ANG HARI NG BAHRAIN AY YUMAKAP SA ISLAM DAHIL SA HIMALA NI PROPETA MUHAMMAD(SAKAP).

                الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته, 51 .

     Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Mga kababayan naming taga subaybay, Suma inyo ang kapayapaan at pagpapala ni Allah at magandang hapon po sa inyong lahat.

Natalakay natin sa nakalipas na paksa ang pagpadala ni Propeta Mohammad (SAKAP) ng mga sulat sa ibat ibang pinuno at mga hari ng iba’t ibang bansa at iba’t ibang relihiyon bilang panyaya sa kanila tungo sa pagkilala at pagsamba kay Allah, ang Tunay na Diyos na lumikha ng sangkatauhan at sanlibutan…

At natalakay natin ang pagtanggap ng hari ng Abbysinya sa sulat ni Propeta Mohammad (SAKAP) na naging sanhi ito ng pagyakap niya sa pananampalatayang Islam…

Natalakay din natin ang pagpadala ni Propeta Mohammad (SAKAP) ng sulat sa emperador ng Roma na si Caesar kung saan binasa niya ng masinsinan ang sulat ni Propeta Mohammad (SAKAP) pagkatapos niya itong basahin ay ipinatawag niya si Abu Sufyan, tinanong ito ng maraming mga katanungan. Pagkatapos sagutin ni Abu Sufyan ang mga katanungang iyon ay sinabi ng hari ng Roma.. tinanong kita tungkol sa kanyang angkan (angkan ni Mohammad)  at sinabi mong maydangal ang kanyang angkan, (kaya sinasabi ko)  ganoon din ang mga Propeta sila’y nanggagaling mula sa maydangal na angkan ng kanyang mga kababayan. At tinanong kita kung may nag-aangkin din ba noon ng pagkapropeta na nauna sa kanya.Sinabi mong wala. (Kaya kita tinanong dahil) kung maynagsasabi noon na nauna sa kanya (sa inyong bansa ng pag-aangkin ng pagkapropeta ay masasabi kong gumagaya lamang siya, suballit sinabi mong hindi nangyari ang ganoon. At tinanong kita kung nagsasabi ba siya ng kasinungalingan noon bago ang pag-aangkin niya ng pagkapropeta? Sinabi mong hindi.Kaya sinabi kong kung hindi siya nagsisinungaling sa mga tao, ay sa Diyos pa kaya siya magsisinungaling. At tinanong din kita kung mayroon ba sa kanyang mga ninuno ang naging hari? Sinabi mong wala.(Itinanong ko ito) dahil kung mayroon man sa mga ninuno niya ang naging hari ay masasabi nating gusto lamang niyang itayo muli ang kaharian ng kanyang ninuno. At tinanong naman kita kung sino ba ang mga taong tagasunod niya, mga maimplwensya o malalakas na mga tao ba o ang mga mahihirap? Sinabi mong ang mga mahihirap ang kanyang mga taga sunod.Kaya sinabi kong ganoon din ang mga Propeta, mga mahihirap ang mga taga sunod niya. Tinanong din kita kung dumadami ba ang mga tagasunod niya? Sinabi mong Oo dumadami sila.Kaya ganoon din ang pananampalataya, lumalawak ito hanggang sa magiging ganap ito. Tinanong naman kita kung mayroon ba sa mga tagasunod niya ang bumaligtad  o tumalikod sa pagkamuhi sa relihiyon niya? Sinabi mong wala. Kaya ( sinasabi kong) ganoon din ang pananampalataya, hindi nawawala kapag naging taimtim ito sa puso( ng isang tao). Tinanong naman kita kung siya ba’y lumalabag ng kasunduan. Sinabi mong hindi. Kaya( sinasabi kong)  ganoon ang katangian ang mga sugo ng Diyos hindi sila lumalabag ng kasunduan. Tinanong  din kita kung kinakalaban ba ninyo siya? Sinabi mong, Oo, kinalaban niyo siya. At tinanong kita kung ano ang naging resulta ng laban sa pagitan ninyo? Sinabi mong kung minsan ay panalo kayo at kungminsan naman ay natatalo ninyo siya.Kaya ( sinasabi kong) ganoon din ang nangyayari sa mga sugo ng Diyos, kung minsan binibigyan sila ng pagsubok, subalit sa bandang huli sila parin ang panalo. Tinanong naman kita kung ano ang ipinag-uutos niya sa inyo? At sinabi mong ipinag-uutos niyang sambahin ang Allah lamang na walang katambal at ipinagbabawal niya sa inyo ang pagsamba sa mga sinasamba ng inyong mga ninuno na mga rebulto.Ipinag-uutos din niya ang pagsasagawaa ng salah o dasal, pagbibigay ng kawanggawa, at pagtupad sa kasunduan, at ipangbabawal niya ang lahat ng malalaswa, at (ipinag-uutos niya) na ibigay ang mga ipinagkatiwala sa mga may ari nito…) Kaya sa pamamagitan nito ay nalaman kung siya ay sugo at Propeta ng Diyos, at nalalalaman  ko rin na sa panahon na ito ay susuguin ng Diyos ang kanyang Propeta subalit hindi ko inakalang manggagaling pala sa bansa ninyo. Kaya kung totoo ang lahat ng sinabi mo sa akin (tungkol sa kanya) ay mangyayaring maabot ng kanyang mensahe o kaharian pati ang kinatatayuan kong ito. At nagkatotoo nga ang sinabi na iyon ni Caesar, dahil hindi umabot ng ilang siglo, umabot ang Islam sa lupain ng Syria at naging Bansang Islam ito, itong Syria na ito ay sakop noon ng Roma at doon nag-usap noon si Abu Sufyan at ang Emperador ng Roma.

Kaya sinabi ni Abu Sufyan (na noon ay hindi pa muslim)..magmula noon matapos ang pag-usap ko (anya) sa empirador ng Roma ay nabago na ang pananaw ko sa Islam. At iyon na marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit sa banadang huli, itong si Abu sufyan na nanguna sa pagkalaban kay Propeta Mohammad (SAKAP) at nanguna rin sa pagsalakay sa mga muslim ng ilang beses, sa bandang huli, pagkalipas ng ilan taon mula sa pag-usap nila sa hari ng Roma, siya ay yumakap narin sa pananampalatayang Islam noong Fathu Makkah o tagumpay sa Makkah.

Pagkatapos sabihin ni Abu Sufyan sa hari ng Roma ang tungkol sa kay Propeta Mohammad (SAKAP) at sa mga katuruan ng Islam, ang emperador ay nagpasyang yumakap sa Islam, subalit natakot siyang kalabanin siya ng lahat ng kanyang nasasakupan, kaya hindi niya itinuloy ang kanyang pasyang pagyakap sa Islam, subalit tinanggap niyang maayos ang sugo ni Propeta Mohammad (SAKAP) at nagpadala siya ng mga mamahaling mga handog o regalo.

–Ang hari naman ng Persiya o Iran ay masyadong nagmalaki sa sulat ni Propeta Mohammad (SAKAP) na dumating sa kanya. Kaya agad niyang pinagpupunit ang sulat na iyon. Nang malaman ito ni Propeta Mohammad (SAKAP)  ay sinabi niyang  “                                           .”

“Pupunitin din ng Allah ang kanyang kaharian (kahalintulad ng pagpunit niya sa sulat na iyon).” Pagkalipas ng ilang buwan, nasaksihan ng buong mundo ang katotohanan tungkol dito. Ang anak na lalaki ng hari ay naghimagsik laban sa kanya at pinatay ito. Mula sa sandaling iyon, ang imperyo ng Persia ay wala ng kapayapaan. Kaya nagkatotoo ang sinabi ni Propeta Mohammad (SAKAP) na pupunitin din ng Allah (SWT) ang kanyang kaharian dahil sa pagpunit niya sa sulat na iyon ni Propeta Mohammad (SAKAP) na nag-aanyaya sa kanya sa pagsamba sa Iisang Tunay na Diyos na si Allah…

Pagkatapos punitin ng hari ng Persiya ang sulat ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay ipinag-utos niya sa hari ng Bahrain , kung saan ang hari ng Bahrain noon ay nasa ilalalim ng pamumuno ng Emperador ng Persiya, sinabi nito na dalhin sa kanya ang lalaking nasa arabya na nag-aangkin ng pagkapropeta, dalhin ito sa kanya na nagapos ang kanyang mga kamay. Kaya inutsan ng hari ng Bahrain na si Baajan ang dalawa niyang tauhan papuntang Madinah upang dakpin si Propeta Mohammad (SAKAP).Pagdating ng dalawang iyon kay Propeta Mohammad (SAKAP) ay sinabi nilang ipnadadakip ka ng aming hari ang hari ng Bahrain upang dalhin ka sa kanyang Panginoon na si Barweej ang Emperador ng Persiya.Sinabi ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa dalawang iyon, hintayin ninyo ang aking kasagutan sa susunod na gabi at sasabihin ko sa inyo. Pagdating ng gabing sinabi ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay kinausap niya ang dalawang sugo ng hari ng Bahrain at sinabi niyang..sabihin ninyo sa inyong haring si Baajan na ang kanyang Panginoong si Barweej ang Emperador ng Persiya ay pinatay ng kanyang sariling anak na si Sherawey. Kaya hindi na ninyo kaialangang sundin ang kanyang kautusan dahil namatay na siya. Nagtaka ang dalawang iyon at sinabing ..papano mo nalaman ang mga pangyayaring iyan samantalang ang mga balita tungkol sa mga pangyayari sa Emperyo ng Persiya ay umaabot ng ilang buwan bago ito makarating sa bansang arabya!.Sinabi ni Propeta Mohammad (SAKAP) “totoong nangyari ito, dahil ipinahayag o ipinaalam ito sa akin ng aking Panginoon ang Tunay na Diyos na si Allah”…Agad umuwi sa Bahrain ang dalawang tauhan ng hari at ibinalita nila sa kanya ang sinabi ni Propeta Mohammad (SAKAP).Kaya agad nagpadala ng sugo ang hari ng Bahrain upang alamin kung totoo ba ang sinabi ni Mohammad na  nangyari sa Emperador ng Persiya. At pagbalik ng sugong ipinadala ng Haring si Baajan ay ang laking gulat niya sapagkat totoo nga ang sinabi ni Propeta Mohammad (SAKAP) na pinatay ni Sherawey ang anak ng Emperador ang kanyang sariling ama na si  Barweej upang siya ang maging emperador ng Persiya…at itinanong ng haring si Baajan sa dalawang sugong ipinadala niya kung anong gabi sinabi ni Mohammad (SAKAP) ang kamatayan ng Emperador at nang sabihin nila ay ito nga ay tumugma sa gabing kamatayan ng emperador ng Persiya.

Dahil sa mga pangyayaring ito yumakap sa pananampalatayang Islam ang hari ng Bahrain na si haring Baajaan at karamihan din sa mga taong kanyang nasasakupan ay yumakap narin sa Islam….

ANG PAGPADALA NI PROPETA MUHAMMAD(SAKAP)NG MGA SULAT SA MGA HARI NG IBA`T IBANG BANSA UPANG ANYAYAHAN SILA SA ISLAM.

          الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته, 50

     Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Mga kababayan naming tagasubay-bay, Suma inyo ang kapayapaan at pagpapala ni Allah at magandang hapon po sa inyong lahat. Nandito parin tayo sa patuloy na pagtalakay sa talambuhay ni Propeta Mohammad (SAKAP)

Sa ika-anim na taon ng Hijrah, pagkatapos malagdaan ang kasunduan sa pagitan ng mga Muslim at ng mga paganong Quraish, Si Propeta Mohammad (SAKAP) ay nagpasyang magpadala ng mga sulat sa mga hari at mga pinuno ng iba’t ibang bansa at iba’t ibang relihiyon upang anyayahan sila sa landas ng Tunay na Diyos. At ang may pinaka magandang tugon o kasagutan sa mga pinadalhan ni Propeta Mohammad (SAKAP) ng mga sulat ay ang mga hari at pinunong mga Kristiyano. Marahil ito’y sa kadahilanang ang pinaka malapit na mga tao sa mga muslim ay ang mga kristiyano …At ito’y nagpatotoo sa sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-an “                                                           ”

 

Sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-an)) ولتجدن أقربهم مودة للذين آمنوا الذين قالوا إنا نصارى ذلك بأن منهم قسيسين ورهبانا وأنهم لايستكبرون )) المائدة 82 .

“At matatagpuan mong ang pinaka malapit na mga tao sa mga Muslim ay yaong mga taong nagsasabing sila ay mga Kristiyano, sapagkat mayroon sa kanila ang mga pari at mga monghe at sila’y  hindi nagmamalaki”.

 

At marahil ay dahil narin sa ang mga hari ng mga Kristiyano sa mga panahon noon ay may kaalaman sa mga naunang mga kasulatan na ipinahayag ni Allah sa kanyang naunang mga Propeta at mga Sugo kung saan nasasaad sa mga naunang kasulatan na ipinahayag sa mga naunang sugo ni Allah ang pagdating ni Propeta Mohammad (SAKAP) pagkalipas ni Hesus…Samanatalang ang ilan sa mga hari ng mga arabo noon na walang kaalaman sa mga naunang kasulatang ipinahayag sa mga naunang Propeta ay umayaw  o hindi tinanggap ng maayos ang sulat ni Propeta Mohammad (SAKAP) dahil sa wala silang kaalaman sa mga Propesya tungkol sa pagdating ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa huling panahon…

At upang mapatunayan ang mga katibayan ng kanyang mga padalang sulat, siya ay gumawa ng panatak (selyo) na pilak na nakasulat ang mga katagang”محمد رسول الله”  “Si Muhammad ang Mensahero ng Allah.” Ang mga ipinadala niyang mga sugo na naghatid ng mga sulat na iyon ay pinili batay sa kanilang mga karanasan at mga kaalaman.

Nagpadala si Propeta Mohammad (SAKAP) ng mga sulat sa mga hari ng kristianong tulad nila Negus, ang hari ng Abyssinia; kay Muqawqis, ang kinatawan o pinuno ng Ehipto; kay Caesar , ang emperador ng Roma o (Byzantine);

–At nagpadala narin siya ng mga sulat sa mga paganong hari tulad nila Kisra, ang hari ng Iran (Persia) at mga paganong hari ng arabia tulad ng hari ng Yemen, Bahrain, at Omman.

Ang nilalaman ng sulat ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa hari ng Abbissiniya ang ganito..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

« Sa ngalan ni Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin.

Mula kay Mohammad ang sugo ni Allah, tungo kay Negus ang hari ng Abyssinia, (Nawa’y mapatnubayan ka at) magmuslim, kaya pinupuri ko sa iyo ang Allah na walang tunay na Diyos maliban sa Kanya. Ang Hari, ang Banal, ang Perpekto, ang Tagapagbantay (sa lahat ng kanyang mga nilalang), ang Pinakamakapangyarihan, ang Tagapagsunod, ang Kataas-taaasan. At ako’y sumasaksi na si Hesus na anak ni Maria ay (Siya ay) Ispiritu o kaluluwa na mula sa Allah, at (siya si Hesus ay) salita ni Allah na inilagay Niya kay Berhin Mariya , kaya ipinaglihi niya (si Hesus) at doon ay nilikha (siya ) ni Allah mula sa kanyang Ispiritu at hinipan siya (ng kaluluwa) tulad ng paglikha niya kay Adan sa pamamagitan ng kayang kamay. Katotohanang inaanyayahan kita tungo sa Allah na siya lamang ang Tunay na Diyos at walang katambal, at inaanyayahan kita tungo sa pagsunod sa Kanya. At sumunod ka sa akin at manampalataya sa mga (kapahayagang) dumating sa akin. Sapagkat ako ay sugo ni Allah. At inaanyayahan kita pati ang iyong hukbo tungo kay Allah. Katotohanang naiparating ko na at naipayo ko na, kaya tanggapin mo ang aking payo. Ang kapayapaan ay mapasa sinumang sumunod sa patnubay.”

 

 

Si Negus, ang hari ng Abyssinia, ay yumakap sa Islam….

—     At ang nilalaman naman ng sulat ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa Emperador ng Roman na Caesar ay ganito…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

« Sa ngalan ni Allah Ang Mapagpala, Ang Mahabagin.

Mula kay Mohammad na sugo ni Allah, tungo kay Hercules, ang Dakila ng Roma. Kapayapaan sa sinumang sumunod sa patnubay.Inaanyayahan kita sa panyaya ng Islam.(Magmuslim ka) o Isuko mo ang iyong sarili (sa Kay Allah) at maliligtas ka o mapa sa iyo ang kapayapaan. Magmuslim ka nang sa ganoon ay ibigay sa iyo ni Allah ang iyong gantimpala ng dalawang beses. Subalit kung tumalikod ka ay mapa sa iyo ang kasalanan ng mga Arisiyeen. ( O kayong mga angkan ng kasulatan, halina sa salita (usapan) na makatarungan sa pagitan namin at ninyo, na huwag tayong sumamaba sa iba  maliban kay Allah, at huwag tayong magbigay ng anumang katambal sa Kanya, at huwag nating itakda ang ilan sa atin bilang panginoon maliban kay Allah. At kung sila ay magsitalikod, iyong sabihin “ Maging saksi kayo na kami ay mga Muslim(na tumatalima kay Allah).

 

 

At nang dumating ang sulat ni Propeta Mohammad (SAKAP) kay Caesar o Hercules, ang emperador ng Roma, ay tinanawag nito ang mga Arabong mangangalakal na nasa kanyang nasasakupan upang alamin mula sa kanila ang tunay na pagkatao ni Mohammad (SAKAP). Si Abu Sufyan, ang pinuno ng mga taga-Makkah na noon ay hindi pa muslim, ay nangyaring nasa Syria ng panahon na iyon. Siya ay dinala sa harap ng emperador. At ipinag-utos ng hari na paupuin ang kanyang mga kasamahan sa likuran ni Abo Sufyan, at sinabi niyang kung mayroon mang mali o kasinungalingan sa mga isasagot sa akin ni Abo Sufyan ay sabihin niyo sa akin.Kaya nagsimulang magtanong ang Hari. Ano ang kanyang Angkan sa inyo? Sinabi ni Abo Sufyan, siya ay may magandang dangal. May nagsasabi ba noon na nauna sa kanya ng katulad ng pinagsasabi niya. Wala ani Abo Sufyan. Nagsasabi ba siya ng kasinungalingan noon bago ang pag-aangkin niya ng pagkapropeta? Hindi.Mayroon ba sa kanyang mga ninuno ang hari? Wala. Sino ba ang mga taong tagasunod niya, mga maimplwensyang mga tao ba o ang mga mahihirap. Ang mga mahihirap.Dumadami ba ang mga tagasunod niya? Oo dumadami sila.Mayroon ba sa mga tagasunod niya ang bumaligtad  o tumalikod sa pagkamuhi sa relihiyon niya? Wala. Siya ba’y lumalabag ng kasunduan. Hindi, subalit ngayon ay maykasunduang namamagitan sa amin, ngunit hindi namin alam kung lalabagin ba niya ito o hindi.( Sinabi ni Abo Sufyan, iyon lamang ang nailusot kong salita na maaring maging panira kay Mohammad, dahil sa mga panahong iyon ay matindi ang labanan sa pagitan ng hukbo ni Abo Sufyan ang ng mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP)….Kinalaban ba ninyo siya? Oo. Ano ang naging resulta ng laban sa pagitan ninyo? Kung minsan panalo kami kungminsan naman kami ang natatalo.Ano ba ang ipinag-uutos niya sa inyo?Ipinag-uutos niyang sambahin ang Allah lamang na walang katambal at ipinagbabawal niya sa amin ang pagsamba sa mga sinasamba ng aming mga ninunong mga rebulto.Ipinag-uutos din niya ang pagsasagawaa ng salah o dasal, pagbibigay ng kawanggawa, at pagtupad sa kasunduan, at ipangbabawal niya ang lahat ng malalaswa, at (ipinag-uutos niya) na ibigay ang mga ipinagkatiwala sa amin sa mga may ari nito…)

ANG MAGANDANG BUNGA NG KASUNDUAN SA HUDAYBIYA.

                الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته,49 .

       Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Mga kababayan naming tagasubay-bay, Suma inyo ang kapayapaan at pagpapala ni Allah at magandang hapon po sa inyong lahat.

Nandito parin tayo sa patuloy na pagtalakay sa mga pangyayaring naganap sa Panahon ni Propeta Mohammad (SAKAP).

Natalakay natin sa mga nakalipas na sirye ng ating talakayan ang mga pangyayaring naganap sa “Muaahadat Sulhul Hudaybiyah” o “Kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan sa Hudaybiyah sa pagitan ng mga Muslim sa pamumuno ni Proeta Mohammad (SAKAP) at ng mga di Mananampalatayang Quraish.

Sa kabuuang kahihinatnan ng kasunduan sa Alhudaybiya, ay pabor lamang ito sa mga Quraish, subalit magkaganoon pa man ay sinamantala ng Mga Muslim ang pagkakataon na ito na mailaganap ang Islam sa mapayapang pamamaraan sa iba’t ibang sulok ng arabia. Sa unang pagkakataon, nagawa ng mga Muslim na makihalubilo sa mga tribung gusto nila. At Ito ay nagsilbi ring paraan para sa mga Muslim upang palawigin ang kanilang pag-anyaya sa Islam sa mga hindi mananampalataya na naninirahan sa ibayo ng Arabia…

Kaya sa bandang huli,napatunayan na ang lahat ng nilalaman ng kasunduang iyon,bagamat ito’y hindi makatarungan sa panig ng mga Muslim, sa bandang huli, ay naging dahilan ito ng paglaganap ng Islam sa iba’t ibang  sulok ng mundo…kung ikokompara natin ang dami ng yumakap sa Islam sa loob ng 19 taon, magmula ng pagkapropeta ni Mohammad (SAKAP) ,hanggang sa sa Sulhul Hudaybiyah, ang dami ng mga sumama noon kay Properta Mohammad (SAKAP) ay 1,400 mga muslim lamang, at kung isasali sa bilang ang mga Muslim sa nagsilikas sa Abbissiniya at ang mga naiwans a Madina ay mahigit kumulang ng tatlong libong mga Muslim lamang. Iyon ang kabuuan ng bilang ng pumasok sa pananampalatayang Islam sa loob ng 19 taon na pag-anyaya ni Propeta Mohammad (SAKAP) tungo sa pagsamba sa Tunay na Diyos na si Allah…

subalit pagkalipas ng dalawang taon, sa Fathu Makkah  o pagbukas sa Makkah, umabot ang dami ng mga muslim noon na sumama kay Propeta Mohammad (SAKAP) ng 10 libong mga muslim….maliban pa doon yong mga naiwan sa Madinah at ang mga Muslim sa Abbisinya…nangangahulugan ito na sa loob lamang ng dalawang taon pagkalipas ng paglagda ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga Muslim at ng mga di mananampalatayang Qurais ay yumakap sa Islam ang mahigit sa bilang ng mga nagsiyakap sa Islam noon sa loob ng 19 taon…At ito nga marahil ang Hikmah ng  Allah (SWT) kung bakit ipinahintulot niya sa kanyang sugong si Propeta Mohammad na sumang-ayon sa paglagda ng kasuduang iyon bagamat ang ilang mga nilalaman noon ay di makatarungan sa panig ng mga muslim…

At pagkatapos ang paglagda sa kasuduang ito ay bumalik si Propeta Mohammad (SAKAP) at ang kanyang mga kasamahan sa Al-madinah at hindi na nila naituloy ang kanilang balak na pagsagawa ng Umrah sa Banal na Kaabah, dahil iyon ang nilalaman ng kasudunang nilagdaan na kinakailangan sa susunod na taon lamang nila isagawa ang Umrah…

Subalit kahit ganoon pa man ang nangyari ay itinuring ito na isang malaking pangyayaring naganap sa kasaysayan ng Islam. Dahil sa paglagda ng kasunduang ito ay naituon ng mga muslim ang kanilang pagsisikap sa pagpalaganap ng Islam sa iba’t ibang sulok ng Mundo…

At dahil sa kahalagahan ng pangyayaring ito ay Ipinahayag ng Allah (SWT) isang kabanata sa Banala na Qur-an “ang  Suratul Fath” na nagsasalaysay sa mga Pangyayaring ito. Sinabi ng Allah (SWT(( إنا فتحنالك فتحا مبينا )) الفتح 1 .

Katotohanan ikaw (o Muhammad)ay pinagkalooban namin ng lantad na tagumpay(Ang tagumpay o pagbukas sa Mak`kah).

Ang iba pang mahalagang pangyayaring naganap pagkatapos ng paglagda ng kasunduan sa Hudaybiyah, ay sa ika  pitong taon ng Hijrah naganap ang pagkapanalo ng mga Muslim laban sa mga Hudyong nasa Khaybar. Ang mga Hudyo sa Khaybar ang nanguna noon sa pagsalakay at pagpalibot sa Madinah sa “Gajwatul Khandaq o labanan sa Bambang”, kung saan hinikayat ng mga Hudyo ang lahat ng mga Malalakas na pangkat upang lipulin ang mga Muslim sa Madinah. Sa kadahilanang ito, at sa bandang huli, ay nagkaroon ng laban sa pagitan nila at ng mga Muslim at ang Resulta ay natalo ang mga Hudyo. At sa taon ding ito dumating si Jafar Bnu Abi Talib na mula sa Abbissiniya, Si Jaafar Bnu Abi Talib ang nanguna sa mga Muslim na nagsilikas noon sa Habashah o Abbisinya. Nang dumatin si Jaafar at ang kanyang mga kasamahan ay lugod na natuwa ni Propeta Mohammad (SAKAP) …kaya sinabi ni Propeta Mohammad (SAW) hindi ko alam kung alin matimbang sa aking pagkatuwa ang pagkapanalo sa Khaybar o ang pagdating ni Jafaru Bnu Abi Talib pati ang kanyang mga kasamahan na nagmula sa Abbissiniya.

ANG MAGANDANG ARAL NA MAKUKUHA NATIN SA KASUNDUANG PANGKAPAYAPAAN SA HUDAYBIYA.

kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته, 48

     Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Mga kababayan naming tagapakinig, Suma inyo ang kapayapaan at pagpapala ni Allah at magandang hapon po sa inyong lahat.

Nandito parin tayo sa patuloy na pagtalakay sa ang paksa tungkol sa mga pangyayaring naganap sa “صلح الحديبية”  o kasunduan sa Hudaibiyah .

Natalakay natin sa nakalipas na paksa ang paglagda sa kasuduan sa Hudaibiyah, kung saan ang mga nilalaman nito ay pabor sa mga hindi mananampalataya at sa panig naman ng mga muslim hindi makatarungan ang ibang nilalaman ng kasunduang ito. Subalit kahit ganoon pa man ang nilalaman ng kasuduang iyon ay pumayag parin si Propeta Mohammad (SAKAP) na lagdaan ito dahil ang tanging hangad niya ay upang magkaroon ng kasuduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga muslim at ng mga hindi mananampalatayang mga Quraish  , upang magkaroon ang mga muslim ng pagkakataon na mailaganap ang Islam ng walang sagabal sa panig ng mga Qurais…

Kaya pagkatapos lagdaan ang kasunduan ay hindi nasiyahan ang ibang mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) dahil sa ito nga ay di makatarungan sa panig ng mga muslim samantalang pabor lamang sa mga hindi mananampalataya. At kabilang sa mga hindi nasiyahan sa kasunduan na iyon ay si Omar (RA) kung saan hinarap niya si Propeta Mohammad (SAKAP) at sinabing Hindi baga ikaw ay sugo ng Allah? Sinagot siya ni Propeta at sinabing “ ganoon nga ako ay sugo ni Allah,at sinabi naman ni  Omar hindi baga kami ay mga Muslim (o isinuko ang sarili kay Allah), sinabi ni Propeta ganoon nga.Sinabi naman ni Omar hindi ba sila’y mga paganong hindi sumasampalataya sa Allah? Sinabi niyang « oo ganoon nga ».Pagkatapos ay sinabi ni Omar (RA) kung ganoon ay bakit natin ibinibigay sa mga di mananampalataya ang mga bagay na nagpapahiwatig ng kahinaan o panlalait sa ating relihiyon? Ang tinutukoy dito ni Omar (RA) ay ang nasasaad sa kasunduan na sinuman ang pumunta sa mga muslim galing sa makkah ay hindi maaring tanggapin ng mga Muslim sa Madinah, subalit kung may bumaligtad man sa mga muslim at sumanib sa mga taga Makkah ay may karapatan ang mga Quraish na tanggapin ito.At ang kasunduan na hindi pinapahintulutan ang mga muslim na magsagawa ng Umrah o pagbisita sa Banal na Ka’bah sa taon na iyon samantalang natatanaw na nila ang Makkah, At kinakailan pang umuwi sila na hindi maisagawa ang Umrah at babalik na lang sa susunod na taon upang isagawa ang umrah…

…Sa mga pangyayaring ito ay ibinigay halimbawa ni Propeta Mohammad (SAKAP) kung ano ang na nararapat sa isang leader o pinuno maging siya man ay pinuno ng grupo, organisasyon o pinuno ng bansa halimbawa…kinakailangan sa isang leader na pahintulotan ang kanyang mga tagasunod na maipahayag ang kanilang side o kanilang pananaw sa hindi nila pag sang-ayon sa kapasyahan ng kanilang leader. At kung mayroon mang magpahayag ng hindi pagsang-ayon sa naging kapasyahan ng leader ay  hindi ito dapat ituring na kasalanan  o kamalian bagkus ito’y dapat ituring na karapatan ng bawat mamamyan na ipihayag nila ang kanilang sintemento sa kanilang leader. At kinakailangang maipahayag nila ang kanilang pananaw na walang anumang nararamdamang pagkatakot na baka parusahan sila dahil sa pagpahayag ng salungat na pananaw, kahit na ito ay salungat pa sa pananaw o kapasyahan ng kanilang leader.

Sa pangyayaring ito, ay binuksan ni Propeta Mohammad (SAKAP) kay Omar (RA) at sa iba pang hindi sumang-ayon sa kasunduan na iyon, binuksan ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa kanila ang pagkakataon na ipahayag ang kanilang pagsalungat at hindi siya nagalit sa kanila. Sa halip ay ipinaliwanag niya sa kanila ang dahilan kung bakit pumayag siya sa kasunduang iyon bagamat ito ay pabor sa mga hindi mananampalataya …At sa bandang huli ay napahinuhod niya ang mga sumasalungat sa kasunduang iyon at nakumbinsi niya sila na iyon ang makakabuti sa mga muslim dahil iyon ang kagustuhan ng Allah (SWT) na mangyari…

Ang pangyayaring ito ay nagbibigay aral din sa atin na kung mayroon man tayong pag-aalinlangan sa mga kapasyahan ng ating Leader o pinuno ay higit na makabubuting linawin natin ito sa mapayapang paraan upang mawala ang pag-aalinlangan sa ating sarili, at sa ganoong kalagayan ay mawawala ang gap o anumang namamagitang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng pinuno at ng kanyang mga taga sunod…

At ang iba pang aral na naidudulot ng mga pangyayaring ito, ay ang pagpapahiwatig ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa prisipyong tinatawag ngayon na « Freedom of Exprission » kalayaan sa pananalita kung saan lahat ng saligang batas ng mga bansa ngayon sa buong mundo ay nagsasaad nito…ang simulain ng prisipyong ito ay itinuro din  ni Propeta Mohammad (SAKAP) mahigit dalawang libong taon na ang nakalilipas…kaya itinuturing itong higit na nauna kaysa pagtatag ng mga saligang batas na umiiral sa mundo ngayon…At dahil sa pagtatag ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa prisipyong ito, naging batas na sa bansang Islam ang pagbibigay ng karapatang magsalita o magpahayag ng kuro-kuro ang bawat mamayan maging ang kanyang pananaw ay salungat sa pananaw ng nanunungkulan… as long as ito ay nasa limitasyon ng pagpapahayag ng kuro-kuro o pananaw…

2. Pangalawang magandang aral na makukuha natin sa mga pangyayaring naganap sa « Sulhhul Hudaybiyaha  o Kasunduang pangkapayapaan sa Hudaybiya» ay nang iutos ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa kanyang mga kasamahan na ahitin na nila ang kanilang mga buhok at katayin na nila ang kanilang mga dala-dalang tupa na alay ng pagsasagawa ng Umrah, at ito ay palatandaan na hindi na sila tutuloy sa pagbisita sa Al-Ka’bah o pagsagawa ng Umrah sa taong iyon alinsunod sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng mga Muslim at mga Paganong Quraish. Subalit ni isaman sa mga kasamahan ni Propeta ay hindi nag-ahit ng kanyang buhok at wala ring nagkatay sa kanila ng tupa.At nang makita ni Propeta Mohammad (SAKAP) na hindi ginawa ng kanyang mga kasamahan ang kanyang utos ay malungkot siyang pumasok sa kanyang kubol. At sa loob ng kubol na iyon ay ang kanyang asawang si Ummu Salamah. Kaya iminungkahi ni Ummu Salamah kay Propeta Mohammad (SAKAP) na ahitin niya ang kanyang buhok at katayin na ang kanyang alay na tupa, dahil kapag gawin niya ito ay tiyak na susunod ang kanyang mga kasamahan. Kaya ginawa nga ni Propeta Mohammad (SAKAP)  ang mungkahi ng kanyang asawa at nang makita ng kanyang mga kasamahan ang ginawa niya ay nag-unahan sila sa pag-aahit ng kanilang mga buhok at pagkatay ng kanilang mga alay…

Ang naidudulot ng pangyayaring ito ay ang pagmungkahi ng asawa ni Propeta Mohammad (SAKAP) na si Propeta ang unang magsagawa sa kaniyang ipinag-uutos  sa kanyang mga kasamahan, dahil kapag makita nilang isinagawa ito ni Propeta ay tiyak na gagawin nila ito….at iyon nga ang nangyari….

Kaya ito ay aral ng relihiyong Islam ng pagbibigay ng malaking karangalan at kahalagahan sa mga kababaihan. At kanais-nais sa isang lalaki na makipag bigayan siya ng kuro-kuro sa kanyang asawa …tulad ng ginawa ni Propeta, kinuha niya o isinagawa niya ang mungkahi ng kanyang asawang si Ummu Salamah (RA) at ito nga ang naging dahila na sumunod ang kanyang mga kasamahan ng walang pag-aalinlangan…..

—Sa kabuuang kahihinatnan ng kasunduan sa Alhudaybiya, ay parang tagumpay para sa mga Quraish ngunit hindi nagtagal, ito ay napatunayang kabaligtaran. Sa unang pagkakataon, nagawa ng mga Muslim na makihalubilo sa mga tribung gusto nila. Binigyan nila ang mga taga-Makkah ng pagkakataon na makilala ng higit na mabuti ang Islam. Ito ay nagsilbi ring paraan para sa mga Muslim upang palawigin ang kanilang pag-anyaya sa Islam sa mga hindi mananampalataya at upang palakasin ang kanilang katayuan.—

Sa bandang huli,napatunayan na ang lahat ng nilalaman ng kasunduang iyon,bagamat ito’y di makatarungan sa panig ng mga Muslim, sa bandang huli, ay naging dahilan ito ng paglaganap ng Islam sa mga kalapit bayan ng Madinah at sa iba pang sulok ng Arabya…Sa panahon ng kasunduan sa Al-hudaybiya sa ika anim na taon ng Hijrah(6 H.) ang dami ng mga sumama noon kay Properta Mohammad (SAKAP) ay 1,400 mga muslim lamang, subalit pagkalipas ng dalawang taon, sa ika 8 taon ng Hijrah (8 H.), sa Fathu Makkah  o pagbukas sa Makkah, umabot ang dami ng mga muslim noon na sumama kay Propeta Mohammad (SAKAP) ng 10 libong mga muslim….at ito nga ay malaking tagumpay na napala ng mga muslim sanhi ng paglagda sa kasunduan sa Al-hudaybiyah bagamat   ang mga nilalaman ng kasunduan iyon ay  hidi makatarungan para sa mga Muslim …

ANG PAGLAGDA SA KASUNDUANG PANGKAPAYAPAAN SA HUDAYBIYA.

        الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته, 47 .

     Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Nandito parin tayo sa patuloy na pagtalakay sa paksa natin tungkol sa mga pangyayaring naganap sa “صلح الحديبية”  o kasunduan sa Hudaibiyah

Natalakay natin sa nakalipas na paksa ang pagpadala ni Propeta Mohammad (SAKAP) ng mga sugo sa mga taga Makkah upang patunayan sa kanila na ang kanyang hangad ay Pag-umrah o pagbisita lamang sa Banal na Ka’bah at hindi upang makipaglaban sa kanila. Subalit  tinangka ng mga Quraish na patayin ang sugong ipinadala ni Propeta Mohammad (SAKAP) at kinatay pa nila ang kanyang sasakyang kamelyo.Ang pangalawa namang sugong ipinadala sa kanila ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay si Uthman Bnu Affaan (RA) subalit ikinulong naman ng mga Quraish ito at nakaraitng kay kay Propeta Mohammad (SAKAP) na pinatay ng mga Quraish si Uthman (RA). At dahil ang pagpatay sa sugo ay isang malaking paglapastangan sa larangan ng pakikipagkasunduan, tinawag ni Propeta Mohammad (SAKAP) ang kanyang mga kasamahan upang magsagawa ng بيعة” ” o pangakong hinding-hindi susuko hanggang kamatayan sa pagtatanggol nila kay Uthman (RA)…at nangako ang lahat ng kanyang mga kasamahan. Kaya tinawag ang kasuduang  ito na ”  بيعة الرضوان ” na ang ibig sabihin ay pangakong nalugdan ni Allah (SWT). Isinagawa ang pagkakasundo na ito sa pagitan ng mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa lilim ng punong kahoy kaya tinawag din itong    “بيعة الشجرة” o kasunduan sa Punong kahoy…

At nang marinig ng mga di mananampalayang Quraish ang kasunduan o pangako na iyon na isinagawa ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa pagitan ng kanyang mga kasamahan ay natakot sila dahil alam nilang kahit na ganoon ang pag-iwas ng mga muslim sa labanan, kung mapilitan silang harapin ito ay walang kaduda-dudang susulong sila ng buong katapangan. At dahil doon pinalaya nila si Uthman (RA) at pinabalik sa mga muslim. Pagkabalik ni Uthman ay ipinadala ng mga Quraish na kanilang kinatawan si Suhaiyl bnu Amr upang makipag-usap kay Propeta Mohammad (SAKAP).

Nagbigay ang mga paganong Quraish ng mga kondisyon  na hindi makatarungan para sa mga muslim at ito ay pabor lamang sa mga Quraish, subalit kahit ganoon ang nilalaman ng kasunduang na iyon na inialok ng mga Quraish ay sinang-ayunan o tinanggap parin ito ni Propeta Mohammad (SAKAP) dahil ang pinakamalaking hangad niya ay ang magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga muslim at ng mga Quraish…

Pagkatapos ng napakahabang pag-uusap, ay nilagdaan ng dalawang panig ang kasunduan. Ang mga takda at mga kondisyon ng kasunduan ay ang mga sumusunod:

1. Una ay kinakailangang bumalik ang mga Muslim sa Madinah at hindi nila itutuloy ang pagsasagawa ng Umrah 0 pagdalaw sa Ka’bah sa taon na iyon.Sa halip ay sa susunod na taon lamang sila pahihintulutang dumalaw sa Ka’bah sa Makkah at mananatili sila doon ng tatlong araw lamang. At hindi sila dapat magdala ng anumang sandata maliban sa espada lamang.

2. Pangalawa, ang lahat ng labanan sa pagitan ng mga muslim at mga Quraish ay ititigil sa loob ng sampung taon, at bawat panig ay mamumuhay na may lubos na kapayapaan at walang sinuman makikipaglaban sa isa’t isa.

3. Pangatlo, Sinuman ang gustong sumapi sa panig ng mga Quraish na bilang kanilang kaalyado ay pinahihintulutan, at sino naman ang sumapi sa panig ng mga muslim bilang kanilang alyado ay pinahihintulutan din.

4.Pang-apat, kailangang pabalikin ng mga Muslim ang sinumang tumakas patungo sa Madinah mula sa Makkah. Ngunit sinuman sa mga tagasunod ni Muhammad ang babalik sa mga Quraish, ay hindi siya pababalikin sa mga muslim.

Pagkatapos maisulat ang kasunduang ito sa pagitan ng mga paganong Quraish at ng mga Muslim ay dumating si Abu Jandal. Si Abu Jandal ay isang muslim na pinahihirapan ng mga taga Makkah upang iwan ang  kanyang relihiyong Islam.Dumating si Abu Jandal na nakapatong ang mga kamay sa kadinang bakal. At sa kanyang pagdating ay sumisigaw siya ng saklulo sa mga kapatid niyang mga muslim at sinasabi niyang pagkakataon na ito para makaiwas ako sa mga hindi mananampalataya ngayong nakatakas ako sa kanilang mga kamay… Subalit dumating ang ama nitong hindi mananampalataya na si Suhail Bnu Amr at sinabing nalagdaan na ang kasuduan sa pagitan natin Mohammad … at ang nasabi lamang ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay totoo ang sinabi mo…kaya kinuha ng mga di ananampalataya si Abu Jandal na sumisigaw ng saklolo at sinasabi niyang “ Mga kapatid kong mga muslim! Pababayaan ba ninyong maibalik ako sa mga di mananampalataya!? ngayong ililihis nila ako mula sa aking relihiyong (Islam)!? Subalit kahit gaano paman kalaki ang pagmamahal ng mga muslim kay Abu Jandal ay wala silang magawa dahil natapos na ang kasundun na Kailangang pabalikin ng mga Muslim ang sinumang tumakas patungo sa Madinah mula sa Makkah at ito ay nalagdaan na. At kinakailangang tuparin nila ang kasunduang ito dahil ipinag-uutos ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-an ang pagtupad sa kasunduan sinabi niyang “ وأوفوا بالعهد إن العهد كان مسؤولا)) الإسراء 34 .         “ِAt inyongTuparin ang inyong kasuduan katotohanan kayo ay tatanungin tungkol sa mga pangako ninyo”. ”… kaya ang naisagot na lamang ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa kay Abu Jandal ay “ Katotohanan na tayong (mga Muslim) ay kapag lumagda tayo ng kasunduan ay hindi natin ito maaring labagin,…at hindi tayo maaring magtraydor laban sa kanila…”

“O Abu Jandal, magtiis ka at magpakatatag, dahil gagawa ang Allah (SWT) para sa iyo at sa mga katulad mo ng kaginhawaan…

Ang pangyayaring ito ay isang malaking pagsubok kay Propeta Mohammad (SAKAP) at sa kanyang mga kasamahan kung gaano katibay ang kanilang pagpapahalaga sa kasunduan…pagsubok sa kanila kung hanggang saan ang kanilang kakayahan sa pagpigil nila sa kanilang mga sarili…kaya nga naiulat na ang nagawa lamang ng ibang mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay lumuha lamang dahil sa awa nila kay Abu Jandal habang hinihila siya ng mga hindi mananampalatayang nagdudurogo ang kanyang mga katawan na nakagapos ang kanyang mga kamay sa kadinang bakal…gusto sana nilang awatin ito, subalit nalagdaan na ang kasunduan na hindi maaring tanggapin ng mga Muslim ang sinumang nanggaling sa Makkah na gustong sumapi sa kanila…

Kaya ang nagawa lamang ni Abu Jandal ay ang magtiis at magtimpi alang-alang sa kanyang relihiyong Islam at sa kanyang pananampalataya sa Allah (SWT) dahil may pangako ang Allah (SWT) sa Banal na Qur-an sa mga taong may takot sa Kanya…sinabi ng Allah (SWT)

“ومن يتق الله يجعل له مخرجا ويرزقه من حيث لا يحتسب”

“Sinuman ang may takot sa Allah ay gagawaan siya ni Allah ng kaginhawaan (mula sa anumang kagipitan) at tutustusan Niya siya sa kanyang mga pangangailangan mula sa mga bagay na hindi niya inaakala. At sinuman ang magtiwala o magpaubaya kay Allh, kung gayon, sapat na Siya (si Allah) para sa kanya.Katotohanang si Allah ay walang pagsalang makapagpapatupad ng Kanyang naisin.Katotohanang (Si Allah) ang naglapat sa lahat ng bagay ng takdang saklaw” Banal na Qura-an (65 :2 – 3) سورة الطلاق

At sa sa bandang huli ay nakalaya narin si Abu Jandal pati ang iba pang mga naiwang mga « Mustad-afin » o mga pinapahirapang mga muslim sa Makkah…Nangyari ang kanilang paglaya na walang panghihimasok si Propeta Mohammad (SAKAP) at ang kanyang mga kasamahan upang hindi nila malabag ang nilagdaang kasunduan sa pagitan nila at ng mga Quraish…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ِANG KASUNDUANG PANGKAPAYAPAAN SA HUDAYBIYA .

        الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته,  46

     Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Mga kababayan naming tagasubay-bay, Suma inyo ang kapayapaan at pagpapala ni Allah at magandang hapon po sa inyong lahat.

Nandito parin tayo sa patuloy na pagtalakay sa talambuhay ni Propeta Mohammad (SAKAP) at tatalakayin naman natin ngayon ang paksa tungkol sa mga pangyayaring naganap sa “صلح الحديبية”  o kasunduan sa Hudaibiyah

Sa ika-anim na taon ng Hijrah(6 A. H.), nakita ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa kanyang panaginip na pumasok siya sa Banal na Ka’bah sa Makkah at nagsagawa ng Umrah  o pagbisita doon.( At  ang panaginip ng isang Propeta ay makatotohanan sa kadahilanang ito ay nanggaling sa Allah (SWT), kaya ng sabihin ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa kanyang mga kasamahan ang kanyang panaginip ay lubusan silang natuwa lalo na ang kanyang mga kasamahang mga Muhajiroon na taga Makkah, dahil sa matagal na nilang hindi nasilayan ang Bayang ng Makkah, ang kanilang lupang sinilangan. Sapagkat magmula ng mapunta sila sa Madinah dahil sa pagpapahirap sa kanila ng kanilang mga kababayang taga Makkah sanhi ng kanilang pagyakap sa pananampalatayang Islalm, magmula noon ay hindi na sila nakabalik sa Makkah dahil kung gawin man nila ito ay tiyak na papatayin sila ng mga taga Makkah o di kaya’y pipilitin silang talikuran ang Islam at bumalik sa pagsamba sa mga diyos-diyusan….

Kaya naghanda si Propeta Mohammad (SAKAP) at ang kanyang mga kasamahan upang magsagawa ng Umrah o pagbisita sa Makkah. At sa mga panahon na ito ay dumami na ang mga taong yumakap sa pananmpalatayang Islam…Si Propeta Mohammad (SAKAP) ay umalis patungong Makkah kasama ang  isang libo at limang daan (1,500) na mga Muslim at kasama na rin ang kanyang asawa na si Ummo Salamah.

Sa kabilang dako, nang marinig ng mga paganong taga Makkah ang balak na pagpunta o pagbisita ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa Makkah pati ang kanyang mga sahabah o mga kasamahan, ay naghanda sila upang salubungin ang mga muslim at salakayin ang mga ito…dahil nabuo na ang kanilang pasya na hinding-hindi nila papayagan si Propeta Mohammad (SAKAP) at ang kanyang mga sahabah na pumasok sa Makkah anuman ang mangyari…

Kaya ng marinig ni Propeta Mohammad (SAKAP) na sumulong ang mga di mananampatayang Quraish upang handlangan sila sa daan papuntang Makkah ay iniba niya ang kanyang daan upang maiwasan ang pagkakaroon ng labanan sa pagitan nila…At tinanong niya ang kanyang mga kasamahan at sinabing .. “ Sino sa inyo ang may alam ng daanang iba sa daanan na kinaroroonan ng mga di mananampaltaya? Sumagot ang isa sa kanila at sinabing ako po o Sugo ni Allah..kaya nanguna ito at dumaan sa pagitan ng mga bangin. Ito’y daanang mahirap tahakin kaya nakaranas ang mga kasamahan ni Propeta ng matinding paghihirap sa pagtahak sa daanang iyon…At ng malampasan nila ang mahirap na mga daanang iyon ay sinabi niya sa kanyang mga kasamahan

“قولوا نستغفر الله ونتوب إليه ”

Sabihin ninyong humihingi kami ng kapatawaran sa Allah at nagbabalik kami sa kanya, kaya sinabi ito ng kanyang mga kasamahan, pagkatapos ay sinabi ni propeta, ito ang ipinasabi sa mga Israelita subalit hindi nila ito sinabi… »

        Tumigil sina Propeta Mohammad (SAKAP) sa Hudaibiyah na malapit lamang sa Makkah. At nagpadala si Propeta Mohammad (SAKAP) sa mga pinuno ng Makkah ng sugo upang ipabatid sa mga Quraish na ang pagdating nila ay hindi upang makipaglaban kundi upang bumisita sa Banal na Ka’bah na itinatag ng kanilang ninunong si Propeta Ismael at Propeta Abraham (AS) .

Nang dumating sina Propeta Mohammad (SAKAP) sa Hudaybiyah, ay dumating sa kanila si بديل بن ورقاء  budail bin warqaa, kasama ang mga kalalakihan sa tribo ng Khuzaa’ah at ipinarating nila kay Propeta Mohammad (SAKAP) na buo ang pasya ng mga hindi mananampalatayang mga Quraish na hadalangan sila sa balak nilang pagbisita sa Banal na Al-ka’bah. Ipinaliwanag ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa kay بديل بن ورقاء budail, na hindi sila dumating upang makipaglaban. Ang hangad lamang nila ay ang pagbisita sa Al-ka’bah at iminungkahi ni Propeta Mohammad sa mga Quraish ang pagkakaroon ng kasunduang pangkapayapaan kung saan ititigil ng dalawang panig ang labanan. Ipinarating ni بديل بن ورقاء budail ang mensahi na iyon ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa mga Quraish at sinabi niyang “ O kayo mga Quraish! Katotohanang dinadalian ninyo ang paghadlang kay Mohammad, samantalang hindi naman siya dumating upang makipaglaban, ang hangad laman niya ay ang pagbisita sa Al-ka’bah…subalit sa halip na makinig ang mga Quraish sa sinabi ni بديل بن ورقاء budail  ay inakusahan pa nila itong kumakampi daw siya kay Mohammad kaya niya nasabi iyon…At sinabi pa nilang kahit ganoon pa man ang pakay ni Mohammad ay hinding-hindi parin nila ito payagang pumasok sa Makkah

 

At dahil sa nagdududa ang mga Quraish sa sinabi ni  بديل بن ورقاءbudail at nangangamba silang si Budail ay  pumapanig kay Propeta Mohammad (SAKAP), dahil doon ipinadala nila ang kanilang pangalawang sugo na si عروة بن مسعود الثقفي  urwah bin masood assaqafie,At nang dumating si ‘urwah ay ipinaliwanag sa kanya ni Propeta Mohammad (SAKAP) na hindi sila dumating sa Makkah upang makipagdigma, subalit ang hangad lamang nilang mag-Umrah sa Banal na Al-ka’bah…

Sa pangatlong pagkakataon, Ipinadala naman ng mga Quraish si الحلس بن العلقمة اللناني  ang pinuno ng mga Ahabish, at nang siya’y makita ni Propeta Mohammad (SAKAP) na parating na, sinabi niya sa kanyang mga kasamahan « Ang taong ito ay kabilang sa mga taong makadios » kaya ipinag-utos niyang …iparada..ang mga kakataying  tupa sa harapan at lakasan ng kanyang mga kasamahan ang kanilang boses sa pagtalbiyah upang mapatunayan ni الحلس بن العلقمةna  kapayapaan ang hangad nila at hindi labanan… At nang makita ni الحلس بن العلقمة ang mga kakataying tupa na ihahandog sa pagsagawa ng Umrah, ay bumalik siya sa mga Quraish at hindi na siya tumuloy kay Propeta Mohammad (SAKAP).Dahil nakita niyang ang mga tupang dala ng mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay nangangayat na dahil sa nauubusan na ang mga ito ng pagkain at tubig, at nakita narin niya ang mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) na nakasout ng damit na Ihram at hindi damit pandigma…at ang kanilang mga ulo at kasuotan  ay nanganaglikabok na dahil tagal ng kanilang pananatiling nakasout ng damit na pang-ihram , na hindi man lang naitutuloy ang pagbisita sa Banal na Ka’bah dahil sa pagharang sa kanila ng mga Quraish. Dahil doon napatunayan ni الحلس بن العلقمة na hindi makatarungan ang ginagawa ng mga Quraish laban kay Propeta Mohammad (SAKAP) at sa kanyang mga kasamahan.At sinisi pa niya ang mga Quraish pagkatapos ay lumisan siya pati ang kanyang mga kasamahan at iniwan nila ang mga Quraish. Ang pangyayaring ito ay isang malaking kawalan sa panig ng mga Quraish dahil ang kanilang alyado o kakamping mga Ahaabish sa pamumuno ni الحلس بن العلقمة  ay lumisan dahil sa nakita nilang hindi makatarungan ang kanilang ginagawa laban kay Propeta Mohammad (SAKAP) at sa kanyang mga sahabah…

At dahil sa mga pangyayaring ito, nagpasya si Propeta Mohammad (SAKAP) na kinakailangang magpadala narin siya ng kanyang sugo sa mga Quraish upang ipaliwanag sa kanila ang kanyang magandang balak na pangkapayapaan. At ang unang sugong ipinadala niya sa mga taga Makkah ay si  خراش بن أمية الخزاعي at pinasakay niya ito sa kamelyong tinatawag na الثعلب. Subalit nang duamating ang sugo na iyon ni Propeta Mohammad sa Makkah ay kinatay ng mga Quraish ang kanyang kamelyo at tinangka pa nilang patayin ito, subalit hinarang sila ng mga Ahabish kaya hindi nila ito napatay. Dahil doon bumalik si خراش بن أمية sa kay Propeta Mohammad (SAKAP) at ibinalita ang ginawa sa kanya ng mga Quraish.Subalit kahit ganoon pa man ang ginawa ng mga Quraish sa kayang unang sugo ay hindi parin siya nawalan ng pag-asang magpadala ng pangalawang sugo upang ipaliwanag sa mga Quraish na ayaw niyang magkaroon ng labanan sa pagitan nila, at ang tanging hangad lamang niya ay payagan silang magsagawa ng Umrah sa Banal na Ka’bah. Sa pagkakaton na ito ay si Uthman Bnu Affaan naman (RA) ang ipinadalang sugo ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa mga taga Makkah…

At habang nasa Makkah si Uthman ay ikinulong siya ng mga Quraish at dumating kay Propeta Mohammad (SAKAP) ang balitang pinatay ng mga Quraish si Uthman (RA)…

abangan na lang sa susunod kung ano ang gagawin ni Propeta Mohammad (SAKAP) at ang kanyang mga kasamahan ngayon napabalita na pinatay ng Quraish si Uthman (RA)…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ANG TULONG NI ALLAH KAY PROPETA MUHAMMAD(SAKAP) AT SA KANYANG MGA KASAMAHAN.

 

        الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته, 45

     Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Natalakay natin sa nakalipas na paksa ang pagsangguni ni Propeta Mohammad SAKAP sa kanyang mga kasamahan sa mungkahing pagbigay sa hukbong taga Gatafan ng isa katlo sa bunga ng mga pananim ng mga taga Madinah kapalit ng paglisan ng mga hukbong ito sa Madinah …

Sa pangyayaring ito ay ipinakita ng mga “Sahabah” o mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) ang halimbawa ng pagsunod sa kautusan , ang kanilang isinagot kay Propeta ay kung ito man ay kautusan galing sa Allah (SAW) ay handa nila itong gawin ng bukal sa kanilang kalooban. At ganoon din kung ito man ay sariling kagustuhan ni Propeta Mohammad (SAKAP) handa narin silang tanggapin ito ng bukal sa puso. (Subalit kung ito ay mungkahi lamang ni Propeta, kung saan maari silang sumang-ayon o hindi, sa ganoong kalagayan ay ipapahayag nila ang kanilang hindi pagsang-ayon sa mungkahing iyon…)

At itoy alinsunod sa sinabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-an

“وماكان لمؤمن ولا مؤمنة إذا قضى الله ورسوله أمرا أن يكون لهم الخيرة من أمرهم”

Ibig sabihin nito ay… “ Hindi marapat sa isang nanampalatayang lalaki o isang nanampalatayang babae, na kung ang isang bagay ay napagpasyahan na ni Allah (SWT) at ang kanyang sugo, na magkaroon pa sila (pagkaraan nito) ng anumang pamimlian tungkol sa kanilang pasya…”

Sa kabilang dako naman, ibinigay ni Propeta Mohammad (SAKAPA) ang mabuting halimbawa ng isang pinuno, kung saan hindi niya ipinilit sa kanyang mga kasamahan kung ano ang kaniyang mungkahi o kuro-kuro…sa halip ay tinanggap niya anuman ang naging pasya ng kanyang mga kasamaha pagkatapos niyang sumangguni sa kanila kung ano ang kanilang pananaw sa kanyang mungkahi…

Kailan man ay hindi siya naging diktador, bagkus palagi niyang ipinapakita ang magandang halimbawa ng pamumuno, tulad ng pagsangguni niya sa kanyang mga kasamahan at pagbibigay niya ng pagkakataon sa kanila na pumili kung ano ang kanilang nakikitang makabubuti sa kanila. At ito ay bilang pagsasakatuparan narin sa katuruan ni Allah (SWT) sa banal na Qur an na dapat gawin ng pinuno.…[Sinabi ni Allah (SWT)

”  وشاورهم في الأمر “

“At ]

Sa mga panahon ng pagkubkob sa Madinah, Si Propeta Mohammad (SAKAP) ay  sumusumamong nananalangin sa Allah (SWT) na maligtas sila mula sa anumang masamang hangad ng mga di mananampaltayang nakapalibot sa kanila.  at pinagbigyan ni Allah ang panalangin na ito. Kaya ang pagkakaisa ng hukbo ng mga di mananampalataya ay nagkaroon ng di­pagtitiwala sa isa’t isa.

Pangalawang tulong na ibinigay ni Allah sa kanyang sugong si Propeta Mohammad (SAKAP) at sa mga muslim ay nagpadala siya ng mga anghel at malakas na hangin laban sa mga di mananampalataya, noong ika-27 na araw ng pagkubkob, ay nagpadala si Allah (SWT) sa mga di mananampalataya ng nakakasindak na buhawi o malakas na hangin na bumuwal sa kanilang mga kubo. At ang mga tolda ng mga di mananampalataya ay tinangay ng hangin pati na ang lahat ng mga panustos nila ay nasira.

Pangatlong tulong sa mga muslim ay inilagay ni Allah sa puso ng mga di mananampalataya ang tindi ng pagkatakot at halos hindi na nila makayanan pang manatiling nakapalibot sa Madinah ng kahit na saglit man lang…At Dahil sa nalipos sila ng takot.

sila ay dali-daling nagsibalik sa kani-kanilang mga lugar na bigo sa kanilang masamang balak.

Samantala matindi naman ang kagalakan ng mga Muslim dahil ang pagkubkob ay natapos ng walang malaking labanan na naganap.

…Ito ang pinakamalinaw na digmaan sa maagang kasaysayan ng Islam at napatunayan na walang kapangyarihan kahit gaano kalakas ang makakahadlang  sa paglaganap ng Islam.

Ang pangyayaring ito ay isa naring himala na ibinigay ni Allah sa kanyang mga lingkod na mga nananampalataya, sapagkat hindi nadamay ang mga muslim sa pagwasak ng buhawi o malakas na hangin na iyon sa mga  kubol  ng mga di mananampaltaya, bagama’t malapit lamang ang pagitan ng mga muslim at ng mga di mananampalataya ..

Sa mga pangyayaring ito, ay nakita ng mga mananampalataya kung gaano kalakas ang sandatang panalangin sa Allah (SWT). Sa pamamagitan ng tulong ni Allah, ay natalo nila ang napakaraming hukbo ng mga di mananampalataya samantalang walang nangyaring malaking labanan…Umalis ang mga di mananampalataya na nasisindak ang kanilang kalooban bagama’t hindi pa nila nakasagupa ang mga muslim…Kaya itinuturing itong isang malaking tulong ni Allah (SWT) sa kanyang mga lingkod na nananampalataya sa Kanya…

 

Isinalaylay ni Allah (SWT) sa Banal na Qur-an ang pangyayaring ito, Sinabi niya…

 

 

” يأيها الذين آمنوا اذكروا نعمة الله عليكم إذجاءتكم جنود فأرسلنا عليهم ريحا وجنودا لم تروها وكان الله بما تعملون بصيرا، إذجاءوكم من فوقكم ومن أسفل منكم وإذزاغت الأبصار وبلغت القلوب الحناجر وتظنون بالله الظنونا، هنالك ابتلي المؤمنون وزلزلوا زلزالا شديدا.” الأحزاب 9-11 .

“O kayong nagsisisampalataya! Alalahanin ninyo ang kagandahang-loob ( tulong) ni Allah sa inyo ( sa digmaan sa Bambang), nang may dumatal sa inyo na maraming mandirigma (mga tropa) [n makakapanig sa inyo], datapwa’t ipinadala Namin laban sa kanila ang daluyong o buhawi at mga tropa ( ng anghel) na hindi ninyo nakikita. At si Allah ang Ganap na Nakamamasid sa lahat ninong ginagawa.

Nang sila ay dumating sa inyo mula sa itaas (sa bandang silangan), at mula sa ibaba niyo ( sa bandang kanlura), at nang ang ninyong mga mata ay lumaki na namumulagat ( dahil sa takot) at ang puso ay naghikab sa lalamunan, at (dahil dito) kayo ay nag-iisip ng may pag-aalinlangan kay Allah.

Sa gayong kalagayan, ang mga mananampalataya ay sinubukan at nauga ng matinding pagkalog.” Al-ahzab 9-11.

 

“ At itinaboy ni Allah ang mga hindi sumasampalataya, ( (na nag-aapoy) sa galit ang kanilang loob dahil wala silang napalang kapakinabangan (sa digmaan na iyon)’ at sapat na si Allah (bilang tagapagtanggol) ng mga sumasampalataya upang makipaglaban (sa pamamagitan ng pagsusugo ng daluyong o buhawi at pulutong ng anghel). At si Allah ay Tigib ng Lakas , ang Sukdol sa Kapangyarihan.”….

At nang dumating sa hukbo ng mga di mananampalataya ang malakas na hangin na iyon, ay inutusan ni Propeta Mohammad (SAKAP) ang isa sa kanyang kasamahan na pumunta sa kampo ng mga di mananampalataya upang alamin ang kanilang kalagayan.

Isinalaysay ni Huzayfah Bnul Yamana…Nang siya’y utusan ni Propeta Mohammad upang alamin ang kalagayan ng mga di manananmpalataya, ay gabi noon at panahon ng napakatinding taglamig …Subalit sabi ni Huzayfa, nang nakalabas na ako papunta sa kampo ng mga di mananpalataya ay wala akong nararamdamang lamig, hanggang sa dumating ako sa kampo ng mga di mananampalatay at nakita ko ang pinuno ng hukbo na si Abu Sufyan na kanyang pinaiinitan ang kanyang likuran sa pamamagitan ng isang apoy…kaya agad-agad kung kinuha ang aking pana upang patayin siya, subalit naalaala ko ang sinabi ni Propeta na huwag ko daw takutin ang mga di mananampalataya…at ng maalaala ko ito ay ibinalik ko ang aking pana sa lalagyan nito…(At sa gabing ito nagsialisan ang mga di mananampalataya na takot na takot dahil sa lakas ng hangin) pagkatapos noon ay bumalik ako na wala parin akong nararamdamang anumang lamig. At dumating ako kay propeta Mohammad (SAKAP) ay saka ko palang naka dama ng lamig, at ikinuwento ko sa kanya ang kalagayan ng mga di mananampalataya…At nang makita niyang giniginaw ako ay ipinasuot niya sa akin ang kanyang damit sa tag lamig at natulog ako. At hanggang sa dumating ang dasal na “Subh” o dasal sa madaling araw ay tulog parin ako. Kaya pinutahan ako ni Propeta Mohammad (SAKAP) at ginising ako at pabiro niyang sinabing “قم يا نومان” bumangon kana ikaw na matulugin…

ISA SA MGA HIMALA NI PROPETA MUHAMMAD(SAKAP).

      الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته, 44

     Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Mga kababayan naming tagapakinig, Suma inyo ang kapayapaan at pagpapala ni Allah at magandang hapon po sa inyong lahat.

[pagpapatuloy natin ang pagsasalay-say sa mga pangyayaring naganap sa  غزوة الخندق  o “Digmaan sa Bambang”]

Natunghayan natin sa nakalipas na paksa

ang pagpunta ng kinatawan ng mga Hudyo sa lahat ng dako ng Arabya upang pag-isahin ang lahat ng mga bansa laban sa Islam. Sa masidhing pagsisikap, nahikayat ng mga Hudyo ang lahat ng malalaking pangkat at mga tribo na magkaisa laban sa Islam. At sa pamamagitan nito ay nabuo ang aliyansa ng mga di mananampalataya na binubuo ng sampung libong (10,000) mga mandirgma. Sumulong ang mga ito upang salakayin ang Madinah. Subalit hindi sila nakapasok sa loob ng Madinah dahil naharangan sila ng bambang na hinukay ng mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) bilang depensa laban sa mga sasalakay sa Madinah. At dahil hindi nakapasok ang hukbo ng mga di mananampalataya sa loob ay ipinasya nilang palibutan o kubkobin ang Madinah…

 

Habang tumatagal ang pagkubkob ng mga di mananampalataya sa Madinah ay lalong tumitindi ang gutom at paghihirap na nararanasan ng mga muslim pati si Propeta Mohammad (SAKAP) Kaya nang mapansin ni Jabir Bin Abdullah, isa siya sa mga kasamahan ni Propeta, nang mapansin niya na si Propeta Mohammad (SAKAP) ay tatlong araw nang hindi nakakain, at napansin niyang sa tindi ng gutom ay nilalagyan na lamang ni Propeta Mohammad ang kanyang tiyan ng bato at tinatalian ito…[dahil doon   ay agad pumunta si Jabir sa kanyang bahay  upang tingnan kung ano ang kanyang maipapakain kay Propeta  ] Isinalaysay ni Jabir “ (Sa panahon na pagkubkob sa Madinah, habang hinuhukay ang bambang,) Nagpaalam ako kay Propeta at sinabi kong “ Ipagpaumanhin po ninyong pumunta muna ako sa aming bahay, at nang makarating ako sa bahay) sinabi ko sa aking asawa “ katotohanang nakita ko sa kay Propeta Mohammad (SAKAP) ang isang bagay na mahirap tiisin ( ang tinutukoy ni Jabir ay ang tindi ng pagkagutom ni Propeta Mohammad (SAKAP), kaya tinanong niya ang kanyang asawa at sinabing “ ano ba ang mayroon ka na maari nating maihandog? Sumagot ang kanyang asawa “ Ang mayroon lang dito ay butilyo ng trigo at anak na babaing kambing. Kaya kinatay ko ang maliit na kambing (sabi ni Jabir ) at niluto ko ito sa kaldero. At nang malapit na itong maluto ay pinuntahan ko ang Propeta at Sinabi ko “ O Sugo ni Allah, mayroon akong kaunting pagkain, kaya inaanyayahan ko po kayo at magpasama po kayo ng isa o dalawang kalalakihan ( dahil ang pagkain na iyon ay magkakasya lamang sa ilan katao) Tinanong ako ni Propeta gaano karami iyon? Sinabi ko sa kanya kung gaano karami ng niluto ko ( at ito’y isang maliit na batang kambing lamang) at ang isinagot ni Propeta ay “ marami na iyon”, at sinabi pang “ Sabihin mo sa asawa mong huwag na niyang alisin ang kaldero sa pinaglutan nito at huwag nang alisin ang tinapay sa pugon hanggang darating ako. Pagkatapos ay sinabi niya sa lahat ng kanyang mga kasamah “Humayo kayo at sumama sa akin”, kaya sumama sa kanya ang mga muhajiroon( ang lahat ng mga muslim na galing sa Makkah) at ganoon din ang mga Ansar (ang lahat ng mga muslim na taga Madinah). Kaya nang makarating ako sa bahay sabi ni Jabir, ay sinabi ko sa aking asawa “ Isinama ni Propeta ang mga Muhajiroon at ang mga Ansar at ang mga kasamahan pa nila(nangangamba noon si Jabir na hindi magkasya ang kanyang niluto dahil kaunti lamang ito samantalang mahigit isang libo ang darating na kakain doon)…At nang dumating si Propeta ay pinatuloy niya ang lahat ng mga tao. At ang ginawa ni Propeta ay siya mismo ang namahagi sa iilang tinapay na iyon at kauting karne ng kambing hanggang sa dumami ito ng dumami…at nagkasya sa mahigit isang libo katao hanggang sa nabusog silang lahat at may natira pang pagkain…pagkatapos ay sinabi niya sa asawa ni Jabir na ipamigay sa mga tao ang mga natitira pa dahil panahon noon ng taggutom …    Ang pangyayaring ito ay kabilang sa mga himala na ibinigay ng Allah (SWT) kay propeta Mohammad (SAKAP) bilang tulong sa mga taong sumasampalataya sa Allah (SWT) sa panahon ng kanilang pagkagutom at paghihirap at bilang  patunay narin na si Mohammad (SAKAP)ay tunay na sugo ng Allah (SWT) na binibigyan ng ganitong uri ng himala…

At bilang paghahambing sa mga himalang ibinigay kay Propeta Mohammad (SAKAP) at sa mga himalang ibinigay ni Allah (SWT) kay Iesa Bnu Maryam (AS) o Hesus na anak ni Maria (SAKAP), ayon sa Bagong Tipang ng Biblia ay nangyari din sa panahon ni Iesa (AS) o Hesus (SAKAP) ang pagpaparami ng ilang pirasong tipay at isda hanggang sa nakakain ang maraming tao, at may natira parin sa ilang pirasong tipay at isda na iyon…At iyon himala na ibinigay ni Allah (SWT) kay HesuKristo bilang patunay na siya ay tunay na sugo ni Allah (SWT)…

———————————–

Sa kabilang dako naman, nang makita ni Propeta ang paghihirap ng kanyang mga kasamahan dahil sa pagpalibot sa kanila ng hukbo at pakakaisa ng mga di mananampalataya laban sa kanila, ay naisipan niyang kausapin ang mga pinuno ng mga taga Gatafaan (Ang Gatafaan ay isa sa malaking pangkat ng mga di mananampalataya na kabilang sa pumalibot sa Madinah), Kaya  inihandog ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa mga pinuno ng taga Gatafaan na kung umalis sila at iwan ang Madinah ng mapayapa ay bibigyan sila ng mga taga Madinah ng 1/3 o isa katlo sa bunga ng kanilang mga pananim sa loob ng isang taon. Subalit bago niya isakatuparan ang mungkahing ito ay sumangguni muna siya sa kangyang mga kasamahang taga Madinah kung ano ang masasabi nila sa mungkahi niyang ito . At nang kausapin ni Propeta Mohammad (SAKAP) ang mga taga Madinah kung ano ang masasabi nila ay sumagot [ang pinuno ng mga taga Madinah na] sina Saad Bin Muaz at Saad Bin Ubadah, at sinabi nilang “ O sugo ni Allah, ito ba’y kagustuhan mo? Dahil kung sarili mo itong kagustuhan  ay gagawin namin para sa iyo. O di kaya’y ito ba’y kagustuhan ni Allah, at kung kagustuhan ni Allah ay wala kaming magagawa kundi sundin namin ang kautusan na ito. O ito ba’y ginagawa mo para sa amin lamang? Sumagot si Propeta at sinabing “ Ito ay ginagawa ko para sa inyo lamang ( ibig sabihin ay hindi ito kautusan na nagmula sa Allah (SWT) at hindi rin ito sariling kagustuhan ni Propeta Mohammad (SAKAP) subalit iminungkahi niya ito para sa kapakanan ng kanyang mga kasamahan upang matigil na ang pagkubkob ng mga di mananampaltaya sa Madinah.) at sinabi pa ni Propeta “ Katotohanang iminungkahi ko ito para sa inyo dahil sa nakita kong pinag-kaisahan kayo ng lahat ng mga arabo at pinalibutan kayo sa lahat ng dako, kaya gusto ko sana para sa inyong kapakanan na matigil ang kanilang pagkakaisa laban sa inyo… At nang malaman nina Saad Bin Muaz at Saad Bin Ubadah na ito pala’y hindi kautusang nanggaling sa Allah at hindi rin kautusan ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay sinabi nilang “ O sugo ni Allah, katotohanang noong kami at ang mga (di mananampalatayang) iyan ay pare-pareho noon na mga paganong sumamasamba ng mga diyos-diyusan at hindi pa namin noon  nakikilala ang Allah (SWT) at hindi namin siya sinasamba, ngunit kahit ganoon pa mang (wala kaming pananapalataya sa Diyos) ay hindi nakakakuha (ang mga taga Gatafan na iyan )ng kahit na isang butilyo sa bunga ng aming mga pananim ng (sapilitan o labag sa aming kalooban) maliban sa mga inihahandog namin sa mga panauhin o sa pamamagitang ng bilihan. Kaya ngayon, pagkatapos na parangalan kami ni Allah (SWT) sa kanyang relihyong Islam at pinatnubayan kami at iginalang kami sa Islam at sa iyo, pagkatapos nito ay ngayon pa namin sila bibigyan ng aming mga pananim (ng sapilitan o labag sa aming kalooban)!? hindi namin kinakailangan ang kanilang paglisan ( kung nais man nilang manatiling nakapalibot sa Madinah) Sumpa man sa Allah, hindi namin sila bibigyan ( sa bunga ng aming pananim ng sapilitan o labag sa aming kalooban) maliban sa dulo ng espada hanggang sa dumating ang hatol ng Allah (SWT) sa pagitan namin.

At dahil doon ay sumang ayon si Propeta Mohammad (SAKAP) sa sinabi ng kanyang mga kasamahang taga Madinah…at itinigil niya ang mungkahing pagbigay ng 1/3 o isakatlo sa bunga ng mga pananim ng mga taga Madina kapalit ng paglisan ng hukbo ng mga taga Gatafaan na sumalakay sa Madinah..[dahil ginagawa nga niya ito para sa kapakanan ng kanyang mga kasamahan, subalit kung ayaw nilang magbigay sa mga di mananampalataya ng bahagi ng kanilang ani ay   sila ang masusunod…]

ANG PAGHIKAYAT NG MGA HODYO SA IBAT-IBANG TRIBO NA PUMANIG SAKANILA LABAN SA ISLAM.

        الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته, 43

     Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Mga kababayan naming tagapakinig, Suma inyo ang kapayapaan at pagpapala ni Allah at magandang hapon po sa inyong lahat.

Nandito parin tayo sa patuloy na pagtalakay sa talambuhay ni Propeta Mohammad (SAKAP)…

Natunghayan natin sa nakalipas na paksa ang pagpaalis sa mga Hudyong naninirahan sa Madinah dahil sa kanilang pagtraydor  sa mga muslim at paglabag nila sa kasunduan.

At ang mga Hudyong iyon ay napunta sa ibat ibang lugar, ang iba sa kanila ay napunta sa Khaybar…

At nang makarating ang iba sa kanila sa Khaybar ay hinidi parin sila tumigil sa pagsagawa ng paraan upang maipahamak si Propeta Mohammad (SAKAP) at ang mga muslim…

Mula sa Khaibar, ang mga kinatawan ng mga Hudyo ay pumunta sa lahat ng dako ng Arabya upang pag-isahin ang lahat ng mga tribo laban sa Islam. Sa masidhing pagsisikap, nahikayat ng mga Hudyo ang lahat ng malalaking pangkat at mga tribo na pumanig sa kanila laban sa Islam. At upang mahikayat nila ang mga paganong Quraish, sila ay nakiayon na rin sa pagsamba sa mga diyus-diyosan.,[.]

 

Sa paghihikayat ng mga Hudyo ay  nabuo ang aliyansa ng mga di mananampalataya na binubuo ng sampung libong (10,000) mga mandirgma, anim na libo mula sa mga paganong taga Gatafaan at apat na libo naman mula sa mga paganong  Quraish. Sa ikalimang taon ng Hijrah, ang mga mandirigmang iyon ay nagsimulang sumulong ng palihim papuntang Madinah. Balak nila na gulatin ang mga Muslim subalit ang  kanilang pagkilos ay hindi nanatiling lihim. Ang bali-balita na naghahanda ang mga di mananampalataya kasama ang mga hudyo ay dumating sa Madinah. Kaya napilitan na naman ang mga Muslim na ihanda ang kanilang mga sarili upang harapin ang pinakamalaking hukbo na sasalakay sa kanila.

Nang malaman ni Propeta Mohammad (SAKAP) ang masamang balak ng mga hukbong iyon ay sumangguni siya sa kanyang mga kasamahan kung ano ang dapat nilang gawin. Isa sa mga Sahabah o kasamahan na si Salman AI-Parisi (RA) ay nagmungkahi sa paghukay ng malalim na bambang sa mga bukas na gilid ng Madinah na walang mga bundok upang mahadlahangan ang mga kabayong sasakyan ng mga mandirigmang sasalakay sa Madinah. Ang lahat ay sumang-ayon sa mungkahing iyon. At lahat ng mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) nagtrabaho. Kasali pati si Propeta Mohammad (SAKAP) sa paghukay ng bambang na iyon. Hanggang sa ang bambang na ito ay natapos at nagsilbi itong pananggalang sa hukbo ng mga Muslim.

Sa panahon ng kanilang paghukay, nangyari ang isang himala sa pamamagitan ng propesya ni Propeta Mohammad (SAKAP. Nangyari ito habang ang kanyang mga kasamahan ay naghuhukay,  ay nahukay nila ang isang dambuhalang napakatigas na bato at hindi nila ito nabibiyak anuman ang gawin nila…Kaya ipinaalam nila kay propeta Mohammad (SAKAP) ang tungkol sa batong iyon. Nang dumating si Propeta Mohammad (SAKAP) ay biniyak niya ito sa pamamagitan ng piko o palakol at lumabas doon ang nakakasilaw na liwanag kaya nagtakbir si Propeta Mohammad (SAKAP) at sinabi niyang « Allaho Akbar (Ang Allah ang Pinakadakila, Futiha Qaysar.Wallahi Inniy La araa Qosural Humr » ibig sabihin nito ay nakita ni Propeta Mohammad sa ningning ng liwanag na iyon ang mga palasyo ni Cesar ang hari ng Empiryong Romano. At nangangahulugan ito na mabubuksan ang mga lugar na nasasakupan ng Empiryong Romano at darating doon ang pananampalatayang Islam.

Pagkatapos noon ay biniyak naman ni Propeta Mohammad (SAKAP) ng pangalawang beses ang dambuhalang batong iyon at lumabas naman doon ang nakakasilaw na liwanag at nagtakbir naman si Propeta Mohammad (SAKAP) at sinabing “Allaho Akbar  Futiha Kisraa, Wallahi Iniy La araal Qosural Bied. » ibig sabihin nito ay “Ang Allah ang Pinakadakila, at nakita ni Propeta Mohammad sa ningning ng liwanag na iyon ang mga palasyo ni Empirador Kisraa ang hari ng Empiryo ng Persiya. At nangangahulugan ito na mabubuksan ang mga lugar na nasasakupan ng Empiryong Persiya at darating doon ang pananampalatayang Islam.

At sa ikatlong pagkakataon na pagbiniyak ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa dambulang batong iyon ay lumabas naman doon ang nakakasilaw na liwanag at nagtakbir si Propeta Mohammad (SAKAP) at sinabing “Allaho Akbar Futihal Yaman, Wallahi Iniy La araa Baaba San-‘aa. » ibig sabihin nito ay “Ang Allah ang Pinakadakila, nakita ni Propeta Mohammad sa ningning ng liwanag na iyon ang mga palasyo sa Yemen. At nangangahulugan ito na mabubuksan ang mga lugar na nasasakupan ng kaharin ng Yemen at darating doon ang pananampalatayang Islam.

At ang lahat ng mga propesya na ito ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay nagkatotoo nga tulad ng kaniyang sinabi. Hindi umabot ng ilang siglo pagkalipas ng pangyayaring ito, ay umabot ang Islam sa lahat ng lugar na binanggit ni Propeta Mohammad (SAKAP)…Ang mga bansa na noon ay nasasakopan ng Empiryong Romano tulad ng Egypto, Syria, Palistine atbapa ay yumakap sa pananampalatayang Islam. Ganoon din ang mga lugar na nasasakopan noon ng Empiryong Persiya ; tulad ng Iran, Iraq, atbapa ay pumasok narin sa pananampalatayang Islam. Ganoon din ang nangyari sa kaharian ng Yemen kung saan nabuksan din ito sa pananampalatayang Islam sa bandang huli…

Iyon ang isa sa mga ibinigay na propesya ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa mga panahon na iyon na ang mga muslim ay nasa tagilid na kalagayan. Kaya kung iisipin lang sa mga panahon na iyon, ay paano mangyayaring mananalo ang mga mulim sa mga panahon na iyon at darating pa ang kanilang mesyon hanggang sa mga lugar na nasasakopan ng dalawang pinakamalakas na mga empiryo sa mga panahon na iyon?! Subalit ang totoo’y hindi nga nanggaling kay Propeta Mohammad (SAKAP) ang kaalaman na iyon, kundi galing sa Diyos na lumikha ng lahat na Siyang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa darating na mga panahon…

Samantala, kasabay ng pag-utos ni propeta Mohammad (SAKAP)      sa paghukay ng bambang na iyon, ay ipinag-utos niyang ikubli ang mga bata at mga babae sa kuta ni Bani Haris upang hindi sila madamay sa anumang kalalabasan ng pagsalakay na iyon ng hukbo ng mga di mananampalataya…

Sa ibang dako naman, ang mga puwersang alyado ng mga di mananampalatay ay tinitiyak nila sa kanilang mga sarili ang madaliang pagkatalo ng mga muslim dahil sa dami ng kanilang bilang at lakas ng kanilang mga sandata. At nakarating sa Madinah sa pamumuno ni Abu Sufyan. Subalit ang laking gulat nila ng matagpuan nila ang bambang na hinukay ng mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP). At hindi sila nakarating sa loob mismo ng Madinah dahil sa bambang na nakaharang sa kanilang daan. Dahil doon ipinasya nilang palibutan at kubkubin ang Madinah .

Habang tumatagal ang pagkubkob ng mga di mananampalataya sa Madinah ay lalong tumintindi ang gutom ng mga muslim…Pati si Propeta Mohammad (SAKAP) ay nakadanas ng matinding pagkagutom sa mga panahon na iyon. Nangyaring tatlong araw ay wala siyang nakain pati ang kanyang mga kasamahan. At dahil sa tindi nang pagkagutom ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay nilalagyan na lamang niya ng bato ang kanyang tiyan at tinatalian niya ito upang mabawasan man lang ang tindi ng gutom na kanyang nararamdaman…

Bagamat nauubusan ng pagkain ang mga Muslim sa loob ng Madinah at sila’y naghihirap sa tindi ng gutom ay lalo pa rin lumalakas ang kanilang pananampalataya at pagtitiis  sa anumang paghihirap na kanilang nararanasan, sapagkat ang kanilang mga puso ay puno ng pagtitiwala kay Allah (SWT) sa tulong na kanyang igagawad sa mga taong sumasampalataya sa kanya na nagtitiis sa anumang mga pagsubok…Sinabi ni Allah sa Banal na Qur-an “ إن الله مع الصابرين  “ Katotohanang kasama ni Allah ang mga taong matiisin at mapagtimpi”

 

ANG PAGTRAYDOR NG MGA HUDYO KAY PROPETA MUHAMMAD (SAKAP).

        الحمد لله رب العالمين ,والصلاة والسلام على المبعوث رحمة للعالمين,سيدنا محمد وعلى آله وصحبه ومن اتبع هداه إلى يوم الدين. أما بعد …فالسلام عليكم ورحمة الله تعالى وبركاته, 42

     Purihin natin ang Allah, Ang Panginoon ng lahat ng nilalang. nawa’y ang pagpapala at kapayapaan ay  mapasa kay Propeta Muhammad,  sa kanyang  angkan , sa kanyang mga kasamahan, at sa lahat ng taong tumatahak sa tuwid na landas hanggang sa araw ng paghuhukom…

Mga kababayan naming tagapakinig, Suma inyo ang kapayapaan at pagpapala ni Allah .

Natalakay natin sa nakalipas na paksa ang naidulot ng pangyayaring pagpatay sa dalawang grupo ng mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) na ipinadala niya upang mag-anyaya sa mga tao tungo sa pagkilala at pagsamba sa Tunay na Diyos na si Allah…at isa nga sa mga naidulot ng pangyayaring ito ay ang pagpasok sa pananampalatayang Islam ng mga taong dating kumakalaban sa relihiyong islam …at kabilang sa mga yumakap sa pananampalatayang Islam ay ang mga taong kasama noon sa mga pumatay sa pitumpong mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) na pumunta sa Najd upang anyayahan ang mga tao sa pagsamba sa Tunay na Diyos na si Allah….

 

Isa paring magandang halimbawa ang ipinakita ni Propeta Mohammad (SAKAP) hinggil sa pangyayaring ito ay ang pagsasakatuparan sa katuruan ng Islam na “Hindi dapat parusahan ang sinuman sa kasalanang ginawa ng kanyang kapatid, kamag-anak o katribo…

… Isa sa 70 sugo noon ni Propeta Mohammad (SAKAP) ang nakaligtas mula sa kamay ng mga pumatay sa lahat ng kanyang kasamahan…at nang siya’y pauwi na papunta sa Madinah, mayroon siyang nakatagpong dalawang lalaki na kabilang sa tribong nag traydor sa kanila na pumatay sa kanyang mga kasamahan… at dahil nga ang dalawang ito ay kaanib sa tribong nagtraydor sa kanila, pinatay niya ang dalawang ito bilang paghihiganti  sa di makatarungang pagpatay sa kanyang mga kasamahan…Subalit nang malaman ni Propeta Mohammad(SAKAP) ang pangyayaring ito.. ay ipinag-utos  niya na magbayad ng Diyah o « blood Money »  sa pamilya ng dalawang napatay ng kanyang sahaba o kasamahan…dahil ang dalawang iyon ay hindi dapat parushan sa kasamaang nagawa ng kanilang mga katribo, at ang dalawang iyon ay may dalang kasunduan mula kay Propeta Mohammad (SAKAP)…

At sa pangyayaring ito ay ibinigay aral ni  Propeta Mohammad (SAKAP) sa kanyang mga taga sunod na hindi dapat maghiganti sa sinumang mga kamag-anakan o kalipi ng mga gumawa sa atin ng kasamaan[ (dahil sa kasalanang ginawa ng kanilang kalipi o kamag-anak)…Kaya hindi itinuring ni Propeta Mohammad (SAKAP) na tama ang nagawa na iyon ng isa sa kanyang kasamahan, sa halip ay itinuring niya itong isang pagkakamali, at dahil doon lumikom o umipon si Propeta Mohammad ng mga salaping pambayad bilang Diya o blood Money sa pamilya ng dalawang napatay ng kanyang sahabah o kasamahan.

Sa kabilang dako naman, pagkatapos ng dalawang halos magkasabay na pagtraydor ng mga tribong arabo sa mga kasamahan ni Propeta Mohammad (SAKAP) sa Al-rajee at sa Bi’r Maunah ay nagkaroon narin ng lakas ng loob na magtraydor ang mga hudyo na naninirahan sa Madinah laban  sa mga muslim …

Sa Madinah ay may nakatirang tatlong tribo ng mga Hudyo. Sila ay ang Banu Qainukah, Banu Nadir at Banu Quraidhah. Ang mga Hudyong naninirahan sa Madinah ay mga mayayaman at mga makapangyarihan. Sila ay nasusuklam  sa patuloy na paglaganap ng Islam. Kaya gumawa sila ng mga plano upang sirain ito.

Sa kabila ng bukas-palad na pakikitungo ni Propeta Muhammad (SAKAP) sa kanila ay hindi nila ito pinasalamatan o binigyan pansin man lang.  Sa halip ay maraming beses silang nagbalak na ipahamak si Propeta Mohammad (SAKAP) at ang mga Muslim.

Magmula noong maitatag ang pamahalaang Islamiko sa Madinah sa pamumuno ni Propeta Mohammad (SAKAP) ay nagkaroon ng kasunduan ang mga Muslim at mga hudyo na magtulungan sila sa anumang panganib na maaaring kakaharapin ng mga taga Madinah…at kabilang parin sa mga kasunduang ito ay pagtutulungan ng mga hudyo at mga muslim sa pagbabayad ng Diyah o Blood Money kung mayroon man sa dalawang panig ang mangangailangn ng ganitong tulong…

Kaya bilang pagsasakatuparan sa kasunduang ito ay pumunta si Propeta Mohammad (SAKAP) kasama ang ilan sa kanyang mga Sahabah o kasamahan sa tribu ng mga Hudyo na tinatawag na Banu Nadir…Upang humingi ng tulong sa pag-ipon ng perang pambayad (blood money) na babayaran niya sa dalawang napatay ng isa sa kanyang mga kasamahan…at ito ay alinsunod sa mga artikulo ng kasunduan na nalagdaan noon sa pagitan ng mga hudyo at mga muslim.

Nang dumating sina Propeta Mohammad (SAKAP) sa lugar ng mga hudyo ay nagkunwari ang mga ito na sang-ayon sila sa kahilingan ni Propeta Mohammad (SAKAP) na pagtulong sa pagbabayad ng Diyah, dahil ito ay alinsunod sa kasunduan ng dalawang panig. Nagkasundo silang paghahatian ang perang pambayad at sinabi nila sa kay Propeta at sa kanyang mga kasamahan na sina Abu Bakr, umar at Ali at iba pa na umupo sa tabi ng dingding ng bahay ng mga Hudyo at maghintay nalang sila.  Subalit ang mga Hudyo ay nagkaroon ng lihim na pagpupulong at pagsabwatan na papatayin si Propeta Mohammad (SAKAP). At isa sa mga hudyo na si Amro Bnu Jihaash, ay umakyat siya sa itaas ng gusali upang ihulog sa ulo ni Propeta Mohammad (SAKAP) ang napalaking bato, sa pag-aakala nilang kung mamatay doon ang propeta ay hindi aakalain ng kanyang mga kasamahan na sinadya ang pagkahulog ng malaking batong iyon…

Subalit ang malagim na balak ng mga hudyo na iyon ay ipinaalam ng dahkilang Diyos kay Propeta Mohammad (SAKAP). Pinag-utusan ng Allah (SWT) si anghel Jibreel na bumaba upang ipahayag sa Propeta ang masamang balak ng mga hudyo. Kaya si Propeta Mohammad (SAKAP) ay nagmadaling umalis at bumalik sa Madinah. At nagtaka ang kanyang mga kasamahan kung bakit bigla na lamang umalis ang Propeta…

Habang nasa daan ay sinabi niya sa kanyang mga kasamahan na ipinahayag sa kanya ni Anghel Jebreel ang malagim na balak ng mga hudyo sa kanyang buhay.

At nang dumating na sila sa Madinah ay ipinadala ni Propeta Mohammad (SAKAP) si Muhammad Bin Maslamah sa mga hudyong Bani Nadir upang ipahayag sa kanila na natuklasan ni Propeta Mohammad (SAKAP) ang kanilang malagim na  balak. At ito ay napakalaking paglabag ng mga hudyo sa kasunduan nila sa mga muslim…Maliban pa rito ay may nauna pang pagtraydor na ginawa ng mga hudyo laban sa mga muslim. Kung saan ang pinuno noon ng mga paganong Qurasih na si

Abu Sufyan ay pinatuloy ng mga hudyo sa kanilang lugar at hinayaan nilang manatili sa kanilang tahanan upang ituro sa mga kalaban na iyon ang kung paano maging madali sa kanila ang pagsalakay sa mga muslim sa Madinah…kaya sanhi ng kanilang pagtraydor at paglabag nila sa kasunduan ay kinakailangang lisanin nila ang Madinah sa loob ng sampung araw .

Subalit ang pinuno ng mga Munafiqun o mapagkunwari na  si Abdullah Bin Ubayy, ay hinikayat ang mga hudyo na huwag bigyang pansin ang mga salita ni Propeta Mohammad at nangako siyang magbibigay ng tutulong sa hudyo ng sampung libo (10,000) sa kanyang mga tauhan at tutulungan din daw sila ng mga paganong Quraish laban sa mga Muslim. At dahil sa pangako na iyon ng pinuno ng mga Muhafiquun ay nagkaroon ang mga hudyo ng lakas ng loob na kalabanin ang mga muslim. Kaya sila ay nagpadala ng sulat sa kay Propeta Mohammad (SAKAP) na nagsasabing, “Hindi namin iiwanan ang aming mga bahay, gawin mo anuman ang gusto mong gawin.” Nang matanggap ng Propeta ang sulat ay sinabi niya, “Ang Allah ang pinakadakila sa lahat,”

..Kaya pumunta ang mga kasamahan ni Propeta Mohammad sa lugar ng mga hudyong Bani Nadir at pinaligiran nila ang kanilang mga kuta ng anim na gabi o labinlimang gabi. Ang mga Banu Nadir ay bumalik sa kanilang mga kastilyo at nagsimulang maghagis ng mga sibat at bato sa mga Muslim. Subalit ang inaasahan nilang tulong ng mga Munafiquun ay hindi dumating at nabigo ang mga ito  sa kanilang pangako. At hindi nagtagal ay inilagay ng Makapangyarihang Allah sa  puso ng mga hudyo ang pagkasindak at takot at sa bandang huli sila ay pumapayag na lilisanin nila ang Madinah sanhi ng kanilang pagtraydor at paglabag sa kasunduan.

Sila ay pinahintulutan ni Propeta Mohammad (SAKAP) na dalhin lahat sa abot ng makakaya nilang dalhin sa mga kamelyo nila, maliban sa mga armas. [Kaya lumisan ang mga hudyong Bani Nadir kasama ang kanilang mga pinuno na sina Huyai Bin Akhtab at Salem Bin Abi AI-Hukaik. Ang ilan sa kanila ay lumisan patungong Khaibar, at ang iba ay nagpunta sa Syria… ]

Ito ang naging resulta ng pagtraydor ng mga hudyo at paglabag nila sa kasunduang nilagdaan sa pagitan nila at nang mga muslim sa pamumuno ni Propeta Mohammad (SAKAP)…   Ang pangyayaring ito ay naganap noong 4 A. H. [