang buong katapa-tan at may ganap na pagsuko.” [Surah Al Mu’minun 23:1-2]

TAHARA

(Kadalisayan)

Bago isagawa ang Salaah, nararapat lamang na maging malinis at dalisay. Ang Banal na Qur’an ay nagsasabi:

“O kayong nananampalataya, kapag kayo’y nagnanais magsagawa ng pagdarasal, hugasan ang inyong mukha at inyong mga kamay hanggang siko, haplusin (ng basang palad) ang inyong ulo, at hugasan ang inyong paa hanggang sa bukong-bukong.” [Al-Maidah -5:6]

Ang kalinisan ng puso, katawan at pananamit ay tinatawag na Taharah o kadalisayan. Sa ganitong kalagayan lamang maaaring isakatuparan ng isang Muslim ang Salaah..

Ang pagpapakadalisay ay maaaring makamtan sa pamamagitan ng Al-Wudhu (paghuhugas ng ilang bahagi ng katawan) o ng Al-Ghusl (pagpapaligo ng buong katawan).

AL-WUDHU

(Paghuhugas sa ilang bahagi ng katawan)

Ang pamamaraan ng Al-Wudhu ay ang mga sumu-sunod:

1. Unang-una, nararapat na magkaroon ng maliwanag na Niyaat (intensiyon o hangarin) sa sarili na magsagawa ng Al-Wudhu.

2. Banggitin ang Bismillah (Sa Ngalan ng Allah).

3. Hugasan ang dalawang kamay hanggang sa pulso ng tatlong ulit. Tiyaking ang lahat ng bahagi, pati na ang pagitan ng mga daliri, ay mabasa ng tubig.

4. Magsahod ng tubig sa kanang kamay at magmumog ng tatlong ulit.

5. Hugasan ang ilong sa pamamagitan ng mahinang pagsinghot ng tubig mula sa kanang kamay at ito ay isinga sa tulong ng kaliwang kamay. Gawin ito ng tatlong ulit.

6. Hugasan ang buong mukha hanggang sa mga tainga, nuo at baba (kasama ang balbas) ng tatlong ulit.

7. Hugasan ang mga braso, kanan muna bago ang kaliwa, mula sa pulso hanggang sa siko ng tatlong ulit.

8. Minsang haplusin ng basang kamay ang ulo mula sa nuo hanggang batok at pabalik.

9. Linisin ng minsan ang loob ng magkabilang tainga ng basang hintuturo samantalang ang hinlalaki ay hinahagod ang likuran ng tainga.

10. Hugasan ang magkabilang paa hanggang bukong-bukong, kanan muna bago kaliwa, at tiyaking mabasa ang lahat ng bahagi pati na ang pagitan ng daliri.

11. Ang mga hakbang ng Wudhu ay winawakasan sa pagbigkas ng Kalimatu Ash-Shahada:

Ash-hadu an la ilaha illallaah

wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa rasuluh.

(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo.

Si Propeta Muhammadr ay nagsabi: “Sinumang magsagawa ng Wudhu nang ganap at magsabi ng Ash-hadu an la ilaha illallah wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa rasuluh’, ang walong tarangkahan ng Jannah (Paraiso) ay magbubukas at siya’y makakapasok sa alinmang (tarangkahang) kanyang nais.” (Muslim)

Paalaala:

Kapag ang Wudhu ay nasimulan na, walang ibang bagay na dapat pagkaabalahan maliban dito. Ang pagsagawa nito ay nararapat na tuloy-tuloy hanggang sa matapos.

Kung naisagawa na ang Wudhu bago isinuot ang mga medyas, hindi na kailangan pang hubarin ang mga ito sa pagsapit ng susunod na Wudhu. Sapat na ang haplusin ang itaas ng mga ito ng basang palad. Ito ay maaaring gawin sa loob ng isang araw at gabi (24 oras) sa mga nananatili sa kanikanilang pook o tahanan (tatlong araw at gabi naman sa mga naglalakbay). Kung sakaling hinubad ang mga ito at isinuot na muli bago sumapit ang susunod na Wudhu, kailangang hubarin ang medyas at hugasan ang paa sa muling pagsapit ng oras ng Wudhu.

Kailangang ulitin ang Wudhu kapag umihi, umutot, tumae, o hinawakan ng tuwiran ang maselang (pribadong) bahagi ng katawan o nawalan ng malay, o nakatulog ng mahimbing sa pagkakahiga.

AL-GHUSL

(Pagpapaligo ng buong katawan)

Ang Al-Ghusl ay isang pagpapakadalisay na dapat gawin kapag ang sinuman ay narumihan ng semilya (sexual discharge) dahil sa panaginip o pakiki-pagtalik sa asawa o sa anumang dahilan. Ito rin ay isinasagawa matapos huminto ang pagdurugo ng kababaihan dahil sa panganganak o regla. Dapat ding isagawa ito ng isang taong yumakap sa Islam. Ang mga paraan ng Al-Ghusl ay ang mga sumu-sunod:

1. Unang-una, nararapat na magkaroon ng maliwanag na Niyat (intensiyon o hangarin) sa sarili na magsagawa ng Al-Ghusl.

2. Hugasan ang maselang (pribadong) bahagi ng katawan. Gamitin ang kaliwang kamay sa paghugas.

3. Hugasan ang mga kamay ng tatlong ulit.

4. Isagawa ang mga paraan ng Al-Wudhu kagaya ng nasabi sa itaas maliban sa paghuhugas ng paa.

5. Buhusan ng tubig ang ulo ng tatlong ulit habang hinahagod ang buhok upang umabot ang tubig sa anit.

6. Buhusan ang buong katawan, kanang bahagi muna bago ang kaliwa, at tiyaking mahugasan ang lahat ng bahagi ng katawan pati na ang kilikili, tainga, pusod at pagitan ng mga daliri ng kamay, atbp.

7. At ang panghuli ay ang paglayo ng kaunti mula sa iyong kinatatayuan (upang maiwasang matalamsikan ng pinaghugasang tubig) at hugasan ang paa, kanan muna bago kaliwa.

8. Wakasan ang rituwal na ito sa pagbanggit ng Kalimatu Ash-Shahada kagaya sa Al Wudhu.

Ash-hadu an la ilaha illallah wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa rasuluh.

(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo).

Bukod pa sa mga naunang nabanggit, may mga okasyon o kalagayan na kanais-nais magsagawa ng Ghusl:

1. Bago pumunta sa Salaah tuwing araw ng Biyernes (Juma’a).

2. Bago pumunta sa Salaah tuwing araw ng Eidul-Fitr at Eidul-Adha.

3. Sinumang naghugas ng patay.

4. Bago magsuot ng Ihram (para sa Hajj o Umrah).

AT-TAYAMMUM

(Pagpapakadalisay sa pamamagitan ng buhangin o alikabok)

May mga pagkakataong ang paggamit ng tubig ay imposible o mapanganib kagaya ng kawalan ng tubig o ito ay sapat lamang na inumin, o kaya’y ang paggamit nito ay maaaring magpalala ng karamdaman. Ang At-Tayammum ay isinasagawa bilang kapalit ng Al-Wudhu o Al-Ghusl sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na buhangin o lupa.

Ang Banal na Qur’an ay nagsasaad:

“……..at kung hindi makatagpo ng tubig, gumamit ng malinis na lupa at ihaplos sa mukha at kamay. Hindi nais ng Allah na ilagay kayo sa kahirapan, bagkus nais Niyang padalisayin kayo at gawing lubos ang tulong Niya sa inyo upang kayo’y maging mapagpasalamat”. [Al-Maidah, 5:6].

Ang paraan ng At-Tayammum ay ang mga sumu-sunod:

Katulad ng pagsisimula ng Al-Wudhu at Al-Ghusl, nararapat lamang na magkaroon ng maliwanag na Niyat (intensiyon o hangarin) sa sarili na magsa-gawa ng At-Tayammum at magsabi ng Bismillah (Sa Ngalan ng Allah).

1. Idampi ang dalawang palad sa buhangin o sa anumang bagay na may buhangin o alikabok katulad ng dingding o bato at iba pa, at hipan ang mga ito.

2. Ihaplos nang minsan ang mga palad sa mukha.

3. Ihaplos nang minsan ang kaliwang palad sa itaas ng kanang kamay hanggang sa pulso at pagkatapos ay ihaplos nang minsan ang kanang palad sa itaas ng kaliwang kamay hanggang sa may pulso.

Si Propeta Muhammadr ay nagsabi: “Sapat na sa inyong gawin ang katulad nito: at kanyang idi-nampi ang dalawang palad sa lupa, hinipan ang mga ito at inihaplos sa kanyang mukha at sa itaas ng bawa’t kamay”. (Pinagsang-ayunan)

4. Wakasan ang rituwal sa pagbanggit ng (Kali-matu Ash-Shahada).

Ash-hadu an la ilaha illallaah

wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa rasuluh.

(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo).

Mahahalagang Kondisyon ng As-Salaah

Ang Tahara, na siyang pinakamahalagang pangunahing kailangan bago magsagawa ng Salaah ay nailahad na sa mga naunang pahina. Ang ibang mahahalagang kondisyon ay ang mga sumusunod:

1. ORAS

Bawa’t Salaah ay dapat ialay sa kani-kaniyang oras. Ang Salaah ay hindi maaaring isagawa bago sumapit ang takdang oras nito. May limang itinakdang Salaah na dapat isagawa ng bawa’t Muslim sa loob ng isang araw. Ito ay ang mga sumusunod:

Fajr – Sa pagbubukang-liwayway at bago sumikat ang araw.

Dhuhr – Sa pagitan ng ilang sandali matapos ang tanghaling tapat at bago sumapit ang Salatul Asr.

Asr – Mula sa kalagitnaan ng hapon at bago lumubog ang araw.

Maghrib -Ilang sandali matapos lumubog ang araw hanggang sa mapawi ang takip-silim (dumilim).

Isha – Sa pagdating ng dilim at bago sumapit ang Salatul Fajr.

2. PANANAMI

Bago ialay ang Salaah, kailangang tiyakin muna na may tamang pananamit. Sa kalalakihan, nararapat na takpan kahit man lamang ang kanilang katawan mula pusod hanggang tuhod (kung sakali mang walang ibang damit na maisuot). Ang mga kababaihan ay nararapat na takpan ang sarili mula ulo hanggang paa maliban sa mukha at kamay. Ang pananamit ay dapat na malinis, payak, hindi naaaninag, at hindi hapit sa katawan. Sa mga araw ng kanilang pamamanahon o regla (menstruation period), ang kababaihan ay malaya sa tungkuling mag-alay ng Salaah.

3. POOK O LUGAR

Saan man naroroon ang tao, siya ay maaaring humarap sa Allah sa kanyang mataimtim na pagdarasal. Si Propeta Muhammadr ay nagsabi: “Ang lahat ng dako ng daigdig ay ibinigay sa akin na maging Masjid: malinis at dalisay.” Higit na kanais-nais na ang Salaah ay ialay ng sama-sama o kongregasyon. Humarap sa Qibla (Ka’aba sa Makkah) kapag nag-aalay ng Salaah.

ADHAN

(Ang Pagtawag ng Pag-anyaya sa Salaah)

Upang ipunin ang mga Muslim sa pagdarasal ng sama-sama o kongregasyon, ang Adhan ay isinasagawa. Ang Mu’adhin (nagsasagawa ng Adhan) ay titindig na nakaharap sa Qibla (Ka’aba sa Makkah) at itataas ang mga kamay na ang hintuturo ay nakalagay sa magkabilang tainga at bibigkasin ang Adhan sa malakas na tinig nang ganito:

“Allahu Akbar” 4 na ulit

(Ang Allah ay Dakila)

“Ash-hadu Anla Ilaha Illallaah” 2 ulit

(Ako ay sumasaksi na walang tunay na

diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)

“Ash-hadu Anna Muhammadar

Rasullullaah” 2 ulit

(Ako ay sumasaksi na si Muhammad

ay Sugo ng Allah )

“Hayya ‘Alas Salaah” 2 ulit

(Halina sa Salaah (Pagdarasal)

“Hayya ‘Alal Falaah” 2 ulit

(Halina sa Tagumpay)

“Allahu Akbar” 2 ulit

(Ang Allah ay Dakila)

“La Ilaha Illallaah” 1 ulit

(Walang tunay na diyos na dapat

sambahin maliban sa Allah)

Sa Adhan ng Salatul Fajr, ang mga sumusunod ay idinadagdag sa pagitan ng “Hayya ‘Alal Falaah” (Halina sa Tagumpay) at “Allahu Akbar” (Ang Allah ay Dakila):

“Assalatu Khairum Minan Naum” 2 ulit

(Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa pagtulog)

Mga Dapat Sabihin Habang Itinatawag ang Adhan

Sinuman ang makaririnig ng Adhan, kanais-nais na banggitin ang bawa’t sabihin ng Mu’adhin maliban sa “Hayya ‘Alas Salaah” at “Hayya ‘Alal Falaah”. Sa halip, sabihin ang:

“La Hawla Wa La Quwwata Illa Billah”

(Walang kapangyarihan at lakas malibang magmula sa Allah).

DU’A (Panalangin) Pagkatapos ng Adhan

Pagkatapos ng Adhan, ang mga Muslim ay pinapa-yuhang manalangin ng ganito:

“Allahumma rabba hadhi-hid da’awatit-tam-ma”

(O Allah, Panginoon nitong ganap na pagtawag at ang mga itinakdang pagdarasal)

“Was-salatil qa’imati ati Muhammadan al waseelata wal fadeela”

(Ibigay Mo kay Muhammad ang Wasilah, mataas na katayuan sa Paraiso)

“Wab ‘ath-hu maqaman mahmudal ladhi wa‘ad-tah”

(at itaas Mo siya sa kapuri-puring katayuan na Inyong ipinangako sa kanya)

Ang Propetar ay nagsabi: “Sinumang magsabi nitong Du’a pagkatapos marinig ang Adhan ay may karapatan sa aking pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom.” (Bukhari)

IQAMA

(Ang Pagtawag sa Pagsisimula ng Salaah)

Pagkatapos ng Adhan at ang mga Muslim ay nagtipon na sa pook ng dasalan, ang pangalawang tawag (Iqamah) ay bibigkasin. Ito ay palatandaan na ang Salaah ay sisimulan na. Ang mga sumusunod ay ang pagtawag ng Iqamah:

“Allahu Akbar” 2 ulit

(Ang Allah ay Dakila)

“Ash-hadu Anla ilaha Illallaah” 1 ulit

(Ako ay sumasaksi na walang tunay na

diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)

“Ash-hadu Anna Muhammadar

Rasulullah” 1 ulit

(Ako ay sumasaksi na si

Muhammad ay Sugo ng Allah)

“Hayya ‘Alas Salaah” 1 ulit

(Halina sa Salaah (Pagdarasal)

“Hayya ‘Alal Falaah” 1 ulit

(Halina sa Tagumpay)

“Qad Iqamatis-Salaah” 2 ulit

(Ang Salaah ay mag-uumpisa na)

“Allahu Akbar” 2 ulit

(Ang Allah ay Dakila)

“La Ilaha Illallaah” 1 ulit

(Walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)

Mga Bahagi ng Salaah

Ang Salaah sa Islam ay isang di-karaniwang tungkulin. Nilalapit nito ang tao sa Allah sa pamamagitan ng pagtugma ng kanyang kaisipan at katawan. Sa Salaah, ang Muslim ay ganap na isinusuko ang sarili sa kanyang lumikha.

Bago mag-alay ng Salaah, tiyakin muna sa sarili na ang lahat ng kinakailangang kondisyon na nauukol sa Salaah ay naisagawa na. Ang mga detalye sa pagganap ng Salaah ay ang mga sumusunod:

1. Magkaroon ng layuning mag-alay ng Salaah, kung ito ba ay Fardh na Salaah (mga itinakdang tungkuling dasal) tulad ng Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib o Isha. O kung ito ba ay Sunnah (kusang-loob na karagdagang dasal).

2. Pagkatapos ay itaas ang mga kamay kapantay ng tainga habang nagsasabi ng Takbiratul Ihram:

“Allahu Akbar”

(Ang Allah ay Dakila)

3. Ngayon ay ilagay ang mga kamay sa dibdib, ang kanang kamay ay nakapatong sa kaliwang kamay at sabihin nang pabulong ang mga sumusunod na pagsamo o pagluhog:

“Subhanaka Allahumma wa Bihamdika”

(O Allah, Maluwalhati at Kapuri-puri)

“Watabaraka Ismuka wa Ta’ala Jadduka”

(at purihin ang Ngalan Mo at dakilain ang Iyong Kataasan)

“Wa La ilaha Ghairuka”

(at walang karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo)

“A’udhu Billahi Minash-Shaitan-nir Rajeem”

(Ako ay nagpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang Satanas)

4. Pagkatapos nito, bigkasin ang pambungad na kabanata ng Banal na Qur’an, ang Al-Fatiha:

“Bismillah-hir Rahman-nir Raheem”

(Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin)

“AL-HAM-DU LIL-LAHI RAB-BIL ‘ALA-MEEN”

(Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga daigdig)

“AR-RAH-MANIR-RAHEEM”

(Ang Mapagpala, Ang Mahabagin)

“MA-LI-KI YAU-MID-DEEN”

(Ang Tanging Hukom at Hari ng Araw ng Paghuhukom)

“IYYA-KA NA-BU-DU WA IYYA-KA NAS-TA-EEN”

(Ikaw lamang ang sinasamba namin at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong).

“IH-DI-NAS-SIRA-TAL-MUS-TA-QEEM”

(Ipatnubay Mo sa amin ang tuwid na landas)

“SIRATAL LADHINA-AN-AMTA ALAI-HIM”

(Ang landas ng Iyong pinagpala)

“GHAIRIL MAGH-DU-BI ALAI-HIM”

(Hindi ng mga isinumpa)

“WA-LADH-DHAAL-LEEN (AMEEN)”

(At nangaligaw ng landas) (Amen)

5. Ngayon bigkasin ang sumusunod (Suratul Ikhlas) o alin mang talata sa Banal na Qur’an:

“BISMILLAH-IR RAHMAN-IR RAHEEM”

(Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin)

“QUL HU-WAL-LA-HU A-HAD”

(Ipahayag, Siya ang Allah, Ang Nag-iisa)

“ALLA-HUS-SAMAD”

(Allah, Ang Walang Hanggan, Ang Ganap, Sandigan ng lahat)

“LAM-YALID WA LAM-YOLAD”

(Hindi siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak)

“WA LAM YAKUN-LAHU KU-FU-WAN AHAD”

(At Siya ay walang katulad)

6. Ngayon ay sabihin ang ALLAHU AKBAR at ilagay ang mga kamay sa inyong tuhod sa pagyuko (ang katayuang ito ay tinatawag na Ruku) at sabihin ng tatlong ulit ang mga sumusunod:

“SUBHANA RABBIYAL ‘ADEEM”

(Kaluwalhatian sa aking Dakilang Panginoon)

7. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakatayo at sabihin ang mga sumusunod:

“SAMI’ ALLAHU LIMAN HAMIDAH”

(Dinidinig ng Allah ang sinumang nagbibigay ng Pagpupuri sa Kanya)

“RABBANA WA LAKAL HAMD”

(Panginoon namin, ang Pagpupuri ay sa Iyo lamang)

8. Ngayon ay sabihin ang ALLAHU AKBAR at magpatirapa na nakadampi ang iyong nuo, ilong, palad, tuhod at paa sa lupa (sahig) (ang katayuang ito ay tinatawag na Sujud). Habang nasa ganitong kalagayan, sabihin nang tatlong (3) ulit ang mga sumusunod:

“SUBHANA RABBIYAL ‘ALA”

(Kaluwalhatian sa aking Panginoon, Ang Kataas-taasan)

9. Umupo nang matuwid mula sa pagkaka-patirapa at sabihin ang mga sumusunod:

“RABBIG FIRLEE, WARHAMNEE, WAHDINEE, WAJBURNEE WARZUQNEE WA’AFINEE”

(O Panginoon, nawa’y patawarin Mo ako, at kahabagan Mo ako, at tulungan Mo ako,

at patnubayan Mo ako, at biyayaan Mo ako, at pagalingin Mo ako)

10. Pagkatapos nito, sabihin ang ALLAHU AKBAR at isagawa ang pangalawang Sujud (pagpapatirapa) at banggitin ng tatlong ulit ang mga sumusunod:

“SUBHANA RABBIYAL ‘ALA “

(Kaluwalhatian sa aking Panginoon, Ang Kataas-taasan)

Dito natatapos ang isang Rak’a (yunit) ng Salaah. Sa Salaah na may dalawang Rak’a kagaya ng Fajr (bukang liwayway), tumayo mula sa Sujud (pagka-patirapa) ng unang Rak’a habang sinasabi ang ALLAHU AKBAR. Ang pangalawang Rak’a ay isinasagawa katulad ng unang Rak’a. (mula bahagi blg. 4 hanggang 10).

11. Pagkatapos ng huling Sujud sa pangalawang Rak’a, umupo sa iyong kaliwang paa saman-talang ang iyong kanang paa ay nakatayo na ang mga daliri ay nakasayad sa lupa (sahig). Ang bawa’t palad ng kamay ay nakapatong sa magkabilang tuhod. Habang nasa ganitong katayuan, sabihin nang mahina (pabulong) ang Tashahud:

“AT-TAHIYYATU LILAHI WASALAWATU WATAYYIBATO”

(Ang lahat ng pagdarasal at pagsamba sa pamamagitan ng salita, kilos

at pagsagawa ng banal na tungkulin ay nauukol lamang sa Allah)

“ASSALAMU ALAIKA AYUHAN-NABIYU”

(Sumasaiyo nawa ng kapayapaan, O Propeta)

“WA RAHMATULLAHI WA BARAKATUHU”

(at ang Habag ng Allah at ang Kanyang Pagpapala)

“ASSALAMU ALAYNA WA ALA IBADI-LAHIS-SALIHEEN”

(Nawa’y mapasa-amin ang kapayapaan at sa mga mabubuting lingkod ng Allah)

“ASH-HADU ANLA ILAHA ILLALLAAH”

(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)

“WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULUHU”

(At ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Alipin at Sugo ng Allah)

12. Manatiling nakaupo at bigkasin nang mahina (pabulong) ang Salah Alan Nabi (Darood):

“ALLAHUMMA SALLI ‘ALA MUHAMMAD WA ‘ALA ALI MUHAMMAD”

(O Allah, itampok Mo si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad)

“KAMA SALLAYTA ‘ALA IBRAHIM WA ‘ALA ALI IBRAHIM”

(Kagaya ng pagtampok Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)

“INNAKA HAMIDOOM MAJEED”

(Ikaw ang Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)

“ALLAHUMMA BARIK ‘ALA MUHAMMAD WA ‘ALA ALI MUHAMMAD”

(O Allah, pagpalain Mo si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad)

“KAMA BARAKTA ‘ALA IBRAHIM WA ‘ALA ALI IBRAHIM”

(Gaya ng pagpapala Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)

“INNAKA HAMIDOOM MAJEED”

(Ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)

Pagkatapos sabihin nang mahina ang mga sumu-sunod:

“ALLAHUMA INNE A’UDHU BIKA MIN ADHABI JAHANNAM, WA MIN ADHABIL QABR, WA MIN FITNATIL MAHYA WAL-MAMAT, WA MIN FITNATIL MASIHID-DAJAAL”

(O Allah ako ay nagsusumamo sa Iyo na iligtas Mo ako sa dusa ng Impiyerno, at sa dusa ng hukay, at sa pagsubok sa buhay at kamatayan, at sa mapanlinlang na Masihid-Dajal)

Maaaring magsabi ng karagdagang panalangin upang humingi sa Allah ng kasaganaan hindi lamang dito sa lupa pati na rin sa kabilang buhay. Gayundin upang biyayaan ang magulang at ibang Muslim.

13. Ngayon ay ibaling muna ang mukha sa kanan at sabihin ang Tasleem.

“AS-SALAMU ALAIKUM WA RAHMATULLAAH”

(Sumainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah)

14. At pagkatapos ay ibaling ang mukha sa kaliwa at sabihin ulit ang Tasleem.

“AS-SALAMU ALAIKUM WA RAHMATULAAH”

(Sumainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah)

Dito nagwawakas ang Salatul Fajr na may dalawang Rak’a. Kung nagsasagawa ng Salaah na may tatlong Rak’a katulad ng Maghrib (takip-silim), o kaya’y apat na Rak’a katulad ng Duhr (tanghali), Asr (hapon) at Isha (gabi), tumayo upang ipag-patuloy ang mga natitirang Rak’a pagkatapos ng Tashahud (bahagi blg.11) habang binabanggit ang ALLAHU AKBAR. At habang nakatayo ay basahin nang tahimik ang kabanata Al Fatiha.

Sa Salaah ng Duhr at Asr, ang Al Fatiha ay binabasa nang tahimik sa lahat ng Rak’a. Samantalang sa Salaah ng Fajr, Maghrib at Isha, ang Al Fatiha kasama ng anumang Surah (kabanata) o Ayat (talata) ay binabasa nang malakas sa unang dalawang Rak’a lamang. Laging tandaan na ang Al Fatiha ay tahimik na binabasa sa pangatlo at pang-apat na Rak’a sa lahat ng Salaah.

Huwag magbasa ng anumang Surah (kabanata) o Ayat (talata) sa Banal na Qur’an pagkatapos ng Al Fatiha sa pangatlo at pang-apat na Rak’a ng Salaah.

Kapag ang Salaah ay isinasagawa ng sama-sama (kongregasyon) at ang Imam (namumuno sa pagdarasal) ay malakas na binabasa ang kabanata o talata ng Banal na Qur’an (kagaya sa Salaah ng Fajr, Maghrib, at Isha), sapat na ang makinig na lamang ang mga tagasunod sa kanyang binabasa.

Gayundin ang Imam lamang ang magsasabi nang malakas sa “SAMI’ ALLAHU LIMAN HAMIDAH” pagkatapos ng Ruku. Sapat na sa mga tagasunod ang magsabi “RABBANA WA LAKAL HAMD” habang bumabalik sa pagkakatayo mula sa Ruku.

Pagkatapos ng pangalawang Sujud (pagpapatirapa) sa panghuling Rak’a ng alinmang Salaah, sabihin nang mahina (pabulong) ang Tashahud at Darood.

Wakasan ang Salaah sa pagsasabi ng Tasleem:

“AS-SALAMU ALAIKUM WA RAHMATULLAAH” sa bawa’t pagbaling ng mukha sa kanan at kaliwa.

FARDH AT SUNNAH

Ang Salaah ay kinabibilangan ng Fardh (takdang tungkulin) at Sunnah (kusang-loob) na pagdarasal. Ang dasal na Fardh ay isinasagawa ng limang ulit sa maghapon. Ang hindi pagtupad ng isa man sa mga ito ay itinuturing na kasalanan. Ang dasal na Sunnah ay binubuo ng mga karagdagang dasal na palagiang isinagawa ni Propeta Muhammad bago at pagkatapos ng Salaah Al Fardh (itinakdang Salaah).

Ang talaan sa ibaba ay nagbibigay ng bawa’t Salaah na Fardh:

1. Salatul – Fajr: Dalawang (2) Rak’a

Oras: Pagbubukang-liwayway at bago sumikat ang araw.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat sa unang dalawang Rak’a:Malakas

2. Salatud – Duhr: Apat (4) na Rak’a

Oras: Sa pagitan ng ilang sandali matapos ang tanghaling tapat at bago sumapit ang dasal Asr.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat sa unang dalawang Rak’a: Tahimik

3. Salatul – Asr: Apat (4) na Rak’a

Oras: Mula sa kalagitnaan ng hapon at bago lumubog ang araw.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat sa unang dalawang Rak’a: Tahimik

4. Salatul- Maghrib: Tatlong (3) Rak’a

Oras: Ilang sandali matapos lumu-bog ang araw hanggang sa dumilim.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat sa unang dalawang Rak’a:Malakas

5. Salatul – Isha: Apat (4) na Rak’a

Oras: Sa pagdating ng dilim at bago sumapit ang dasal Fajr (*).

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat sa unang dalawang Rak’a:Malakas

(*) Bagama’t maaaring ialay ang Salatul Isha bago sumapit ang dasal Fajr, kanais-nais na ialay ito bago sumapit ang hatinggabi.

SUNNAH

(Mga Karagdagang Pagdarasal)

Katulad ng makikita sa ibaba, bawa’t Salaah ay kinabibilangan ng Fardh (ang mga itinakdang tungkuling dasal) at Sunnah (mga karagdagang pagdarasal). Si Propeta Muhammadr ay nagsagawa ng mga karagdagang pagdarasal bago at matapos ang mga itinakdang pagdarasal. Kaya naman, ang mga ito ay itinatagubilin. Ang bilang ng Rak’a ng bawa’t Fardh at Sunnah ay ang mga sumusunod:

Pangalan Bilang Ng Sunnah Bilang Ng Bilang Ng Sunnah

Ng Salaah Bago ang Fardh Fardh Matapos ang Fardh

Fajr 2 * 2 wala

Duhr 2 o kaya 4 * 4 2 *

Asr 4 4 wala

Maghrib wala 3 2 *

Isha 2 4 2 * at witr

Ang mga Sunnah na may markang (*) ay tinatawag na “Sunnat Mu’akkadah”. Mga karagdagang dasal na binibigyang-diin ni Propeta Muhammadr na dapat isagawa nang palagian.

SALAT-UL-WITR

Ito ay ang Salaah na isinasagawa pagkatapos ng Fardh at Sunnah ng Salatul Isha at bago dumating ang Salatul Fajr. Ang Salatul Witr ay kinabibilangan ng gansal o butal (di-pares) na Rak’a. Ito ay maaaring isagawa na may isa, tatlo, lima, pito, siyam o labing isang Rak’a.

Katulad ng mga Sunnah (karagdagang pagdarasal) na may markang (*), ang SalatulWitr ay itinuturing na “Sunnat Mu’akkada”, mga karagdagang dasal na binibigyang diin ni Propeta Muhammadr.

Bagama’t ang Salatul Witr ay maaaring isagawa na may isa o higit pang gansal (o butal) na bilang na Rak’a, higit na nakararami sa mga Muslim ang nagsasagawa nito na may tatlong Rak’a. Ito ay maaaring gampanan sa pagsagawa ng unang dalawang Rak’a katulad ng Salatul Fajr, bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur’an pagkatapos ng Al-Fatiha. Kagaya ng Salatul Fajr, ito ay winawakasan sa pagbanggit ng Tasleem (“As-Salamu Alaikum Wa Rahmatullaah”).

Tumayo sa pagkakaupo at isagawa ang pangatlong Rak’a. Bumasa ng maikling Surah o talata mula sa Banal na Qur’an pagkatapos ng Al-Fatiha, isagawa ang nalalabing bahagi ng Rak’a hanggang sa pagsasabi ng Tasleem.

Ang Salatul Witr ay maaaring gampanan din sa pagsagawa ng tatlong sunod-sunod na Rak’a (na walang patlang). Bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur’an pagka-tapos ng Al-Fatiha.

Ipinapayo na basahin ang kabanata 87 (Al-A’ala) sa unang Rak’a, kabanata 109 (Al-Kafirun) sa pangalawang Rak’a, at kabanata 12 (Al-Ikhlas) sa huling Rak’a.

DU’A AL-QUNUT

(Panalangin ng Pagsuko)

Kung ninanais ng nagdarasal na banggitin ang Du’a Al-Qunut, maaari niyang isagawa ito pagkatapos ng Ruku sa pangatlong Rak’a ng Salatul Witr. Manatiling nakatayo at itaas ang mga kamay kapantay ng balikat (na palad ay nakaharap sa mukha) at tahimik na banggitin ang mga sumusunod o kaya’y alinmang du’a na katulad nito.

“ALLAHUMMA INNA NAS TAEENO KA”

(O Allah, hangad namin ang Iyong tulong)

“WA NASTAGHFIROKA”

(at minimithi namin ang Iyong Kapatawaran)

“WA NU‘MINO BIKA, WA NATAWAK KAL ALAIKA”

(at kami ay nananampalataya sa Iyo at kami ay nananalig sa Iyo)

“WA NUTHNI ALAIKA KHAIR, WA NASH KOROKA”

(at pinupuri Ka namin sa pinakamagandang paraan at nagpapasalamat kami sa Iyo)

“WALA NUKFORO-KA, WA NAKHLA’O WA NATROKO MAN YAFJOROKA”

(at kami ay hindi nabibilang sa mga walang utang na loob at tinututulan at iniwawaksi

namin ang sinumang sumusuway sa Iyo)

“ALLAHUMMA IYYA KA NA BODO”

(O Dakilang Allah, sa Iyo lamang kami sumasamba)

“WA LAKA NUSALLI, WA NASJODO, WA ILAIKA NAS’A”

(At sa Iyo lamang kami mag-aalay ng pagsamba at sa Iyo lamang kami magpapatirapa

at sa Iyo kami nanunumbalik)

“WA NAFIDU WANARJU RAHMATAKA, WA NAKHSAH ADHABAKA”

(at umaasa kami sa Iyong habag at kinatatakutan namin ang Iyong parusa)

“INNA ADABAKA BILKUFFARI MULHIQUN”

(Katotohanan, ang Iyong parusa ay aabutin ang mga di-nananampalataya)

Pagkatapos, sabihin ang ALLAHU AKBAR at gawin ang Sujud (pagpapatirapa). Tapusin ang natitirang bahagi ng Salaah kasama na ang Tashahud, Darood at Tasleem. (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullaah).

SALAAH SA MGA NATATANGING KALAGAYAN

Sa mga panahon ng paglalakbay, maaaring gawing maikli ang Salaah. Ito ay tinatawag na Salatul Qasir.

Maaaring magsagawa ng Salaah ng dalawang Rak’a (yunit) bilang kapalit ng Salaah na mayroong tig-aapat na Rak’a, katulad ng Salaah sa Duhr (tanghali), Asr (hapon) at Isha (gabi). Subalit hindi maaaring gawing maikli ang Salaah sa Maghrib (takipsilim) na may tatlong Rak’a at ang Salaah sa Fajr (bukang-liwayway) na may dalawang Rak’a. Bukod sa pagkakaloob na ito, maaari ring iwanan o di gampanan ang mga dasal Sunnah maliban lamang sa dalawang Sunnah ng Salaah sa Fajr (bukang-liwayway) at ang Witr ng Salaah sa Isha (gabi).

Kung may sakit, maaaring gampanan ang Salaah sa pagkakaupo o sa pagkakahiga sa pamamagitan ng mga senyas kapalit ng mga galaw ng katawan.

Sa panahon ng paglalakbay, pagkakasakit o kagipitan, pinahihintulutan na pagsamahin ang dala-wang Salaah. Kagaya ng Salatud Duhr (tanghali) at Asr (hapon), ito ay maaaring pagsamahin sa panahon ng Salatud Duhr o sa panahon ng Salatul Asr. Ang Salatul Maghrib (takipsilim) at Salatul Isha (gabi) ay maaaring pagsamahin sa panahon ng Salatul Maghrib o sa panahon ng Salatul Isha. Ang Salatul Fajr ay laging isinasagawa sa takdang panahon nito.

SALAAH SA MGA NATATANGING OKASYON

Salaah ng Juma’ah

(Pagdarasal sa Araw ng Biyernes)

Bukod pa sa pang-araw-araw na pagdarasal, ang Salaah sa araw ng Biyernes ay isa ring tungkulin na iniatas sa bawa’t Muslim. Bagama’t hindi ito ginawang tungkulin sa kababaihang Muslim, ang kanilang pagsagawa nito ay pinahihintulutan hangga’t hindi nila napapabayaan ang tungkulin sa kanilang pamamahay o hindi nagbibigay sa kanila ng mala-king kaabalahan.

Ang Salaah sa araw ng Biyernes ay isinasagawa ng sama-sama o kongregasyon sa oras ng Duhr. Una, ang Imam (namumuno ng dasal) ay magbibigay ng Khutbah (sermon o paalaala). Pagkatapos ay kanyang pamumunuan ang kongregasyon sa dalawang Rak’a na Salaah. Pagkatapos nito, ang bawa’t isa ay kanya-kanyang mag-aalay ng dasal Sunnah (mga karagdagang dasal). Ang mga dasal Sunnah ay maaaring isagawa sa Masjid ngunit higit na kanais nais na isagawa ito sa bahay.

Salaah ng Tarawih

(Pagdarasal tuwing gabi ng Ramadan)

Ang Salaah na ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Ramadan pagkatapos ng Salatul Isha. Ito ay kinabibilangan ng walo, o sampu o higit pang Rak’a at iniaalay ng dala-dalawang Rak’a na may maikling patlang sa bawa’t apat na Rak’a. Ang Tarawih ay maaaring ialay na mag-isa subali’t higit na ipina-payo na ialay ito ng sama-sama o kongregasyon. Ito ay winawakasan sa pag-aalay ng Salatul Witr.

Salaah sa mga araw ng Eid o Salaah Eidan (Pagdarasal sa dalawang Pagdiriwang)

May dalawang Eid o malaking pagdiriwang ng mga Muslim. Ang una ay tinatawag na Eidul Fitr o ang pagdiriwang sa katapusan ng pag-aayuno. Ito ay ipinagdiriwang sa unang araw ng Shawwal, ang ika sampung buwan ng kalendaryong Hegeria pagkatapos ng buwan ng Ramadan (ang buwan ng pag-aayuno). Ito ay araw ng dakilang pasasalamat ng mga Muslim sa buong daigdig.

Ang pangalawang Eid ay ang Eidul Adha o pagdiriwang ng Dakilang Pag-aalay. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-sampung araw ng buwan ng Dhul Hijjah, ang panghuling buwan ng kalendaryong Hegeria. Ang mga hayop ay iniaalay (katulad ng tupa o kambing) bilang paggunita sa dakilang pag-aalay na isinasagawa ni Propeta Abraham (sumakanya nawa ang kapayapaan).

Ang Salaah sa dalawang Eid na ito ay iniaalay ng sama-sama (kongregasyon) anumang oras pagkatapos ng pagsikat ng araw at bago dumating ang tanghaling tapat. Walang Adhan o Iqamah (mga tawag ng Salaah). Ang dasal ng Eid ay may dalawang Rak’a katulad ng Salatul Fajr.

Isang sermon (Khutbah) ang bibigkasin ng Imam pagkatapos ng dalawang Rak’a ng Salatul Eid na siyang kabaligtaran ng Salatul Juma’ah na ang sermon ay binabanggit bago ang dalawang Rak’a.

Ang pagdalo ng lahat ng Muslim kabilang na ang mga kababaihan at mga bata ay lubos na itinatagubilin.

Ang Pag-aalay ng Dasal sa Ililibing

Ito ay isang dasal na itinuturing na isang mahalagang tungkulin ng sambayanang Muslim para isang yumaong Muslim. Ang hindi pagsagawa ng dasal na ito ay isang kasalanan ng buong komunidad. Subalit ang pagganap ng ilang Muslim ay sapat na upang matupad ang tungkuling ito.

Kakaiba ito sa mga ibang Salaah sapagka’t ito ay walang anumang Ruku (pagyuko) o anumang Sujud (pagpapatirapa). Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa pag-aalay ng Salaah para sa ililibing:

1. Itaas ang mga kamay kapantay ng tainga habang sinasabi ang “Takbiratul Ihram” (ALLAHU AKBAR).

2. Pagkatapos ay ilagay ang mga kamay sa dibdib na ang kanan ay nakapatong sa kaliwa.

3. Pagkatapos ay bigkasin ang Al-Fatiha ng tahimik.

4. Matapos ang pagbigkas ng Al-Fatiha, itaas na muli ang mga kamay kapantay ng tainga at sabihin ang ALLAHU AKBAR.

5. Ilagay na muli sa dibdib ang mga kamay na ang kanan ay nakapatong sa kaliwa at basahin nang tahimik ang sumusunod na pagpupuri at panalangin:

“ALLAHUMMA SALLI ‘ALA MUHAMMAD WA ‘ALA ‘ALI MUHAMMAD”

(O Dakilang Allah, itampok si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad)

“KAMA SALAYTA ‘ALA IBRAHIM WA ‘ALA ‘ALI IBRAHIM”

(Kagaya ng pagtampok Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)

“INNAKA HAMIDON MAJEED”

(Katotohanan, Ikaw ang Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)

“ALLAHUMMA BARIK ‘ALA MUHAMMAD WA ‘ALA ‘ALI MUHAMMAD”

(O Dakilang Allah, pagpalain si Muhammad at pamilya ni Muhammad)

“KAMA BARAKTA ‘ALA IBRAHIM WA ‘ALA ‘ALI IBRAHIM”

(Kagaya ng pagpapala Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)

“INNAKA HAMIDOM MAJID”

(Katotohanan, Ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)

6. Pagkatapos nito, itaas na muli ang mga kamay kapantay ng tainga at sabihin ang ALLAHU AKBAR. Ilagay na muli ang mga kamay sa dibdib na ang kanan ay nakapatong sa kaliwa at sabihin ang sumusunod na Du’a (panalangin).

“ALLAHUMMA AGFIR LEHAYYENA, WA MAYYETENA”

(O Dakilang Allah, patawarin Mo ang aming mga buhay at ang aming mga patay)

“WA SHA HEDENA WA GHA-IBEENA”

(at ang mga naririto at wala rito)

“WA SAGHERRENA WA KABERRENA”

(at ang aming mga kabataan at ang aming matatanda)

“WA DAKARENA WA UNTHANA”

(at ang aming mga kalalakihan at aming mga kababaihan)

“ALLAHUMMA MAN AHYAYTAHU MINNA FA AHYEHEE-ALAL ISLAM”

(0 Dakilang Allah, nawa’y mabuhay lamang sa pagganap ng Islam ang sinumang pinagkalooban Mo ng buhay sa amin)

“WA MAN TAWAFFAYTAHU MINNA FA TAWAFFAHU ALAL IMAN”

(at nawa’y mamatay lamang sa pagganap ng Islam ang sinumang pinagkalooban Mo ng buhay sa amin)

7. Pagkatapos nito ang Imam ay magsasabi ulit ng ALLAHU AKBAR nang malakas. Ang ga tagasunod ay bibigkasin ito nang tahimik.

8. Ang Imam at mga tagasunod ay magsasabi ng As-salamu Alaikum Wa Rahmatullaah sa kani-lang paglingon sa kanan lamang.

DU’A

(Pansariling Panalangin Pagkatapos ng Salaah)

Matapos magampanan ang dasal na Fardh (takdang tungkuling dasal), manatiling nakaupo at isagawa ang Du’a. Maaaring manalangin sa Allah sa sariling wika upang magbigay pagpupuri, pasasalamat o paghingi ng tawad sa sarili o sa kapwa Muslim. Maaari ring hingin sa Allah na bigyang patnubay ang mga mahal sa buhay tungo sa Islam. Sa ganitong kalagayan o posisyon, maaaring banggitin ang anumang panalanging pansarili.

Maaari ring banggitin ang mga sumusunod na Dhikr (pagpapapuri sa Allah). Ito ay mga kanais-nais at itinatagubilin na banggitin pagkaraan ng bawa’t Salaah. Ang mga ito ay hindi sapilitan o itinakdang tungkulin, bagkus itinuturing na karagdagang pagsagawa ng pagsamba upang matamo ang karagdagang biyaya ng Allah:

“ASTAGFIRULLAH” 3 ulit

(Ako ay humihingi ng Kapatawaran sa Allah)

Matapos ang paghingi ng kapatawaran, kanais-nais na banggitin ang mga sumusunod:

“ALLAHUMMA ANTAS SALAM,

WA MINKAS SALAM TABARAKTA YA DHAL JALALI WAL IKRAM”

(O Dakilang Allah, Ikaw ang Kapayapaan, at sa Iyo nagmumula ang kapayapaan, Ikaw ang Kataas-taasan, Dakila at Kapuri-puri)

Pagkatapos nito, kanais-nais na banggitin ang mga sumusunod na panalangin:

“LA ILAHA ILLALLAH, WAHDAHU LA SHARIKA LAH, LAHUL MULKU,

WALAHUL-HAMDU, WAHUWA ‘ALA KULLI SHAY’IN QADIR”

(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, Siya ay Nag-iisa,

Siya ay walang katambal, sa Kanya lamang ang Kataas-taasang Kapangyarihan,

at sa Kanya lamang ang Pagpupuri, at Siya ang Makapangyarihan sa lahat ng bagay)

Itinatagubilin din na idalangin ang alin man sa mga sumusunod:

“ALLAHUMMA LA MANI’A LIMA A’TAYTA, WALA MU’TIYA LIMA MANA’TA,

WALA YANFAU DHAL JADDI MINKAL JAD”

(O Allah, walang makapipigil sa anumang Iyong ipagkaloob, at walang makapagbibigay sa anumang Iyong ipagkait. Walang magagawa ang may kakayahan sapagka’t sa Iyo lamang nagmumula ang yaman at tagumpay)

“LA HAWLA WALA QUWATA ILLA BILLAAH”

(Walang lakas o kapangyarihan malibang magmula sa Allah)

“LA ILAHA ILLAL LAAHU WALA NA’ABUDU ILLA-IYAHU, LAHU NI’MATU,

WALAHUL FADHLU, WALAHUL THANA AL HASSAN”

(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at wala kaming sinasamba bukod sa Kanya, Ang tagumpay ay nagmumula lamang sa Kanya, Ang biyaya ay nagmumula lamang sa Kanya, Ang lahat ng magagandang pagpupuri ay sa Kanya lamang)

“LA ILAHA ILLALLAAH, MUKHLISINA LAHU DINA WALAO KARIHAL KAFIRUN”

(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at kami ay nag-aalay ng taimtim na pagsamba sa Kanya kahit na ito’y kapootan ng mga di-nananampalataya)

“ALLAHUMMA A’INNI ‘ALA DHIKRIKA WASHUKRIKA, WA HUSNI IBADATIK”

(O Allah, tulungan Mo ako upang ilagi Ka sa aking alaala, at tulungan Mo akong maging mapagpasalamat sa Iyo, at maging lubusan ang aking pagsamba sa Iyo)

Kanais-nais ding banggitin ang mga sumusunod ng tatlumpu’t tatlong (33) ulit:

“SUBHANA-LLAH”

(Kaluwalhatian sa Allah)

“ALHAMDU-LILLAH”

(Ang Pagpupuri ay sa Allah lamang)

“ALLAHU AKBAR”

(Ang Allah ay Dakila)

Pagkatapos ng tatlong nabanggit na panalangin, isunod ang ganito:

“LA ILAHA ILLALLAAH, WAHDAHU LA SHARIKA LAH, LAHUL MULKU, WALA-HUL HAMDU, WAHUWA ‘ALA KULLI SHAY’IN QADIR”

(Walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, Siya ay nag-iisa at Siya ay walang katambal. Sa Kanya lamang ang Kataas-taasang Kapangyarihan, at sa Kanya lamang ang mga Pagpupuri at Siya ang Makapangyarihan sa lahat ng bagay)

Itinatagubilin din na bigkasin ang Ayat (talata) Al-Kursi. Ito ay mababasa sa Banal na Qur’an sa Kabanata 2, talata bilang 255:

A’UDU BILLAHI MINAS SHAYTAN NIR RAJIM

“Ako ay nagpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang Satanas”

ALLAHU LA ILAHA ILLA HUWAL HAYYUL QAYUM.

“Allah, walang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya”

Ang Buhay, Ang Lubos sa Kasaganaan, Tagapagbiyaya ng lahat.

LA TAKHUDU SINATUN WA LA NAWM

“Ang antok o idlip ay di-makapangyayari sa Kanya”

LAHU MA FI SAMAWATI WA MA FIL ARD

“Sa Kanya ang pagmamay-ari sa lahat ng Kalangitan at Kalupaan”

MAN DAL LADI YASHFA’U INDAHU ILLA BIIDNIH

“Walang maaring mamagitan malibang Kanyang pahintulutan”

YA’ALAMU MA BAYNA AYDIHIM WA MA KHALFAHUM

“Talos Niya ang nakaraan o hinaharap at maging ang lingid (sa Kanyang mga nilikha).

WA LA YUHITONA BI SHAY’IN MIN ELMIHI ILLA BI MA SHA’A.

“Walang makaaabot sa Kanyang kaalaman malibang Kanyang naisin”

WASI’A KORSIYOHO SAMAWATI WAL ARD

“Ang Kanyang Kaharian ay abot ang mga kalangitan at kalupaan”

WALA YAUDUHU HIFDOHOMA WA HUWAL ALIYOL ADIM

“At Siya ay hindi nakadarama ng kapaguran sa pagpapanatili at pangangalaga sa kanila

Sapagka’t Siya ang Kataas-taasan, ang Sukdulan (sa Kaluwalhatian.

Itinatagubilin din na basahin ang mga sumusunod na Surah (kabanata) sa Banal na Qur’an pagkatapos ng bawa’t Salaah.

Kabanata 112 Suratul-Ikhlas

(Ang Kadalisayan ng Pananampalataya)

Kabanata 113 Suratul-Falaq

(Ang Pagbubukang-liwayway)

Kabanata 114 Suratun-Nas

(Ang Sangkatauhan)

Higit kanais-nais na bigkasin ang tatlong kabanatang ito nang tatlong ulit sa Salatul Fajr (Pagbubukang-liwayway) at Maghrib (Takip-silim). Sa Salatud Duhr (Tanghali), Asr (Hapon) at Isha (Gabi), ang mga kabanatang nabanggit ay maaaring basahin nang minsan lamang.

Sa pagsasaulo ng mga nababanggit na kabanata, tingnan ang mga huling pahina ng aklat na ito.

SAJDAH SAHW

(Pagpapatirapa dahil sa pagkakamali sa Salaah)

Bilang tao, likas na sa atin ang magkamali. Kapag nakagawa ng pagkakamali sa mga itinakdang tungkuling Salaah, o kapag alinlangan sa bilang ng Rak’a (kung ito ba ay kulang o labis), ang dalawang pagpapatirapa (Sajdah Sahw) ay maaaring isagawa matapos iwasto ang pagkakamali at bago wakasan ang Salaah ng Tasleem (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah).

Ang pagwawasto ay isinasagawa lamang kapag ang pagkakamali ay kinabibilangan ng mga mahahalagang haligi ng Salaah katulad ng mga sumusunod:

1. Ang pagsasabi ng “Allahu Akbar” (Takbiratul Ihram) sa pagsimula ng Salaah.

2. Ang pagbasa ng Al-Fatiha sa lahat ng Rak’a.

3. Ang pagsagawa ng Ruku (pagyuku).

4. Ang pagsagawa ng Sujud (pagpapatirapa).

5. Ang pagbasa ng Tashahud pagkatapos ng huling Rak’a habang nakaupo.

6. Ang pagsasabi ng Tasleem (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah) pagkatapos ng Salaah.

Alinman sa mga naturang bahagi ng Salaah ang nakaligtaan, kinakailangang ulitin ang buong Rak’a na kung saan nakalimutan ang bahagi ng Salaah. Subali’t kapag Takbiratul Ihram ang nakalimutan sa umpisa ng Salaah, kinakailangang ulitin ang buong Salaah.

Halimbawa: Kapag ang nagdarasal ay nakalimutan ang pagbasa ng Al-Fatiha. At ito ay naalaala bago o habang nasa katayuan ng Rukuh (nakayuko), kinakailangang tumayo siya at basahin ang Al-Fatiha. Sa kabilang dako naman, kung nakalimutan niyang basahin ang Al-Fatiha at ito ay naalaala lamang nang siya ay nasa pangalawang Rak’a na, ang pangalawang Rak’a na ito ay mabibilang na unang Rak’a lamang sa dahilang ang nauna ay walang saysay o halaga.

Matapos iwasto ang pagkakamali, ang pagsagawa ng Sajdah Sahw (dalawang pagpapatirapa dahil sa pagkakamali) ay maaaring gawin bago sabihin ang Tasleem (Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah)

Kapag may alinlangan sa bilang ng Rak’a (kung ito ba ay isa o dalawa?), piliin ang isa at tapusin ang Salaah mula sa bilang na ito. Kapag alinlangan naman kung dalawa o tatlong Rak’a ang nagawa, ituring na dalawa lamang ang nagawang Rak’a at tapusin ang Salaah mula sa bilang na ito. Isagawa ang Sajdah Sahw bago magsabi ng Tasleem.

MGA KARAGDAGANG PAALAALA – Ethics of Salah

1. Huwag tumingala habang nagdarasal.

2. Huwag ipikit ang mga mata habang nagda-rasal.

3. Huwag igala ang paningin habang nagdarasal. Ituon ang paningin sa lugar na isusubsob ang mukha sa pagpapatirapa.

4. Habang nagdarasal, iwasan ang kumilos na hindi naaayon sa mga bahagi ng Salaah (Halimbawa: pagtingin sa orasan, pagpapagpag ng dumi sa damit o pantalon, atbp.)

5. Huwag kumain, uminom, tumawa o makipag-usap habang nagdarasal.

6. Kapag ang pagkain ay nakahain na, kumain muna bago pumunta sa pagdarasal. Gayundin, unahin muna ang tawag ng kalikasan (Halimbawa: pag-utot, pag-ihi, o pagdumi) at magsagawa ng Wudhu bago pumunta sa Salaah.

7. Linising mabuti ang bibig bago pumunta sa Salaah lalong-lalo na kapag kumain ng bawang, sibuyas o anumang bagay na may masangsang na amoy na maaaring makaabala sa ibang nagdarasal.

8. Huwag unahan ang Imam sa mga takdang kilos ng Salaah (Halimbawa: pagsasabi ng Takbir, pagsagawa ng Ruku o Sujud, pag-angat ng ulo mula sa Ruku o Sujud, pagsagawa ng Tasleem, atbp.)

9. Iwasan ang pagdaan sa mismong harapan ng nagdarasal.

10. Kung nag-aalala na may dumaan sa harapan habang nagdarasal, ipinapayo na maglagay ng anumang bagay na lampas ng ilang pulgada mula sa lugar na kung saan isusubsob ang mukha sa pagpapatirapa. Ito ay tinatawag na “Sutra” na nagsisilbing tanda na walang sinuman na dapat tumawid sa pagitan nitong “Sutra” at ng nagdarasal.

11. Huwag magmadali o tumakbo patungo sa Masjid o saan mang pook na may kongregasyon sa pagdarasal. Bagkus maging mahinahon at mapayapa sa paglalakad.

12. Sa pagpasok sa Masjid, unang ihakbang ang kanang paa at banggitin sa sarili (pabulong) ang sumusunod:

“BISMILLAH WASALATU WASSALAMU ‘ALA RASULULLAH, ALLAHUMA

AGFIR LI DHUNUBI, WAFTAH LI ABWABA RAHMATIK”

(Sa Ngalan ng Allah, nawa’y ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa-Sugo ng Allah, patawarin Mo ako sa aking pagkakasala, at buksan sa akin ang pinto ng Iyong habag)

13. Sa paglabas ng Masjid, unang ihakbang ang kaliwang paa at banggitin sa sarili (pabulong) ang sumusunod:

“BISMILLAH WASSALATU WASSALAMU ‘ALA RASULULLAH, ALLAHUMA

AGFIR LI DHUNUBI WAFTAH LI ABWABA FADHLIK”

(Sa Ngalan ng Allah, nawa’y ang kapayapaan ay mapasa-Sugo ng Allah,

patawarin Mo ako sa aking mga pagkakasala at buksan sa akin ang pinto ng Iyong tulong)

14. Kung sakaling nahuli o naantala at umabot sa bahaging Ruku, ito ay nabibilang na isang buong Rak’a. Kailangan na lamang ipagpatuloy ang Salaah hanggang sa ang Imam ay magsabi ng Tasleem. Kung sakaling may Rak’a na hindi naabutan, kailangang tumayo mula sa pagkakaupo (huwag magsabi ng Tasleem) at tapusin ang bilang ng Rak’a na nakaligtaan. Wakasan ang Salaah sa pagbanggit ng Tashahud, Darood at Tasleem.

15. Maging malumanay sa pagsagawa ng mga takdang kilos ng Salaah. Hayaan munang maging panatag ang mga buto bago isagawa ang mga susunod na kilos. (Halimbawa: pagyuko, pagtayo, pagpapatirapa, pag-upo atbp).

MGA MAIIKLING KABANATA SA BANAL NA QUR’AN

Bilang pangunahing hakbang sa pagsasaulo, ang mga sumusunod ay ilan sa mga maiikling kabanata sa Banal na Qur’an na binigyang kahulugan sa ating sariling wika upang inyong maunawaan.

Bagama’t hindi ipinapayo na isalin nang literal (letra por letra) ang Banal na Qur’an upang maiwasan ang maling pagbigkas nito, ang matutunghayang saling literal sa titik Pilipino ay nararapat lamang iparinig sa mga gurong nagtuturo ng wikang Arabic. Ang maling pagbigkas nito ay maaaring magbigay ng maling kahulugan.

Kaya’t ipinapayo namin sa inyo na matutong bumigkas ng mga talata o kabanata ng Banal na Qur’an sa orihinal na pagkakapahayag nito sa wikang Arabik. May mga cassette tape na nakalaan para rito kung sakali mang hindi kayo makatagpo ng gurong magtuturo sa inyo.

Kabanata 1 Suratul-Fatiha

(Ang Pambungad)

“Bismillah-hir Rahman-nir Rahim”

Sa Ngalan Ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

ALHAMDU LILLAHI RABBIL ALAMIN

Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah (lamang), ang Panginoon ng mga daigdig.

ARRAHMANIR RAHIM

Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

MALIKI YAWM MIDIN

Ang (tanging Hukom at) Hari ng Araw ng Paghuhukom.

IYAKA NA’ABUDU WA IYAKA NASTAIN

Ikaw lamang ang sinasamba namin at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong.

IHDINAS SIRATAL MOSTAQIM

Ipatnubay Mo sa amin ang tuwid na landas.

SIRATAL LADINA AN AMTA ALAIHIM

Ang landas ng Iyong mga pinagpala, hindi (ang landas) ng mga isinumpa at mga nangaligaw.

GHAIRIL MHAGDHUBI ALAIHIM WA LAD DHALLIN

Ang landas ng Iyong mga pinagpala, hindi (ang landas) ng mga isinumpa at mga nangaligaw.

——————-

Kabanata 103

Suratul- Asr

(Ang Panahon)

BISMILLAHIR RAHMANIR RAHIM

Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

WAL ASR

(Pinatutunayan Ko) sa (pamamagitan ng) Panahon

INNAL INSANA LAFI KUSR

Katotohanan ang Tao ay nasa kawalan (at pagkapahamak).

ILLAL LADINA AMANO WA A’MILOS SALIHATI WATAWASAW BIL HAQI WA TAWASAW BI SABR..

Maliban sa (kanila na) may pananampalataya (sa Allah) at gumagawa ng matuwid, at nagpapayuhan ng katotohanan at nagpapayuhan ng pagtitiis.

————————–

Kabanata 108

Suratul-Kauthar

(Ang Kasaganaan)

BISMILLAHIR RAHMANIR RAHIM

Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

INNA A’TAYNA KAL KAUTHAR

Katotohanan Aming ipinagkaloob sa iyo ang Kasaganaan (ng batis Al-Kauthar sa Paraiso).

FASALLI LIRABIKA WANHAR

Samakatuwid, ikaw ay dumadalangin at mag-alay (magpapa-kasakit)sa inyong Panginoon.

INNA SHA NIAKA HUWAL ABATR

Ang sinumang mapoot (at humamak) sa iyo ay pagkakaitan (ng pag-asa sa daigdig na ito at sa kabilang buhay).

———————–

Kabanata 110

Suratun-Nasr

(Ang Tagumpay)

BISMILLAHIR RAHMANIR RAHIM

Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

IDAJA’A NASRULLAHI WAL FATH

Kapag dumating ang tulong ng Allah at ng Tagumpay

WA RAAYTAN NASA YADKHOLONA FI DINILAHI AFWAJA.

At iyong mapagmasdan ang Tao na nagsisipasok sa pananampalataya ng Allah (Islam) ng maramihan.

FASABBIH BIHAMDI RABBIKA WASTAGHFIRHU INNAHU KANA TAWWABA.

Ipagdiwang ang mga papuri sa iyong Panginoon at dumalangin (upang makamit) ang Kanyang kapatawaran, dahil Siya ang Lagi nang (tumatanggap ng pagsisisi at) Nagpapatawad