Ḥadeeth Nawawi – 8

عَنْ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا، أَنَّ رَسُولَ اللهِ صلّى الله عليه وسلّم قَالَ: أُمِرْت أَنْ أُقَاتِلَ النَّاسَ حَتَّى يَشْهَدُوا أَنْ لَا إلَهَ إلَّا اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ، وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ، فَإِذَا فَعَلُوا ذَلِكَ عَصَمُوا مِنِّي دِمَاءَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ إلَّا بِحَقِّ الْإِسْلَامِ، وَحِسَابُهُمْ عَلَى اللهِ تَعَالَى. رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ وَمُسْلِمٌ

Ayon kay Ibnu Omar kalugdan silang dalawa ng Allǎh, katotohanang ang Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam) ay nagsabi:

“Ako ay napag-utusang makipaglaban sa mga tao hanggang sa sila ay magsaksi na walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allǎh at si Muḥammad ay Sugo ng Allǎh, at sila ay magsagawa ng Salāh (pagdarasal), at sila ay magbigay ng Zakāh (katungkulang kawang-gawa), datapuwa’t kapag ginawa nila ito (ibig sabihin ay kapag sila ay sumunod) ay matatamo nila mula sa akin ang pagkalinga (o kaya’y proteksyon) sa kanilang mga dugo (o kaya’y buhay) at sa kanilang mga salapi (o kaya’y kayamanan) maliban lamang sa karapatan ng Islām, at ang pagbibilang sa kanila ay nasa Allǎh, ang Kataas-taasan.” Iniulat nina Al-Bukhaari at Muslim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *