Ang Pakikipagtalik Sa Babaeng May Regla o Nifaas

Ang regla sa wikang arabik ay HAYD. Ito ay ang dugo na lumalabas sa babae kapag dumating ang panahon ng paglabas nito. Ang dugong ito ay kulay itim na hindi kanais-nais ang amoy, kaya ipinagbabawal na makipagtalik sa babaeng may regla habang hindi natatapos ito huminto dahil sa ito ay marumi. Sabi ng Allah (SWT) sa Banal na Qur-ân:

وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْمَحِيضِ قُلْ هُوَ أَذًى فَاعْتَزِلُوا النِّسَاءَ فِي الْمَحِيضِ وَلا تَقْرَبُوهُنَّ حَتَّى يَطْهُرْنَ فَإِذَا تَطَهَّرْنَ فَأْتُوهُنَّ مِنْ حَيْثُ أَمَرَكُمُ اللَّهُ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ التَّوَّابِينَ وَيُحِبُّ الْمُتَطَهِّرِينَ. البقرة

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: {{At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pagreregla (ng mga babae), sabihin mo na ito ay marumi, kaya layuan ninyo silang mga babae sa kanilang pagreregla, at huwag ninyo silang lapitan (huwag makipagtalik) hanggang sa sila ay malinis. At kung nakapaligo (malinis) na sila, sila ay inyong lapitan (makipagtalik) sa paraan na ipinag-utos ng Allah, katotohanang ang Allah ay nagmamahal sa mga nagbabalik-loob sa Kanya at nagmamahal sa mga nagpapadalisay ng kanilang mga sarili}} 2:222.

Ang Nifaas naman ay salitang arabik na ang kahulugan nito ay ang dugo na lumalabas sa babae dahil sa kanyang panganganak, at ang karaniwang bilang ng nifaas ay apatnapung-araw o di kaya’y apatnapu’t limang-araw sang-ayon sa pagkakaiba ng mga pantas sa Islam, hihintayin ng lalaki na matapos ang bilang na ito bago siya makipagtalik sa kanyang asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *