ANG PAGYAKAP KO SA ISLAM at MAGING ALIPIN NG ALLAH!

Assalaamo Alaykom Warahmatullah Wabarakatuh! Ang maikling kasaysayan ng aking pag yakap sa ISLAM! Lingid sa aking kaalaman at paniniwala na halos paniniwala rin ng mga ibang relihiyon o di kaya KRISTIYANO na ang mga muslim ay masama bunga na rin sa mga pahayagan o nilalaman ng ibang mga babasahin na ang muslim ay mga walang takot sa DIYOS na ang muslim ay terrorism, etc. mga bagay na hindi magagandang gawain… Sa hindi inaasahang pangyayari ako’y napadpad dito sa bansang MUSLIM dahil narin sa kagustuhan ng ALLAH! Sa aking pinaglilingkuran nagkaroon ako ng mga customer o itinuturing na mga tunay na kaibigang muslim isang araw binigyan ako ng mga babasahin ukol sa ISLAM at ako po ay nagkaroon ng interes na basahin ito upang makapulot ng aral ng mga salita ng ALLAH, sa mga sumunod na pagkakataon isang kaibigang muslim na naman ang lumapit upang bigyan ulit ng mga babasahin at ito’y hango na naman sa ISLAM at aking pingalagaan ang mga babasahing ito… AT ANG MGA AKLAT na ito ay ang mga sumusunod… ISLAM IN CONCEPT, MUSLIM CHRISTIAN DIALOGUE, THE TRUTH ABOUT THE ORIGINAL SIN, WHO IS MUHAMMAD? Peace be upon him! At ang pinakahuli ay ang LIMANG HALIGI NG ISLAM.. at kung hindi ako nagkakamali ay kasama sa aming pinag aralan nung ELEMTARY, HIGH SCHOOL at ito ay sa ARALING PANLIPUNAN or SOCIAL STUDIES…. ako’y humingi ng pahintulot o isang premonition sa ALLAH at sabi ko isa nalang pag may lumapit at mang alok ulit patungo sa mga SALITA NG DIYOS ay aking tatanggapin at ako’y magpapakupkop sa ALLAH…. isang araw pinapunta ako sa tanggapan ng aking pinaglilingkurang dalawang DOKTOR at ako’y namangha dahil inanyayahan nila ako upang makinig sa mga salita ng diyos sa tulong ng mga inanayayahan nilang mangangaral tungkol sa ALLAH at BANAL NA QURAN na habang binabasahan ako ay para akong nakalutang at ang gaan-gaan ng pakiramdam na diko mawari kung bakit walang tigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata at pati mga balahibo ko ay tumatayo at doon ko naramdaman sa aking sarili na ito na yong hinihingi ko sa kanya….. kinabukasan SEPTEMBER 3 aking kapanganakan or date of birth ALLAHU AKBAR itong date din na ito ako nagpakupkop sa ALLAH…. VERY AMAZING…. at ito rin po ang araw ng ramadan kaya maituturing ko sa aking sarili na ito’y isang mahalagang bagay o regalo na binigay at ipinagkaloob sa akin ng ALLAH! at dahil narin sa aking mga pinagsisilbihan at mga kapatirang muslim na nagbigay inspirasyon kaya ako ay kusang loob na nagpakupkop sa ALLAH maging sa IPC na nagpatuloy upang ipaalam o ipangaral ang mga aral patungkol sa ALLAH o ISLAM kayo ang mga naging instrumento ng ALLAH sa pagyakap ko sa ISLAM…. at sa pamamaraang ito ay nabuksan ang aking isipan na mali pala ako o ang mga ibang tao sa maling iniisip nila ukol sa mga muslim… ANG SARAP PALANG MAGING ALIPIN NG ALLAH! GOD BLESS US ALL!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *