Ḥadeeth Nawawi – 10

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم: إنَّ اللهَ طَيِّبٌ لا يَقْبَلُ إلا طَيِّبًا، وَإِنَّ اللهَ أَمَرَ الْمُؤْمِنِينَ بِمَا أَمَرَ بِهِ الْمُرْسَلِينَ فَقَالَ تَعَالَى: ((يَا أَيُّهَا الرُّسُلُ كُلُوا مِنْ الطَّيِّبَاتِ وَاعْمَلُوا صَالِحًا)). وَقَالَ تَعَالَى: ((يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ)). ثُمَّ ذَكَرَ الرَّجُلَ يُطِيلُ السَّفَرَ أَشْعَثَ أَغْبَرَ يَمُدُّ يَدَيْهِ إلَى السَّمَاءِ: يَا رَبِّ! يَا رَبِّ! وَمَطْعَمُهُ حَرَامٌ، وَمَشْرَبُهُ حَرَامٌ، وَمَلْبَسُهُ حَرَامٌ، وَغُذِيَ بِالْحَرَامِ، فَأَنَّى يُسْتَجَابُ لَهُ؟!. رَوَاهُ مُسْلِمٌ

Ayon kay Abū Hurayrah kalugdan siya ng Allǎh kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam):

“Katotohanang ang Allǎh ay dalisay at hindi tumatanggap maliban lang kung dalisay, at katotohanang ang Allǎh ay ipinag-utos Niya sa mga nananampalataya ang anumang ipinag-utos Niya sa mga Sugo, datapuwa’t sinabi ng Kataas-taasan: “O kayong mga Sugo! Kumain kayo mula sa mga mabubuti (ḥalāl) at gumawa kayo ng mabuti.” At sinabi ng Kataas-taasan: “O kayong mga nananampalataya! Kumain kayo mula sa mga mabubuti (ḥalāl) na ibinigay sa inyo na panustos.” Pagkatapos ay binangggit niya ang isang lalaking manlalakbay ng mahaba (malayong paglalakbay), gusot ang buhok at mamaalikabok (punong-puno ng alikabok) na nakataas ang kanyang dalawang kamay sa langit (nananalangin): O Panginoon! O Panginoon! Samantalang ang kanyang pagkain ay ḥarām (bawal), at ang kanyang inumin ay ḥarām (bawal), at ang kanyang damit ay haram (bawal), at siya ay namuhay (lumaki) sa ḥarām (bawal), kaya paano diringgin (ng Allǎh) sa kanya.” Iniulat ni Muslim.

Ang Pagiging Makatarungan sa mga Babae

Kung ang isang lalaki ay mayroong asawa na higit sa isa, kinakailangan niyang gampanan ang pantay-pantay na pagsusustento sa kanilang mga babae, pantay-pantay ang kanilang mga pagkain o inumin, ang kanilang mga pananamit, ang kanilang mga tirahan, ang mabuting pakikisama sa kanila at ang lahat ng kanilang mga pangangailangan sa madaling salita ay ang pagiging makatarungan sa mga babae.

Kaya dapat lang sa isang lalaki na tanungin niya muna ang kanyang sarili kung kaya ba niyang gampanan ang hinihiling na katarungan at kapag nadarama niyang mayroong kahinaan ang kanyang sarili upang gampanan ito ay nararapat lamang na huwag na niyang naising mag-asawa muli sapagkat ang pagiging di-makatarungan sa kanilang mga babae ay malaking kasalanang pananagutan sa kabilang buhay.

Ngunit hindi naman pananagutin ang isang lalaki sa mga bagay na hindi niya kayang kontrolin tulad halimbawa ng pagmamahal na nararamdaman ng kanyang puso alinman sa kanilang mga babae o kaya’y ang kanyang punlay na naipagkakaloob niya sa kanila sa pamamagitan ng kanilang pagtatalik sapagkat kailanman ay hindi niya kayang maging pantay ito. Sabi ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa banal na Qur’ân:

وَلَنْ تَسْتَطِيعُوا أَن تَعْدِلُواْ بَيْنَ النِّسَآءِ وَلَوْ حَرَصْتُمْ فَلاَ تَمِيلُواْ كُلَّ الْمَيْلِ فَتَذَرُوهَا كَالْمُعَلَّقَةِ. سورة النساء

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: Kailanman ay hindi ninyo kaya na inyong gawing pantay ang pagitan ng mga babae (sa pagmamahal) kahit na sikapin pa ninyo ito, kaya huwag kayong kumiling ng lubhang pagkiling (sa inyong mahal) upang maiwan ninyo siya (ang iba) na nasa alanganin. (An-Nisâ 4:129)

At sa isang Ⱨadeeth, ayon kay Ȁishah (Raḍi-Allǎhu Ànhu) kanyang sinabi: naging kaugalian ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam) na siya ay makatarungan sa paghahati para sa kanyang mga asawa, at sinabi niya: “Allahumma haadhaa qasmee feemaa amliku falaa talumnee feemaa tamliku walaa amlik” – O Allǎh! Ito ang aking paghahati sa anumang aking kakayahan at huwag Mo akong sisihin (o bigyang-sala) sa anumang Iyong kakayahan na wala sa akin ang kakayahan)). Tingnan ang Subulus Salâm Sharⱨ Buloogh Al-Marâm, Ⱨadeeth 1/1001, Ikatlong Bahagi, Pahina 166.

Ang Pagsasagawa ng Omrah

Ang pagsasagawa ng Omrah ay isa rin sa mga tungkulin ng mga Muslim lalaki man o babae. Sabi ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa banal na Qur’ân:

وَأَتِمُّوا الْحَجَّ وَالْعُمْرَةَ لِلَّهِ. سورة البقرة

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: At inyong isagawa (nang ganap) ang ajj at ang Omrah para sa Allǎh. (Al-Baqarah 2:196)

Narito ang mga haligi at mga obligado na nararapat gawin ng sinumang magsasagawa ng Omrah:

  1. Irâm: ibig sabihin nito ay magsuot ng Izâr (balabal na puti) at Ridâ (tapis na puti) ang mga lalaki, at ang mga babae naman ay maaaring sumuot ng kahit anong damit ngunit kailangang maging masigasig lang na takpan ang sarili. Isinasagawa ang Iⱨrâm pagkatapos maligo sa Meeqât at ito ang bibigkasin kapag naisuot na ang Iⱨrâm “Labbayka Omrah” na may kasamang niyyah (layunin).
  2. awâf: ibig sabihin nito ay mag-ikot ng pitong beses sa Ka’bah lalaki man o babae, magsisimula sa Ⱨajar Aswad (black stone) at doon din magtatapos. Manalangin habang nagsasagawa ng Ṭawâf o kaya’y magbasa ng mga talata ng banal na Qur’ân.
  3. Sa’yi: ibig sabihin nito ay mag-ikot ng pitong beses sa Safâ at Marwah, mag-uumpisa sa Safâ at matatapos naman sa Marwah lalaki man o babae. Manalangin habang nagsasagawa ng Sa’yi o kaya’y magbasa ng mga talata ng banal na Qur’ân.
  4. alq / Taqeer: ibig sabihin nito ay magpakalbo o kaya’y magpagupit ng buhok ang mga lalaki, at ang mga babae naman ay hindi na kailangang magpakalbo subalit babawasan lamang nila ng kunti ang kanilang buhok.

7 Mortal na Kasalanan

Mayroong pitong mga mortal na kasalanang nabanggit ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam) na kung saan ay nararapat na iwasan ng bawat Muslim, lalaki man o babae.

Ayon kay Abu Hurayrah (Raḍi-Allǎhu ànhu), katotohanang sinabi ni Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam): “Layuan ninyo ang pitong mga mortal na kasalanan!” sila’y nagsabi: O Sugo ng Allǎh! Ano ba ang pitong yaon? kanyang sinabi: “Ang pagtatambal sa Allǎh, at ang pangkukulam, at ang pagpatay ng tao na ipinagbabawal ng Allǎh maliban na lamang kung sa tama, at ang pagkain ng Ribâ (pagpapatubo ng salapi), at ang pagkain ng salapi ng ulila, at ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paghagis (pagbintang ng masama) sa mga babaeng inosenteng mga nananampalataya.” Napagkasunduan ang Ⱨadeeth na ito nina Al-Bukhâri at Muslim. Tingnan ang Fiqhus Sunnah, Ikatlong Bahagi, Pahina 129.

ِAng Kahulugan ng Tawⱨeed

Ang literal na kahulugan ng Tawⱨeed sa wikang tagalog ay pananatiling nag-iisa o kaya’y gawing isa. Subalit ang terminong Tawⱨeed ay ginagamit patungkol sa Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) ibig sabihin ay kaisahan ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ), ayon sa pananampalatayang Islâm ang kahulugan nito ay ang pagpapanatili ng kaisahan ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa lahat ng mga gawain ng tao. Ito ay ang paniniwala na ang Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) ang nag-iisang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin, nag-iisa na walang katambal at walang katulad. Ito ang terminong ginamit upang tukuyin at sakupin ang aspeto ng paniniwala sa Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ). Sinabi ni Propeta Hesus (Àlayhis Salâm) ayon sa nabanggit sa banal na Qur’ân:

إِنَّ اللهَ رَبِّي وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوهُ هَذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ. سورة آل عمران

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: Katotohanang ang Allǎh ay aking Panginoon at inyong Panginoon, kaya’t sambahin ninyo Siya, ito ang matuwid na landas. (Al-Emrân 3:51)

Ang talatang ito ay isang katibayan na si Propeta Hesus (Àlayhis Salâm) ay kumikilala sa nag-iisang tunay na Diyos bagkus ipinag-uutos nito sa kanyang mga pamayanan na sambahin ang nag-iisang tunay na Diyos, ang Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) subalit nakakalungkot sabihin na karamihan sa kanyang pamayanan ay hindi naniwala sa kanya.

Mainam na Kaaaliwan sa Mundo

Ilan sa mga palatandaan ng babaeng mabuti na kung saan ay marapat na maging huwaran ng mga kababaihan ay yaong nagpapasaya sa kanyang asawa, sumusunod sa kanyang asawa at naipagkakatiwala sa kanya ang kanyang sarili o dignidad at ang kayamanan ng kanyang asawa.

Ayon kay Abū Hurayrah (kalugdan siya ng Allǎh) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam): “Ang mas mainam sa mga kababaihan ay ang babaeng kapag tumingin ka sa kanya ay mapapasaya ka niya, at kapag inutusan mo siya ay susundin ka niya, at kapag wala ka sa piling niya ay pangangalagaan niya sa iyo ang kanyang sarili at ang iyong salapi (o kayamanan.” Tingnan ang Tafseer Ibnu Katheer, Unang Bahagi, Pahina 454.

Isang payo sa mga kalalakighan na huwag magpadala sa mga palamuti o mga makamundong bagay at kung ang Mundo ay kinaaaliwan ng mga tao, mas mainam na kaaliwan rito ay ang babaeng mabuti.

Ayon kay ‘Abdullah na anak ni Omar (kalugdan siya ng Allǎh), katotohanang sinabi ni Propeta Muḥammad (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam): “Ang mundo ay kinaaaliwan at ang mainam na kaaaliwan sa mundo ay ang babaeng aalihah (babaeng mabuti.” Iniulat ni Muslim, Tingnan ang Mukhtaṣar Al-Fiqh Islāmi, Pahina 803.

Samakatuwid, isa sa palatandaan ng kakayahan, kapangyarihan at kadakilaan ng Allǎh (Subḥaanahu wa Ta’aalaa) ay ang pagkakalikha sa babae bilang asawa ng lalaki sapagkat sa pamamagitan nito ay magkakaroon ang lalaki ng kasihayan, kaginhawaan o katahimikan. Ang babaeng mabuti ay lubos na nagbibigay ng kagalakan sa kanyang asawa.

Ang Qur’ân ِِِAy Higit Na Napangangalagaan

Ang Qur’ân ay ginarantiya ng Allǎh (Subḥaanahu wa Ta’aalaa) na Kanyang pangangalagaan ito laban sa paglalaro o maruming pag-iisip upang ito ay mabago, kaya kailanman ay walang makakapagdulot ng kahit na kaunting pagbabago sa Qur’ân. Sinabi ng Allǎh (Subḥaanahu wa Ta’aalaa) sa banal na Qur’ân:

إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا الذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ. سورة الحجر

Ayon sa kahulugan ng taltang ito: Katotohanang Kami ang nagpapahayag ng Dzikr (Qur’ân), at katiyakang ito ay Aming pangangalagaan.” (Al-Ḥijr 15:9).

Kaya, ang banal na Qur’ân ay higit na napangangalagaan laban sa kabulukan at katiwalian hindi katulad ng mga naunang kasulatan na kung saan ay dumanas ng pagbibigay sira, pagdagdag at pagbabawas sa mga talata.

Ṣalâh, Pakain ng Kaluluwa ng Tao

Kung papansinin nating mabuti, ang katawan ng tao ay mayroong dalawang bahagi, at ang bawat bahagi nito ay nangangailangan ng pagkain upang maging malakas. Sa madaling salita ay ang dalawang bahaging ito ay ang pisikal na bahagi at ang ispirituwal na bahagi ng katawan. Ang pisikal na bahagi ay pinakakain ito sa pamamagitan ng mga pagkain tulad ng kanin, tinapay, karne at tubig o anumang mga pagkain upang maging malusog ang katawan. Kaya kung pinakakain ang pisikal na bahagi ay gayon din ang ispirituwal na bahagi nito, kailangan ding pakainin ito upang maging malusog at malayo sa pagkakasala, at ang pagkain nito ay ang pagsasagawa ng Salâh o kaya’y ang pagsamba sa Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ).

Ayon kay Abu Hurayrah (Raḍi-Allǎhu ànhu) kanyang sinabi: narinig ko ang Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam) na nagsasabi: “Ano sa tingin ninyo, kung may isang ilog sa tabi ng pintuan ng isa sa inyo at doon naghuhugas (o naglilinis) ng limang beses bawat araw, mayroon pa kayang matitirang dumi sa kanya?” Sinabi nila: wala na pong matitirang dumi sa kanya. Sinabi niya: “Iyan ay katulad ng limang beses na pagsasagawa ng Salâh, tinatanggal ng Allǎh ang kasalanan.” Napagkasunduan ang Ⱨadeeth na ito nina Al-Bukhâri at Muslim, Tingnan ang Sharⱨ Riyâḍuṣ Ṣâliⱨeen, Ⱨadeeth 1/1042, Ikatlong Bahagi, Pahina 264.

Samakatuwid, ang tao ay naliligo o naghuhugas para maging malinis ang pisikal na bahagi ng kanyang katawan, gayon din ang ispirituwal kailangang linisin ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Salâh.

Ang Wuḍu at Ang Pamamaraan nito

Bago isagawa ang Ṣalâh, kailangang maging malinis at dalisay. Ang pagkakadalisay ay maaaring makamtan ito sa pamamagitan ng pagliligo ng buong katawan o kaya’y sa pagsasagawa ng Wuḍu. Ang ibig sabihin ng Wuḍu ay ang paghuhugas sa ilang partikular na bahagi ng katawan sa pamamagitan ng malinis na tubig na kailangang ayon sa pagkasunud-sunod at tuluy-tuloy. Ito ay isang patakaran bago isagawa ang Ṣalâh. Sabi ng Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) sa banal na Qur’ân:

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا قُمْتُمْ إِلَى الصَّلاةِ فَاغْسِلُوا وُجُوهَكُمْ وَأَيْدِيَكُمْ إِلَى الْمَرَافِقِ وَامْسَحُوا بِرُءُوسِكُمْ وَأَرْجُلَكُمْ إِلَى الْكَعْبَيْنِ. سورة المائدة

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: O kayong mga nananampalataya, kapag kayo’y nagnanais magsagawa alâh ay hugasan ninyo ang inyong mukha at ang inyong mga kamay hanggang sa siko, haplusin ninyo (ng basang palad) ang inyong ulo, at hugasan ninyo ang inyong mga paa hanggang sa bukong­-bukong. (Al-Mâidah 5:6)

Ang pamamaraan ng Wuḍu ay ang mga sumusunod:

  1. Kailangang magkaroon ng Niyyah (Layunin) sa sarili na magsagawa ng Wuḍu at huwag na bigkasin ito.
  2. Banggitin ang Bismillǎh (Sa Ngalan ng Allǎh) bago magsimula.
  3. Hugasan ang dalawang kamay ng tatlong beses, mula sa dulo ng mga daliri hanggang sa pulso, tiyaking ang lahat ng bahagi pati na ang pagitan ng mga daliri ay mabasa ng tubig.
  4. Magmumog ng tubig ng tatlong beses, kanang kamay ang gamitin sa pagmumog.
  5. Hugasan ang ilong sa pamamagitan ng pagsinghot ng tubig ng tatlong beses, at isinga ang tubig na ipinasok sa ilong.
  6. Hugasan ang mukha o maghilamos ng tatlong beses hanggang sa mga tainga, nuo at baba kasama na ang balbas.
  7. Hugasan ang mga braso ng tatlong beses, mula sa pulso hanggang sa siko, kanan ang mauna bago ang kaliwa.
  8. Haplusin ng basang kamay ang ulo ng isang beses lamang, mula sa tinutubuan ng buhok sa nuo hanggang sa batok nito at pabalik, pagkatapos ay haplusin ang mga tainga.
  9. Hugasan ang mga paa ng tatlong beses, mula sa dulo ng mga daliri hanggang sa bukong-bukong, kanan ang mauna bago ang kaliwa.

Pagkatapos maisagawa ang Wuḍu ay bigkasin ang: “Ash-hadu an Lâ ilâha illa-Allǎh, wa Ash-hadu anna Muammadan Àbduhu wa Rasooluh” – ang kahulugan nito sa tagalog – Ako ay sumasaksi na walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allǎh, at ako ay sumasaksi na si Muⱨammad ay Kanyang Alipin at Sugo.