Ḥadeeth Nawawi – 9

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ عَبْدِ الرَّحْمَنِ بْنِ صَخْرٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْت رَسُولَ اللهِ صلّى الله عليه وسلّم يَقُولُ: مَا نَهَيْتُكُمْ عَنْهُ فَاجْتَنِبُوهُ، وَمَا أَمَرْتُكُمْ بِهِ فَأْتُوا مِنْهُ مَا اسْتَطَعْتُمْ، فَإِنَّمَا أَهْلَكَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ كَثْرَةُ مَسَائِلِهِمْ وَاخْتِلَافُهُمْ عَلَى أَنْبِيَائِهِمْ. رَوَاهُ الْبُخَارِيُّ وَمُسْلِمٌ

Ayon kay Abū Hurayrah, ‘Abdulraḥmaan na anak ni Ṣakhr (kalugdan siya ng Allǎh) kanyang sinabi: Narinig ko ang Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam) na nagsasabi:

“Anumang bagay na aking ipinagbawal sa inyo ay iwasan (o kaya’y layuan) ninyo, at anumang bagay na aking ipinag-utos sa inyo ay gawin ninyo sa abot ng inyong makakaya, sapagkat tanging ang nakasira (o kaya’y nakapahamak) sa mga taong nauna sa inyo ay ang kanilang maraming pagtatanong at ang kanilang pagsasalungat (o kaya’y hindi nila pagsang-ayon) sa kanilang mga Propeta.” Iniulat nina Al-Bukhaari at Muslim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *