Mainam na Kaaaliwan sa Mundo

Ilan sa mga palatandaan ng babaeng mabuti na kung saan ay marapat na maging huwaran ng mga kababaihan ay yaong nagpapasaya sa kanyang asawa, sumusunod sa kanyang asawa at naipagkakatiwala sa kanya ang kanyang sarili o dignidad at ang kayamanan ng kanyang asawa.

Ayon kay Abū Hurayrah (kalugdan siya ng Allǎh) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam): “Ang mas mainam sa mga kababaihan ay ang babaeng kapag tumingin ka sa kanya ay mapapasaya ka niya, at kapag inutusan mo siya ay susundin ka niya, at kapag wala ka sa piling niya ay pangangalagaan niya sa iyo ang kanyang sarili at ang iyong salapi (o kayamanan.” Tingnan ang Tafseer Ibnu Katheer, Unang Bahagi, Pahina 454.

Isang payo sa mga kalalakighan na huwag magpadala sa mga palamuti o mga makamundong bagay at kung ang Mundo ay kinaaaliwan ng mga tao, mas mainam na kaaliwan rito ay ang babaeng mabuti.

Ayon kay ‘Abdullah na anak ni Omar (kalugdan siya ng Allǎh), katotohanang sinabi ni Propeta Muḥammad (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam): “Ang mundo ay kinaaaliwan at ang mainam na kaaaliwan sa mundo ay ang babaeng aalihah (babaeng mabuti.” Iniulat ni Muslim, Tingnan ang Mukhtaṣar Al-Fiqh Islāmi, Pahina 803.

Samakatuwid, isa sa palatandaan ng kakayahan, kapangyarihan at kadakilaan ng Allǎh (Subḥaanahu wa Ta’aalaa) ay ang pagkakalikha sa babae bilang asawa ng lalaki sapagkat sa pamamagitan nito ay magkakaroon ang lalaki ng kasihayan, kaginhawaan o katahimikan. Ang babaeng mabuti ay lubos na nagbibigay ng kagalakan sa kanyang asawa.

Ang Karapatan Ng Mga Kapitbahay

1. Ang Pagiging Mabuti sa mga Kapitbahay: Ayon kay ‘Abdullah bin Omar bin Al-‘Aas (kalugdan siya ng Allǎh), katotohanang sinabi ni Propeta Muḥammad (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam): “Ang mas mainam sa mga magkakasama para sa Allǎh ay ang may mabuting pakikisama sa kanila sa kanyang kasama, at ang mas mainam sa mga magkakapitbahay para sa Allǎh ay ang may mabuting pakikipagkapitbahay sa kanila sa kanyang kapitbahay.” Iniulat ni At-Tirmidzi, Tingnan ang Tafseer Ibnu Katheer, Unang Bahagi, Pahina 457.

2. Ang Pagbibigay ng Pagkain sa mga Kapitbahay: Sa isang naisalaysay na Ḥadeeth, sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam): “Wala sa isang nananampalataya na siya’y nabubusog at ang kanyang kapitbahay ay nagugutom sa kanyang tabi.” Tingnan ang Binaa Al-Usrah Al-Muslimah, Pahina 261. Sa isa pang Ḥadeeth, ayon sa ama ni Dzarr (kalugdan siya ng Allǎh) kanyang sinabi: Sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam): “O ama ni Dzarr! Kapag ikaw ay nagluto ng maraqah (sabaw na may laman) ay damihan mo ang tubig niya, at pamimigyan mo ang iyong mga kapitbahay.” Iniulat ni Muslim, Tingnan ang Sharⱨ Riyaaḍuṣ Ṣaaliḥeen, Ḥadeeth 2/304, Ikalawang Bahagi, Pahina 96.

3. Ang Pagbibigay ng Regalo sa mga Kapitbahay: Sa isang naisalaysay na Ḥadeeth, sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam): “Magbigayan kayo ng regalo upang kayo ay magmahalan.” Tingnan ang Binaa Al-Usrah Al-Muslima, Pahina 261. Sa isa pang Ḥadeeth, ayon kay ‘Aaishah (kalugdan siya ng Allǎh) kanyang sinabi: Sinabi ko: O Sugo ng Allǎh! Katotohanang ako’y may dalawang kapitbahay at alin sa dalawang ito ang bigyan ko ng regalo? Sinabi niya: “Sa alin ang pinakamalapit sa kanilang dalawa ang pintuan niya sa iyo.” Tingnan ang Ṣaḥeeḥ Al-Bukhaari, Ḥadeeth 6020, Pahinan 711.

4. Ang Hindi Paggawa ng Anumang Kasamaan sa mga Kapitbahay: Ayon kay Abū Hurayrah (kalugdan siya ng Allǎh) kanyang sinabi: Katotohanang sinabi ng Sugo ng Allǎh (Ṣalla-Allǎhu ‘Alayhi wa Sallam): “Sumpa man sa Allǎh ay hindi (ganap na) nananampalataya! Sumpa man sa Allǎh ay hindi (ganap na) nananampalataya! Sumpa man sa Allǎh ay hindi (ganap na) nananampalataya!” May nagsabi: O Sugo ng Allǎh sino ba siya? Sinabi niya: “Ang taong hindi na nakakapagpahinga ang kanyang kapitbahay dahil sa kanyang kasamaan.” Napagkasunduan ang Ḥadeeth na ito nina Al-Bukhaari at Muslim, Tingnan ang Sharḥ Riyaaḍuṣ Ṣaaliḥeen, Ḥadeeth 3/305, Ikalawang Bahagi, Pahina 96.

5. Ang Hindi Pagmamanman sa mga Kapitbahay: Sabi ng Allǎh (Subḥaanahu wa Ta’aalaa) sa banal na Qur’ân:

وَلاَ تَجَسَّسُواْ وَلاَ يَغْتَب بَّعْضُكُم بَعْضًا أَيُحِبُّ أَحَدُكُم أَن يَأْكُلَ لَحْمَ أَخِيهِ مَيْتًا فَكَرِهْتُمُوهُ وَاتَّقُواْ اللهَ إِنَّ اللهَ تَوَّابٌ رَّحِيمٌ. سورة الحجرات

Ayon sa kahulugan ng talatang ito: At huwag kayong magmamanman, at huwag libakin ng iba (isa) sa inyo ang iba (isa). Gusto ba ng isa sa inyo na kanyang kainin ang laman ng kanyang kapatid na patay? Tunay na kinasusuklaman ninyo ito, datapuwa’t katakutan ninyo ang Allǎh, katotohanang ang Allǎh ang tanging tumatanggap ng pagsisisi (pagbabalik-loob), ang pinakamahabagin.” (Al-Hujuraat 49:12).

Bawat isa sa atin ay may karapatan sa kanyang kapitbahay, kaya ating ibigay ang karapatan ng bawat isa.

Anibersaryo Ng Kalayaan Ng Kuwait

ANIBERSARYO NG KALAYAAN NG KUWAIT AT

ANG PAMBANSANG ARAW

25 PEBRERO

Narito na naman ang taunang kasiya-siyang anibersaryo para sa pambansang araw at sa araw ng kalayaan… paulit-ulit itong dumarating upang ipaaalala sa amin ang kagalakan ng kalayaan… at upang panumbalikin muli ang aming katapatan at ang aming pagmamahal sa sariling bayan… at upang patunayan nito ang katiwasayan ng mga taga-Kuwait sa kanilang ameer (lider) at sa kanilang pamahalaan… iisa ang kamay… iisa ang puso… iisa ang pintig… iisa ang tinig… na pawang isinisigaw ang pangalang Kuwait.

Narito ang Kuwait na may puspos ng tuwa at saya sa anibersaryo ng pambansang araw na ika-46 at ito ay natapat sa ika-16 na anibersaryo ng kalayaan ng estado ng Kuwait mula sa pagsalakay ng mga Iraqi.

Ipinahayag ang kalayaan ng estado ng Kuwait noong ika-19 sa buwan ng Hunyo taong 1961 sa kapanahunan ni Sheikh Abdullah Al-Salim Al-Sabah na siyang pinuno noong taong 1950. Nangyari ang pagdiriwang sa kanyang pamamahala noong ika-25 sa buwan ng Pebrero, kaya napagkasunduang pag-isahin ang dalawang pagdiriwang sa isang araw lamang at mula rito ay ang araw ng kalayaan ng estado ng Kuwait ay ipinagdiriwang sa ika-25 ng Pebrero bawat taon.

At dahil sa kalayaan… nakamit ng Kuwait ang wastong kagalakan at kaunlaran upang itatag ang pagiging Kuwaiti at upang matamo ang kagalingan at mapayapang pamumuhay sa pamamagitan ng pamumuno ng mga Pamilya Al-Sabah… ang mga namamahala sa Kuwait.

Gayon din na sinikap ng Kuwait na magkaroon ng ugnayan sa mga bansang arabo, at lubos na pinatibay ang relasyon nito sa mga unibersidad ng bansang mga arabo sa iba’t-ibang uri ng pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura. At sinikap din ng Kuwait na maging kasapi ng Arab League noong Setyembre 1958, subalit dahil sa hindi pa nakamit nito ang kalayaan ay hindi naging opisyal na kasapi rito.

ANG KALAYAAN AT ANG PAMBANSANG ARAW

Ang kalayaan: ay isang direktang responsibilidad ng estado na igawad ang departamento ng Internal Affairs at Foreign Affairs.

Natamo ng estado ng Kuwait ang kalayaan sa kapanahunan ni Sheikh Abdullah Al-Salim Al-Sabah noong ika-19 ng Hunyo taong 1961, hiniling ng Kuwait sa British na kansilahin ang kasunduan nila noong 23/Enero/1899, kaya nagkaroon ng panibagong kasunduan ang Kuwait at British na magkaroon ng kalayaan ang Kuwait ng buong-buo sa Internal Affairs at Foreign Affairs, gayunman ay ipinahayag ang kalayaan ng Kuwait na “isang malayang estado na may buong kapangyarihan”.

Ang kasaysayan ng kalayaan ng Kuwait ay siyang simula ng bagong anyo ng pag-unlad at kasaganaan at may modernong estado… at lumaganap sa Kuwait ang kasiyahan at kaligayahan na hindi kailanman makikita noong una… at pinutol ang regular na programa ng Radio Kuwait upang mapakinggan ang talumpati ni Sheikh Abdullah Al-Salim Al-Sabah para sa kanyang mga kababayan at sa buong pamayanan ng bansang arabo.

Ang unang regulasyon para sa pamumuno ng pamahalaan matapos makamit ang kalayaan ay ang pagkakaroon ng halalan iginagayak ang isang pagtitipon-tipon ng mga taong manghahalal para sa permanenteng saligang-batas ng Kuwait base sa prinsipyo ng demokrasya, mga batas at mga regulasyon na namamahala sa iba’t-ibang aspekto ng buhay, kaya napagpasiyahan si Sheikh Abdullah Al-Salim Al-Sabah noong ika-26 ng Agosto taong 1961 na magiging ameer na mag-aatas sa pagsasaalang-alang.

At noong ika-20 ng Enero taong 1962, ang may karangalang-ameer ay nagbukas ng unang kumperensiya, at sa ika-11 ng Nobyembre taong 1962 ang saligang-batas ay pinagtibay sa pagtitipon-tipon ng mga manghahalal, dahil dito ay napagpasiyahan ang sistema ng pamamahala sa Kuwait na:

–         isang demokratikong sistema na pamamahala

–         isang soberanya ng bansa ito ay ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan

–         ang Kuwait ay namamana sa mga inapo ni Sheikh  Mubarak Al-Sabah

Araw Ng Pagtagumpay Ni Propeta Moises

Ngayong araw na ika-10 ng buwan ng Muⱨarram taong 1431 ng Hijri Calendar, ika-27 ng Decmber 2009, ay araw ng pagtagumpay ni Propeta Moises (Àlayhis Salâm) laban kay Paraon (Fir’awn ang tawag sa kanya sa wikang arabik) sapagkat nalunod sa karagatan si Paraon at ang kanyang mga alagad. Sa araw na ito ay nag-ayuno si Propeta Moises (Àlayhis Salâm) bilang pasasalamat sa Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ). Kaya noong dumating si Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam) sa Madeenah ay nakita niya ang mga tao na nag-aayuno, kaya nag-ayuno din siya hanggang sa ipinag-utos niya ang pag-aayuno sa ika-10 ng Muⱨarram. Kanais-nais sa mga Muslim ang pag-aayuno sa araw na ito bilang pasasalamat din sa Allǎh (Subⱨânahu wa Taȁlâ) at upang makamit ang gantimpala na kung saan ay mabubura ang isang taon na kasalanan yaong hindi mga mortal na kasalanan. Ayon kay Abu Qatâdah (Raḍi-Allǎhu ànhu), itinanong kay Propeta Muⱨammad (Ṣalla-Allǎhu Àlayhi wa Sallam) ang tungkol sa pag-aayuno sa araw ng ika-10 ng Muⱨarram? Sinabi niya: “Mabubura niya ang nakalipas na isang taon na kasalanan.” Iniulat ni Muslim.