Ang Maling Pakahulugan na ang Islam ay Lumaganap sa Pamamagitan ng Tabak

Isang kuro-kuro, na itinaguyod ng mga hukom ng mga kaaway na hindi inalam ang pinagmulan ng kuwento na walang kinikilingan ngunit isinaayos ang lumang propaganda nang paulit-ulit, ang maling pagbibintang na ang Islam ay lumaganap sa pamamagitan ng pamimilit at pamumuwersa. Maraming talata sa Banal na Qur’an ang magpapabulaan sa napakasamang paninirang puri na ito. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“Walang pamimilit sa pananampalataya. Katotohanan, ang Tamang Landas ay naiiba sa maling landas. Sinuman ang hindi manampalataya sa Taghoot (Satanas, mga diyus-diyosan, idolo atbp.) at manalig sa Allah ay nakahawak ng tunay na mapagkakatiwalaang tangan na hindi masisira. At ang Allah ang Nakakarinig at Nakababatid ng lahat ng bagay.” (Qur’an 2:256)

At sinabi rin ng Dakilang Allah:

“At kung ninais lamang ng inyong Panginoon, ang lahat ng tao na nasa kalupaan ay sasampalataya nang sama-sama. Kaya’t iyo bang pipilitin ang sangkatauhan (O Muhammad), ng laban sa kanilang kalooban, and hanggang sila ay maging mananampalataya.” (Qur’an 10:99)

Ang Dakilang Allah ay nagsabi rin:

“Sabihin: ‘Ang Katotohanan ay mula sa inyong Panginoon.’ At kung sinuman ang magnais, hayaan siyang manampalataya at kung sinuman ang magnais, hayaan siyang huwag manampalataya. Katotohanang Aming inihanda sa mga Zalimun (mga mapagsamba sa mga diyus-diyusan, pagano, tampalasan) ang apoy na ang mga dingding nito ay nakapalibot sa kanila. At kung sila ay hihingi ng tulong, sila ay bibigyan ng tubig na tulad ng kumukulong langis na babanli sa kanilang mukha. Kakilakilabot ang inumin dito at isang masamang paninirahan o pahingahang lugar.” (Qur’an 18:29)

Sinabi rin ng Dakilang Allah:

“At kung sila ay tumalikod, ang iyong tungkulin (O Muhammad) ay upang maiparating lamang (ang Mensahe) sa maliwanag na paraan.” (Qur’an 16:82)

Sinabi rin ng Dakilang Allah:

“Kaya’t paalalahanin mo sila (O Muhammad), ikaw ay isa lamang (Sugo na) tagapagpaala-ala. Subali’t hindi ikaw mamamahala sa kanilang kapakanan.” (Qur’an 88:21-22)

Sinabi rin ng Dakilang Allah:

“Sabihin: ‘Sundin ninyo ang Allah at sundin ang Sugo, datapwa’t kung kayo ay magsitalikod, siya (ang Sugo na si Muhammad) ay may pananagutan lamang sa tungkuling iniatang sa kanya, at ang sa inyo ay kung ano ang iniatang sa inyo. At kung kayo ay susunod sa kanya, kayo ay malalagay sa tamang patnubay. Ang tanging tungkulin ng Sugo ay upang ipaabot sa inyo (ang mensahe) sa maliwanag na paraan.” (Qur’an 24:54)

At sinabi rin ng Dakilang Allah:

“At sinuman sa mga paganong mapagsamba sa mga diyus-diyosan ang humingi ng iyong pangangalaga, kung gayon, iyong gawaran siya ng pangangalaga upang kanyang marinig ang Salita ng Allah, at iyong samahan siya sa lugar na siya ay magiging ligtas. Sapagkat sila ay mga tao na walang kaalaman.” (Qur’an 9:6)

Ang mga nabanggit sa itaas at marami pang ibang talata sa Qur’an at sa mga katuruan mula sa mga tradisyon ng Propeta () ay maliwanag na iniulat na walang sapilitan o puwersahan sa Relihiyon; walang sinuman ang maaaring pupuwersahin laban sa kanyang kalooban upang siya ay yumakap sa Islam. Ang pananampalataya ay nararapat na kusang-loob at batay sa matatag na paniniwala mula sa puso, kasunod nito ang pagpapatunay sa tamang pananalita at mabuting gawa. Ang panunumpa sa pananalig o kredo ng Islam na, “LA ILAHA ILLALLAH” (Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah) na nagmumula lamang sa bibig ay hindi sapat na patunay bilang isang mananampalataya, subali’t, kung ito ay sinabi mula sa kaibuturan ng kanyang puso at paniniwala, ang isang tao ay kaagad-agad magiging isang Muslim. Katulad ng pagsabi ng Dakilang Allah tungkol sa mga ‘Bedouin’ na nagkukunwari na sila ay naniniwala sa pananalita ngunit walang matibay na pananalig.

“Ang mga Bedouin (mga Arabong nananahan sa disyerto) ay nagsasabi: ‘Kami ay sumsampalataya.’ Sabihin: ‘Kayo ay hindi sumasampalataya,’ bagkus ay nagsasabi lamang ng: ‘Kami ay nagsuko ng aming kalooban sa Allah (sa Islam)’, sapagkat hindi pa pumasok ang pananampalataya sa inyong puso. Datapwa’t kung inyong susundin ang Allah at ang Kanyang Sugo, hindi Niya mamaliitin ang inyong mga gawa at hindi babawasan ang inyong gantimpala. Katotohanan ang Allah ay ang Mapagpatawad, ang Pinakamaawain.” (Qur’an 49:14)

Batid natin na hindi maaaring pilitin ang isang tao na baguhin kung ano ang nasa kaibuturan ng kanyang puso, at maaaring ang isang tao ay magsasabing pakunwari mula sa kanyang dila na siya ay naniniwala ngunit ito’y walang katiyakan: ito ay hindi Islam o Islamikong paniniwala. Sa ganitong katwiran ang Dakilang Allah ay nagsabi tungkol sa isang napilitang tumalikod sa Islam dahil sa labis na pagpapahirap sa kanya:

“Sinuman ang magtakwil SA pananampalataya matapos Na siya ay manampalataya, maliban SA kanya Na sapilitang pinagawa dito at ang puso ay nakasadlak SA Pananalig, – subali’t sila Na naglantad ng kanilang dibdib SA kawalan ng pananalig, – sasapit SA kanila ang Poot ng Allah, at sasakanila ang matinding kaparusahan.” (Qur’an 16:106)

Malalantad ang kawalan ng paniniwala kapag binuksan ang puso mula sa kawalan ng pananampalataya (ng walang pagbibiro) na maluwag sa kalooban, at sa ganitong batayan, ang isang tao ay magsasalita ng kasamaan at gagawa ng krimen laban sa Allah at laban sa mga Kapahayagang patnubay mula sa mga Sugo at magiging ‘apostate’ (tumalikod ng ganap sa Relihiyon) pagkaraang siya ay naniwala (isang Muslim).

Ang isa pang paratang (patungkol sa itaas) na ang Islam ay lumaganap sa pamamagitan ng puwersa ng sandata at digmaan. Isang matibay na paniniwala na kahit na anong uri ng sistema o pamahalaan, kahit ano pa ang batayan, kinakailangan dito ang makapangyarihang lakas upang ipagtanggol ang mga tagasunod, pangalagaan ang karangalan, ipalaganap ang alituntunin, tiyakin ang makatarungang pagpapairal ng kanyang batas, at ang magpatupad ng pantay na pagsasagawa ng legal na kaparusahan laban sa mga kriminal at sa mga nagrebelde laban sa pamahalaan. Katulad ng paglalahad sa isang tradisyon ng Propeta():

“Katotohanan, ang Allah ay nagpapaalaala SA karapatan ng mga pinuno, ng higit SA pagpapaalaala SA Banal na Kapahayagan – ang Qur’an.” (i.e.: higit na ipinapatupad ang makatarungang pagpaparusa kaysa sa maka-Diyos na pagbasa ng kasulatan). (al-Hindi, Kanz-ul-Aámaal)

Tayo ay sumulyap sa mga unang panahon ng Islam at ang kanyang kahanga-hangang paglaganap sa mga lugar na kilala sa mundo upang ating suriin ang katotohanan sa mga paratang batay sa mga kasulatang makatotohanan ng kasaysayan. Ang Sugo ng Allah na si Muhammad (), pagkaraan naibigay sa kanya ang karapatan mula sa Dakilang Allah, ang kanyang pagiging Sugo upang maipahayag at maipalaganap ang banal na mensahe ng Islam, ay nanatili siya sa sagradong siyudad ng Makkah ng labing-tatlong taon sa kanyang pag-anyaya sa Islam sa mga mamayan ng tribo ng Quraish at sa mga bisita sa Makkah. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang maipaalam at maibigay ang mensahe ng Qur’an at ang mga tradisyon (Sunnah), na dito nakaranas ng mga maling pagpaparatang, paninirang puri, pagmamalupit, pang-aapi, pangtanggi, pagbabanta at malupit na pagsalakay ng kanyang mga mamamayan. Ang mga niniwala ay nakiramay sa kanyang paghihirap, at sa dahilang hindi pa siya napag-utusan sa panahong iyon ng Dakilang Allah na lumaban sa mga nang-aabuso, ang kanyang mga tagasunod ay nagbata at nagtiyaga at nagdusa sa pinakamataas na uri ng pagmamalupit ngunit sila ay nagpigil sa kanilang mga kamay at nanindigan sa panuntunan ng mapayapang pagsasagawa ng kanilang layunin. Marami sa kanila ang pinahirapan at ang mga iba sa kanila ay naging martir para sa kanilang pananampalatayang Islam. Ang kahalagahan ng mga matatapang na kaluluwa ay napatunayan sa pagsaksi sa mahabang panahong paghihirap ng kanyang mga tagasunod na nagbata sa marahas na pagsubok. Pinaginhawa ng Propeta ang paghihirap ng kanyang kasamang si Ammar ibn Yasir () at ng kanyang mga magulang (na ang kinahinatnan ay sila ang naging unang mga martir sa Islam)… sa pagsabi ng mga sumusunod na pangungusap;

“Maging matiisin, O pamilya ng mga Yaser! Ang Paraiso ay ang inyong magiging permanenteng tahanan.” (Al-Hakim)

Pinayagan ng Propeta () ang kanyang mga tagasunod na gustong lumikas sa Etiyopia upang makaiwas mula sa pang-aapi at pagpapahirap. Sila ay nakatagpo ng kanlungan sa ilalim ng pangangalaga ng isang makatwirang namumuno sa panahong iyon na si Najashi, na tuluyang yumakap sa Islam. Kahit na sa ganitong napakasamang pangyayari ang Allah, ang Pinakamaalam at Pinakamaawain, ay nag-utos sa Kanyang Sugo na si Muhammad () na maging matiisin, mahinahon at mapagparaya sa kanyang mga mamamayan habang nagpapalaganap ng mensahe. Mayroong mga naulit na halimbawa sa kanyang pagiging sobrang pagkamaawain, mahabagin, kadakilaan at pakikiramay sa harap ng walang tigil na karahasan at pananalakay. Ang Propeta () at ang kanyang mga kasamahan ay tumayo ng matatag sa kanilang paniniwala at pagpapalaganap ng mensahe sa pagsunod sa kautusan ng Dakilang Allah katulad ng sumusunod:

“Kaya’t maging matiyaga ka (O Muhammad) na katulad rin nang ginawa ng mga Sugo na may matatag na hangarin, at huwag kang mawalan ng pasensiya sa mga hindi sumasampalataya. Sa araw Na kanilang mamamasdan ang kaparusahan Na ipinangako SA kanila, (ie: tinakot, at sa wari bang) parang sila ay hindi man lamang nagtagal ng isang oras sa buong maghapon. Ang iyong tungkulin ay upang ihatid lamang ang Paala-ala (ang Qur’an at Hadith). Datapwa’t walang mawawasak maliban sa mga mapanghimagsik (sa Allah).” (Qur’an 46:35)

At lagi niyang ipinagdarasal ang patnubay ng kanyang mga kasamahan ng ganito: “O Allah! Patnubayan Mo ang aking mga mamamayan, dahil hindi nila nauunawaan!”

Ang Propeta () ay tuloy-tuloy ang pagpapalaganap ng mensahe sa Makkah. Siya ay naghanap sa mga tribo-tribo ng sinumang maaaring makatulong at magtatanggol sa kanya. Ipakikilala niya ang kanyang sarili at ang kanyang misyon sa mga bumibisitang mga tao at sa mga tribo ng Makkah sa panahon ng kasikatan ng mga palengke ng mga Arabo. Nagkataon na ang isang grupo ng tao mula sa lunsod ng Yathrib (tinatawag ngayong ‘Madinah’ ang lunsod ng Propeta,) ay naniwala sa Mensahe ng Islam. Ibinigay nila ang kanilang pangako ng katapatan upang tulungan at ipagtanggol siya katulad ng kanilang pagtatanggol sa kanilang sariling ari-arian, kayamanan, karangalan, katapatan at sambahayan, at kung siya ay hihingi ng kanlungan at mandayuhan kasama ang kanyang mga mananampalataya sa kanilang sariling lunsod. Kaalinsabay nito ang pagmamalupit sa Makkah na humantong sa mapanganib at peligrosong yugto na ang mga pinuno ng mga tribo ng Quraish ay nagsabwatan na patayin ang Propeta (). Ang pangyayaring paglikas (sa Madinah) ay naging isang malaking pagbabago sa kasaysayan ng Islam, dahil sa Madinah naitayo ang unang Masjid (Moske). Ang pangkapatiran ng mga Muslim ay umundlad at lumago hanggang ang Islamikong Estado ay naitatag dahil sa kanyang personal na pamamahala at patnubay.

Malalaman natin na si Propeta Muhammad () at ang kanyang mga tagasunod ay hindi kailanman nagpadanak ng dugo sa kanilang paghihiganti sa mahabang panahon ng pagpapahirap at pang-aapi sa lunsod ng Makkah dahil siya ay hindi pinag-utusang lumaban, manapay naging mapagpasensiya at matiyaga. Ang digmaan at ang labanan ng may armas mula sa kabig ng mga Muslim ay nagsimula pagkaraan ng dalawang taon niyang paglikas mula sa Makkah papuntang Madinah, na noon ang mga taga tribo ng Quraish ay natakot sa pangingibabaw at sa pagpapatuloy na paghadlang ng Islam sa daan ng mga nang-aapi at pagkaraan naubos ang paghahanap ng lahat ng mapayapang pamamaraan.

Mula noon ang bayan ng Madinah ay dinadaanan ng mga karaban ng mga negosyanteng nagmumula sa tribo ng Quraish papunta sa kalakhan ng Sirya. Ang unang paglalaban ay nangyari noong naka-enkuwentro ng Sugo ng Allah () ang pang-komersyong karaban na pinamumunuhan ng magiting na taga Quraish na si Abu Sufyan (). Binalak ng Propeta () na magpataw ng isang uri ng pagpapahintulot para sa pang-ekonomiya sa mga taga tribo ng Quraish upang payagan siyang mapayapang magpalaganap ng pananampalataya sa ibang tao ng hayagan. Kalakip ng binabalak ay upang mabayaran ang mga mananampalataya sa kanilang ari-arian, pag-aari at kayamanan na hindi makatarungang kinumpiska ng mga Quraish sa Makkah bago sila lumikas (sa Madinah). Ang mga karaban ay nakaiwas sa pagtambang datapwa’t ng malaman ang pangyayari, ang mga pinuno ng mga Quraish ay naghanda ng kaukulang laki at lubos sa gamit na hukbo na aatake sa mga Muslim. Ang kinalabasan ay ang unang masidhing digmaan na nangyari sa lugar na Badr. Subali’t ang mas maliit at walang mga gamit na mga Muslim na mayroong bilang na puwersang 313 na nakipaglaban ay nilupig ang mga mayayabang na hukbo ng Quraish sa nakakahiyang pagkatalo. Ang Allah, ang Dakila at Kataas-taasan ay inilarawan ang makatwirang pangyayari sa digmaang ito:

“Sila Na itinaboy SA kanilang mga tahanan ng walang katarungan sapagkat sila ay nagtatanggol SA karapatan at nagsasabi ng: ‘Ang aming Panginoon ay ang Allah.’ At kung hindi lamang sa pagsalangsang ng Allah sa ibang mga tao sa pamamagitan (rin) ng iba, ay marami ang mawawasak na mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga moske, kung saan ang Ngalan ng Allah ay ginugunita nang masagana. Katotohanan ang Allah ay tutulong SA mga tao Na tumutulong SA Kanyang Kapakanan. Katotohanan ang Allah ang Ganap na Malakas, ang Lubos na Makapangyarihan. Sila (na mga Muslim), na kung sila ay Aming pagkalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, (sila) ay mag-uutos ng Salah (takdang pagdarasal), at pagbabayad ng Zakah (tulong na pangkawanggawa) at sila ay mag-aanyaya sa lahat ng kabutihan at magbabawal sa lahat ng kasamaan. At sa Allah nakasalalay ang kahihinatnan ng lahat ng mga pangyayari.” (Qur’an 22:40-41)

Ang Dakilang Allah ay nagsabi:

“At ano ba ang pumipigil sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa Landas ng Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan nang masama at inaalipusta sa lipon ng kalalakihan, kababaihan at mga bata, na ang panambitan ay: ‘Aming Panginoon! Kami ay iligtas Ninyo sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api; at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makapangangalaga, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang makakatulong.” (Qur’an 4:75)

Ang Dakilang Allah ay nagsabi rin:

“Makipaglaban kayo alang-alang sa Kapakanan ng Allah sa kanila na nakikipaglaban sa inyo, datapwa’t huwag ninyong labagin ang mga hangganan, sapagkat ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamalabis (sa pagsuway) sa hangganan…” (Qur’an 2:190)

Sa lahat ng mga digmaan na sinalian at pinagwagian ng Sugo ng Allah () at ng kanyang mga kasamahan na nangyari sa loob ng dalawamput-tatlong taon sa misyon ng Propeta () sa Makkah at sa Madinah, tatlong daan at pitungpu’t limang tao lamang ang nasawi sa mga labanang ito. Noong ika-siyam na taon ng Hijra (Paglikas o ‘Immigration’) na tinawag na ‘Taon ng mga Kinatawan’, ang Propeta () ay nakatagpo ng mga humigit-kumulang na isang-daang kinatawan mula sa ibat-ibang tribo ng buong Peninsula ng Arabia upang sumangguni at makipag-unawaan sa Propeta (). Sinalubong sila ng may lubos na kagandahang-loob at ng may kadakilaan. Sinagot lahat ang kanilang mga tanong tungkol at may kaugnayan sa Islam na Pananampalataya (Aqeedah) at sa Batas (Shari’ah). Ang karamihan sa kanila ay tunay na humanga sa pag-anyaya ng Propeta() at tinanggap nila ang Islam. Ang Sugo ng Allah () ay nagpadala din ng mga sulat sa mga namumuno sa mga nakapaligid na bansa at inanyayahan sila na tanggapin ang Mensahe ng Dakilang Allah, na babanggitin sa bandang ibaba.

Pagkaraan noon, sa buong buhay ng Propeta (), ang buong Peninsula ng Arabia, sa unang pagkakataon sa kanyang kasaysayan, ay nagkaisa sa isang makatarungan at pantay na alituntunin, pangangasiwa sa batas at sa banal na Relihiyon. Ang karamihan sa mga Arabo ay kusang-loob na tinanggap ang Islam ng maramihan pagkaraang narinig ang Qur’an at nang nakita ang Propeta at ng kanyang tradisyon (pamamaraan) pati na ang kanyang mga kasamahan bilang halimbawa. Nasaksihan ang batas ng Islam na may konting pag-aatubili sa mga lipon ng Hudyo at mga Kristiyano (na pinayagan manirahan sa loob ng Islamikong Pamahalaan na taglay ang kanilang dating paniniwala) sa itinakdang kasunduan tungkol sa karapatan at mga ubligasyon katulad ng pagbabayad ng ‘Jizya’ (tax) kapalit ng pangangalaga ng Pamahalaan (sa kanila) at sa di-paglahok sa serbisyo ng pang-militar. Katotohanan ang rebolusyonaryong pagbabago ay isang himalang tagumpay kung isaalang-alang ang kakaunting pag-aari (ng mga Muslim) nang mangyari ito. Naging panghabang-buhay ang naging bunga nito sa buong daigdig, at ang Allah, ang Dakila, ay ang nagbibigay ng tagumpay sa kaninumang Kanyang nais.

Ang mga napatnubayang mga Kalipa (Namuno), ang mga kasamahan at ang mga napatnubayang hinalinhan ay sumunod sa mga halimbawa ng Propeta nang siya ay namatay at ipinagtatanggol ang bansang Islamiko mula sa mga kaaway. Sinakop ang mga nakapalibot na mapang-aping mga Imperyo na nagtangka sa kanilang pamumuhay. Nagpalaganap ng Islam sa pagsikhay at pagsisikap sa kanilang misyon sa pamamagitan ng kanilang kagalingan, kabutihang-asal at sa makatwirang pakikipag-ugnayan. Ang mga taong ito, sa anumang pamantayan, ang kanilang mga taong nalupig ay mas marami ang bilang at nakakahigit sa mga gamit na pandigma, mga paghahanda at sa pagka-propesyonal na kagalingan sa pakikidigma. Subali’t ang kalakasan ng kanilang banal na pananampalataya, misyon at ang nakakahigit nilang moral sa kagandahang-asal ay nakabihag sa puso at isip ng mga pangkaraniwang mamayan bago dumating ang pangangailangan na dapat malupig ang mapang-aping hukbo na ang kanilang kalupitan sa mga mamamayan ay hindi na matiis.

Ang isa sa mga nag-Muslim sa panahon natin, si Basheer Ahmad, ay nagsabi sa paglalarawan ng bagay na ito: ‘Isa sa pinakamalaking palaisipan sa akin, at isa sa pinaka-mabigat na pagkabalisa bago ko tinanggap ang Islam at niyakap ko bilang pamamaraan ng buhay, ay ang paratang ng mga Kristiyano na ang Islam ay lumaganap dahil sa talim ng tabak (i.e.: pinapatay daw ang hindi magmu-Muslim?). Samakatuwid, ang tanong ko sa aking sarili, kung ang paratang na iyon ay totoo, bakit napapansin natin na maraming mga tao, sa lahat ng sulok ng mundo, ay nananatiling naninindigan sa Islam at yumayakap dito, sumasama dito at tinatanggap bilang pamamaraan ng buhay? Bakit nakikita natin sa araw-araw na maraming taong yumayakap sa Islam ng walang pamimilit o dahas ng sinuman?’ [Paraphrased from Dr. Imad-du-Deen Khalil: “What Do They Say about Islam?” p.295]

Si G. Norman A. Daniel, ay nagsabi sa mga pinagmulan ng mga inimbento nilang alamat, “…Ang Kanluran ay naghubog ng humigit-kumulang na hindi nagbagong batas kanoniko tungkol sa Islam; tiniyak sa kanilang sarili kung ano ang Islam noon… Ang mahalagang bagay ay naangkop sa Kanluran… binigyan ang Kristiyanismo ng pagpipitagan sa pakikitungo sa mga sibilisasyon na nakakahigit sa maraming bagay.” [Islam and the West: The Making of an Image, p. 270]

Si De Lacy O’Leary ay nagbigay ng puna sa kamaliang ito: “Ginawang maliwanag ng kasaysayan, gayunman, na ang alamat o pinagmulan ng mga sinasabing panatikong mga Muslim na lumaganap sa buong mundo at pinilit ang Islam sa pamamagitan ng patalim sa nasakop na mga lahi ay isang pinaka-kakatwang walang katotohanan na alamat na inuulit-ulit ng mga mananalaysay.” [Islam at the Crossroads, London, 1923, p. 8]

Si Dr. Gustav LeBon ay nagsabi sa kanyang aklat na, ‘Civilization of the Arabs [p.127–128]’: “…ang karahasan ay hindi naging dahilan sa paglaganap ng katuruan ng Koran, at ang mga nasakop ng mga Arabo ay iniwang malaya sa pagsasagawa ng kanilang paniniwalang mga Relihiyon. Kung nangyari Na mayroong mga Kristiyanong yumakap SA Islam at ginamit ang Arabik bilang kanilang salita, ay unang-una, dahil sa ibat-ibang uri ng hustisya o katwiran sa mga lugar ng mga Arabong nagwagi, na sa ganitong pamamaraan ang mga di-Muslim ay hindi sanay o bihasa. Maaari din isang dahilan na ang Islam ay mapagparaya at di-mahigpit, na ito ay lingid sa mga ibang Relihiyon.” [Paraphrased from Dr.Imad-du-Deen Khalil: “What Do They Say about Islam? p.314]

Sinabi rin niya na: “…ang mga unang Kalipa… ay lubhang mababait sa kanilang pakikitungo sa mga taong taga Sirya, Ehipto, Espanya at sa ibat-ibang bansa na kanilang napasuko, iniwan silang nagsasagawa ng dati nilang mga batas at alituntunin o paniniwala at pinatawan lamang ng pagbabayad ng maliit na halaga ng ‘Jizya’ para sa kanilang pangangalaga at pag-iingat upang maging mapayapa na kasama nila. Sa katotohanan, ang mga ibang bansa ay hindi nalaman ang pagiging mahabagin at mapagparayang mga nanakop katulad ng mga Arabo.”

Kung ang Islam ay lumaganap bilang bunga ng digmaan laban sa mga Muslim mula sa mga kaaway na nagbanta sa kanilang buhay, at ang pagkatalo ng mga nanakop at ang kinalabasan ay ang pagiging bulok ng kanilang pamahalaan, ito ba ay naiiba sa kasaysayan, lalo na kung ikukumpara sa mga ibang kabihasnan? Ang tunay na naiiba sa Islamikong pananakop ay ang kanilang layuning pagpapalaya sa mga karamihang naaapi, katulad ng tanyag na kasagutan na ibinigay sa Emperador ng Persiya ng mga kasamahan ng Propeta () nang sila ay tanungin kung ano ang idinulot ng mga Muslim sa kanilang mga lupain, katulad ng naisulat sa mga aklat ng kasaysayan: “Isinugo kami ng Allah upang kunin ang sinuman mula sa pagkaalipin ng ibang mga tao, tungo sa pagpapaalipin sa pagsamba sa Allah, mula sa pagkabilanggo sa mundong ito tungo sa malawakang kalayaan (na siyang idinulot ng Islam sa mundong ito at sa Kabilang Buhay), at mula sa kawalan ng katarungan sa lahat ng pamamaraan ng buhay (ng mga makamundong namumuno) tungo sa katarungan ng Islam.” [tingnan: ‘Ibn Katheer, Bidayah wa Nihayah’].

Sa tuwirang kabaligtaran sa mga karamihang halimbawa ng mga patayan, mga panggagahasa, mga pandarambong, at ang mga walang katarungang nabanggit sa kasaysayan sa (pahinang) pagpapakilala (sa aklat na ito), ay hindi natin maihahambing ang pangyayari sa kasaysayan nitong pananakop noong unang panahon ng Islam. Si G. Thomas Carlyle, sa kanyang tanyag na sunod-sunod na mga panayam, ay nagpaliwanag tungkol sa paglaganap ng Islam katulad ng mga sumusunod: “Sobra na ang pagbanggit sa Relihiyon ni Mahomet na sinasabing lumaganap sa pamamagitan ng tabak. Walang pagdududa Na higit Na dakila ang ating pagmamalaki SA Kristiyanong Relihiyon, Na ito ay lumaganap SA sarili nitong may kapayapaan SA paraan ng pagpapalaganap at matibay na pananalig. Subali’t sa kabila ng lahat, kung ating pag-uusapan ang katotohanan o kamalian ng isang Relihiyon, mayroong sukdulang kamalian dito. Sa katunayan tungkol sa tabak, saan kukunin ang tabak! Lahat ng bagong pagpapalagay, SA kanyang umpisa ay tiyak Na SA maliit na bilang. Sa isip na lang ng isang tao, doon tumatahan muna. Isa lamang sa buong mundo ang naniniwala dito; may isang tao laban sa lahat ng tao. Na siya ay kumuha ng tabak, at nagtangkang magpalaganap SA pamamagitan nito, may magagawang kaunti para SA kanya. Kumuha ka muna ng iyong tabak! Sa kabuuan, ang isang bagay ay magpaparami ng sarili niya sa kanyang kakayahan. Hindi natin makikita, kahit Na SA Relihiyon ng Kristiyano Na lagi ang paghamak SA tabak, kung ang isang tao ay mayroon nito. Ang kombersyon ng mga ‘Saxon’ ay hindi sa pamamagitan ng pangangaral ni G. Charlemagne. Hindi ko binibigyang halaga ang tabak; hahayaan ko ang isang bagay na magsikap ang sarili sa mundong ito, kahit na sa anumang tabak o dila o mayroong siyang maisakatuparan o mailatag na panghahawakan. Hahayaan natin siyang mangaral, magbigay ng polyeto, at makipaglaban, at gawin ang lahat ng magagawa, sa pamamagitan ng tuka at kuko, kung anuman ang nasa kanya, makakasiguro na sa bandang huli, makakasakop siya nang hindi dapat sakupin. Kung ano ang mabuti sa kanyang sarili, ay hindi maitatapon kung hindi ang isang bulok lamang. Sa dakilang Duwelo, ang Kalikasan mismo ay ang reperi, at hindi makakagawa ng kamalian; ang isang bagay na nagkaugat na ng malalim sa Kalikasan, na siyang matatawag nating –tunay-, ang bagay na ito at hindi ang iba ang siyang makikita nating tutubo sa bandang huli.” [‘Heroes, Hero Worship, and the Heroic in History,’ Lecture 2, Friday, 8th May 1840]

Sa paghahambing sa itaas, kumuha tayo ng mga pahayag mula sa bibliya at basahin kung ano ang pinanghahawakan ng mga Hudyo at Kristiyano bilang sagrado at banal na patnubay tungkol sa kaasalan sa digmaan, at siyang nagbungsod sa kanila sa pagpapalawak at pananakop. Mababasa natin sa Aklat ng Deuteronomio:

“10. Kapag malapit ka na sa lunsod na iyong kukubkubin, alukin mo muna ito ng kapayapaan. 11. Kung tanggapin nito ang kapayapaan at buksan sa iyo ang mga pintuan, magiging trabahador mo ang lahat ng taong naroroon at maninilbihan sila sa iyo. 12. Kung tanggihan naman nila ang alok mong kapayapaan at makipaglaban sa iyo, kubkubin mo ang siyudad. 13. at kapag ibinigay iyon SA iyong mga kamay ng iyong Diyos, pagtatagain mo ng tabak ang lahat ng lalaki. 14. Ang mga babae lamang at mga bata, ang mga hayupan at lahat ng iba pang nasa siyudad ang masasamsam mo para sa iyo. At kakanin mo ang mga nasamsam sa iyong mga kaaway na ibibigay sa iyo ng Diyos mo. 15. Ganito ang gagawin mo sa lahat ng lunsod na napakalayo sa iyo, na hindi mga siyudad ng lupaing aangkinin mo. 16. Ngunit sa mga lunsod ng lupaing ibinibigay sa iyo ng iyong Diyos bilang pamana, wala kang iiwang buhay. 17. Lipulin mo silang lahat ayon sa batas ng Anathema – ang mga Heteo, Amorreo, Kananeo, Parezeo, Heveo at Hebuseo – tulad ng iniutos sa iyo ng Diyos mo.” [Deuteronomy 20: 10-17]

Sa pagsakop sa siyudad ng Jerico at sa kapalaran ng mga dukhang naninirahan doon, mababasa natin ang:

“Tumunog ang mga tambuli at sumigaw ang mga tao. Noon din ay gumuho ang muog ng lunsod at pumasok ang bawat isa sa lunsod sa dakong katapat niya. Sinakop nila ang siyudad (Jerico) at pinatay nila sa tabak ang lahat ng lalaki’t at babae, bata man o matanda, kasama ang mga baka, tupa at asno (dahil sa banal na sumpa) sa pamamagitan ng tabak.” [Yusha’ 6/20-21]

Sa lunsod ng Muqeideh at Labneh, pareho ang ginawa nila katulad sa Jerico.

“Noong araw ding iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinatay niya sa tabak ang hari at ang mga mamamayan. Inihandog niya sa Diyos ang lahat ng naroroon at wala siyang pinaligtas. Ginawa niya sa hari ng Makeda ang ginawa niya sa hari ng Jerico.” [Yusha’ 10/28]

Isang nakakalitong pahayag sa ebanghelyo ni Mathew sa salita ni Hesus () ay mababasa natin:

“Huwag ninyong isipin na dumating ako para magdala ng kapayapaan sa lupa, hindi kapayapaan ang dala ko kundi tabak.” [Mateo 10:34; at ihambing sa Lucas 22:36]

“At sinabi ni Hesus: ‘Ngayon naman, magdala ang may pitaka gayon din ang may bag; at kung may walang tabak, ipagbili niya ang kanyang balabal para bumili.” [Lucas 22:36]

Ano ang tabak na ito? Sino ang may kapangyarihan na itaas ito? Ito ay hindi maliwanag at mainit na pinagtatalunan. Maaaring ito ay maitataas sa kanyang ikalawang pagdating. Hanggang si Constantine na nagmalupit sa mga naunang minoryang Kristiyano ay waring nagpasiya sa walang dahas o kalupitan at naghintay sa nalalapit na pagbabalik, subali’t pagkaraan niyon, ang mga ‘Trinitaryang Kristiyano’ ay naging opisyal na Relihiyon ng bansa noon pagkatapos ng pamamahala ni Constantine, ang tabak ay nahinang sa Estado, at ang mga namumunong Kristiyano mula noong unang panahon ay pinangunahan ang maraming digmaan at nanlupig sa ngalan ng Relihiyon. Ang Kristiyanong prinsipyo ng pagkamasunurin sa kaninumang may kapamahalaan ay batay sa pakahulugan na pahayag ni Hesus () na sinabi, “Ibigay ang kay Caesar”. Ito ay higit na ipinaabot ng mga Kristiyanong Teologo upang gawing makatwiran at iaayon sa batas ang karapatan ng banal na tuntunin at pagkaraan, kahit na pambansang patakaran o walang kaugnayan sa Relihiyon na alituntunin, batay sa doktrinang ‘Pauline’ katulad ng pagdambana sa ipinag-utos nito:

“Ang bawat isa ay nararapat pasakop sa mga may kapangyarihan, dahil walang kapangyarihan na naitatag na hindi galing sa Diyos. Ang mga kapangyarihan na umiiral ay itinatag ng Diyos.” [Romans 13:1]

Ang pahayag at ang katotohanan sa itaas ay maaaring maitulad sa mga ibang patnubay mula sa Aklat ng Allah (), ang Qur’an, at ang pamamaraan ng Propeta (), ang kanyang Sunnah, upang magbigay ng karagdagang katibayan na totoong ang Islam ay ang Relihiyon ng kapayapaan, sa kabila ng katotohanan na ang mga ibang di-masunuring mga Muslim ay pinasama, sa salita at sa gawa, ang larawan ng Islam, at sa kabila ng mga nakakalason na propaganda, paninirang puri at ang mga kakatwang walang katotohanang impormasyong inimbento at ipinamahagi ng mga kaaway ng Islam sa kanilang kilusan laban sa Islam at sa mga Muslim.

Hindi namin ipinagkakaila ang mga pagkalihis at ang mga walang katarungang ginagawa paminsan-minsan ng mga ibang Muslim, subali’t ang pangkalahatang tangay ng pangkasaysayan kalakaran ay ang aming katibayan, katulad ng nakasulat sa itaas. At kaakibat ng pangungusap na ito maaaring magbigay ng mahalagang karagdagang halimbawa, dahil nagpapakita sila ng pangkalahatang disenyo. Ang mga Kristiyanong manlulupig ng ‘Jerusalem’ ay pinatay lahat ang mga Hudyo at Muslim na naninirahan dito, datapwa’t ang pagsakop ulit sa ‘Jerusalem’ ni Salahudeen Al-Ayubi ay masasabing kapuri-puring halimbawa bilang kadakilaan at kabutihang-loob. Kabaligtaran naman ang mga pangyayari sa Andalus (Mga Muslim sa Espanya) at sa Anatolia (Asia minor). Pinaalis ng mga Kristiyano ang mga Muslim at mga Hudyo mula sa Espanya at ang mga iba ay isinailalim sa tabak at ang mga iba ay pinilit na sumampalataya sa Kristiyanismo noong kapanahunan ng nakakahiyang Matingding Pagtatanong – (“Inquisition”), ang pangkaraniwang pagtrato sa mga Muslim sa ilalim ng pamamahala ng mga Kristiyano. Sa panahong ding iyon nasakop ng mga Muslim ang karamihan na may lahing ‘Turkish’ ang tinatawag ngayong ‘Turkey’, at kung ihahambing sa iba sila ay higit na mapagpaubaya, at hanggang sa araw na ito doon parin nakatayo sa Istanbul ang simbahan ng ‘Eastern Orthodox’ (ang nalupig na Constantine). Ang bantog na taga Silangan na si ‘Sir Thomas Arnold’ ay tinanggihan ang masamang propaganda tungkol sa Islam at nagsabing: “…ano man ang pagtatangkang binuo upang sapilitang ibigay ang Islam sa mga di-Muslim na pamayanan, o kung anuman ang pamamaraan o ang sistemang pagpapahirap upang maitatak ang Kristiyanismong Relihiyon, wala kaming narinig. Kung ang mga piniling Kalipa ay isinagawa ang alinman sa dalawang hakbang na ito, maaaring nawalis kaagad ang Kristiyanismo katulad ng madaling pagtataboy nina Ferdinand at Isabela sa Islam palabas sa Espanya, o kaya si G. Louis XIV na nagtakda ng parusa sa mga Protestante sa Pransiya, o ang mga Hudyo na pinalabas at hindi pinapasok sa Inglatera sa loob ng 350-taon. Ang mga simbahan sa silangan ng Asya (Asia) ay ganap na pinutol at nawalan ng komunyon o pakikipag-isa sa lahat ng Kristiyano sa lahat ng dako na walang sinumang nagtangkang tumulong para sa kanilang kapakanan, bilang may paniniwalang erehe o ‘heretical communions’. Kaya’t ang mismong pagkaligtas ng mga simbahan hanggang sa ngayon ay isang mabigat na katibayan ng pagpaparayang ipinakita ng pamahalaan ni Muhammad para sa kanila. [Sir Thomas W. Arnold: The Preaching of Islam, a history of the propagation of the Muslim faith, Westminster A. Constable & Co., London, 1896, p. 80]

Ang hindi magandang pangyayari sa kasaysayan ay ang pangingibabaw sa mundo ng kasaysayan ng Europa kaysa sa kasaysayan ng Islam, at ang naging reaksiyon kontra sa tuloy-tuloy na paglalaban ng mga sekta ng mga Kristiyano sa Europa ay naging daan sa pagkalikha at pagsimula ng modernong sekularismo sa Europa, ang pagsamba sa mga tao, ang pagkamakabayan, ang di-paniniwala sa Diyos, at nakikita natin na ang mga kalakaran na ito ay siyang mga ugat ng malaking salot sa pulitika at sa lipunan na nakaakit sa mga tao sa panahong ito.

ISLAM ANG RELIHIYON NG KAPAYAPAAN

Ang Kahulugan ng Islam

 

Ang salitang Islam ay nangangahulugan ng pagsuko at pagtalima sa Allah, (ang Pinakamakapangyarihan, ang Tagapaglalang at Panginoon ng lahat ng nilikha), ng buong pagkatao at kaluluwa, sa pamamagitan ng pagtalima sa lahat ng ipinag-uutos at ipinagbabawal sa Kanyang ipinahayag na batas, sa pagtupad at buong pusong pagsunod sa Kanyang Kagustuhan at Pagpapasiya, at sa pagtanggap sa lahat ng kapalaran na itinalaga ng Dakilang Allah para sa tao sa daigdig. Ang Allah ang Pinakamapagbigay at Pinakamaawain na Siyang nakakaalam sa nararapat na kailangan ng tao, na nagpapatupad sa lahat ng mabuti at nagpapaala-ala laban sa lahat ng kasamaan. Samakatuwid ang Kanyang Batas na ipinahayag ay ganap para sa pandaigdig na pangangailangan, karapatan at pananagutan ng tao. Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur’an tungkol kay Propeta Ibarahim (u) (Abraham):

“Pagmasdan! Nang ang kanyang Panginoon ay magwika sa kanya: ‘Pasakop’. Siya ay nagwika: ‘Ako ay nagpapasakop sa Panginoon at Tagapagtaguyod ng lahat ng mga nilalang.” (Qur’an 2:31)

Ang kahulugan ng salitang ‘Salam’ ay ‘Kapayapaan’ at ito ay nanggaling sa tatlong letrang Arabik na ugat na ‘SLM’ katulad ng salitang Islam. Ang ‘Salam’ ay isa sa mga Katangian ng Allah, kaluwalhatian sa Kanyang mga Pangalan at Katangian at Dakila ang Kanyang Kamaharlikaan, katulad ng nakasulat sa Banal na Qur’an:

“Siya ang Allah, wala ng iba pang diyos maliban  sa Kanya;  ang Hari, ang Banal, ang pinagmumulan ng Kapayapaan (at Kaganapan), ang Tagapagbigay ng Kapanatagan, ang Tagapagbantay, ang Makapangyarihan, ang Tagapagpasunod at hindi Mapaglalabanan, ang Kataas-taasan. Luwalhatiin ang Allah! Higit Siyang mataas sa lahat ng kanilang mga iniaakibat na mga katambal sa Kanya.” (Qur’an 59:23)

  Ang ‘Salam’ ay isa rin sa mga pangalan ng Jannah (Paraiso). Ang Allah, ang Makapangyarihan, ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“Mapapasakanila ang Tahanan ng Kapayapaan (Paraiso) na iginawad ng kanilang Panginoon.  At Siya ang kanilang magiging Tagapagtanggol na Kaibigan, dahil sa kanilang mabubuting gawa.” (Qur’an 6:127)

Ang pagbati sa isa’t-isa ng mga naninirahan sa Paraiso ay ‘Salam’ kapag makatagpo nila ang kanilang Panginoon, ang Allah katulad ng sinabi sa Banal na Qur’an:

 “Ang pagbati nila sa Araw ng kanilang pakikipagtipan sa Kanya ay “Salaam” (Kapayapaan)! at inihanda na Niya sa kanila ang isang nag-uumapaw na Gatimpala.” (Qur’an 33:44) 

 Ang mga Muslim ay nagpapalitan ng dalisay at marangal na pagbating, ‘As-Salaamo A’laykum” (‘Mapasainyo nawa ang Kapayapaan‘) kapag sila ay nagtatagpo, kung nagkakasalubong at kung sila ay nagtatawagan. Kahit na walang makitang tao sa pagpasok ng isang Muslim sa kanyang tahanan, siya ay nagsasabing ‘As-Salaamo A’laykum’ dahil binabati niya ang mga anghel na kasalukuyang naroroon. Ang uri ng pagbating ito ay nagpapaginhawa sa puso mula sa lahat ng klaseng poot at sama ng loob at matinding galit na kinikimkim ng mga tao, at pinapalitan ng magandang kalooban, pagbibigayan ng paggalang, katahimikan, kapanatagan at kaligayahan. Kalimitan ang mga Muslim ay nagbabatian sa bawat isa sa pamamagitan ng buong pagbati ng, ‘As-Salaamo A’laykum wa Rahmatullahi wa Barakatoh’ (‘Mapasainyo nawa ang Kapayapaan, Pagpapala at Habag ng Allah’.)

 Sa isang tradisyon (hadith) ng Propeta (r) makikita natin ang mga salita ng Sugo ng Allah (r) na siyang nagpalaganap sa pagbating ito mula sa gitna ng mga kaugalian ng mga may ganap na pananampalataya.

 “Hindi ka makakapasok sa Paraiso hanggat hindi ka magkakaroon ng ganap na pananampalataya, at hindi ka magkakaroon ng ganap na pananampalataya hanggat hindi magmahalan ang bawat isa sa inyo. Kayo ba ay aking gagabayan sa isang bagay na kung ito ay inyong maipanatili sa bawat isa sa inyo, kayo ay magmamahalan sa bawat isa? Magpalaganap ng pagbating ‘Salaam’ (Kapayapaan) ng higit sa makakaya ninyo sa bawat isa sa inyo (sa inyong pamayanan).” (Muslim)

 At sinabi ng Sugo ng Allah (r):

 “Lubos na mag-alay ng pagkain sa iba; magsimulang bumati ng ‘salaam’ (kapayapaan) sa bawat isa sa inyo para sa mga kakilala ninyo at sa mga hindi ninyo kakilala.” (Bukhari at Muslim)

 Ang layunin ng Islam ay upang lagi ang pagsisikap na mapaligaya ang Allah, ang Naglalang at Panginoon ng mga Daigdig, sa pamamagitan ng pandaigdigang kabutihan at mga makatarungang gawain.  Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

“O Angkan ng Kasulatan! Ngayon ay dumatal sa inyo ang Aming Sugo (Muhammad) na nagpapaliwanag ng mabuti sa inyo ng mga bagay na inyong itinatago mula sa Kasulatan, at hinahayaan at dinadaan-daanan lamang. Katotohanang dumatal sa inyo mula sa Allah ang isang liwanag at isang maliwanag na Aklat na sa pamamagitan nito ang Allah ay namamatnubay sa mga naghahanap ng Kanyang mabuting kasiyahan sa mga paraan ng kapayapaan, at sila ay Kanyang iniahon mula sa kadiliman tungo sa liwanag (ayon) sa Kanyang kapahintulutan at Kanyang pinatnubayan sila sa Matuwid na Landas.” (Qur’an 5:15-16)

Ang Islam ay binubuo ng ganap at malawak na kahulugan ng kapayapaan na sumasaklaw sa kalooban at pang-kaluluwang kapayapaan at para sa kapayapaan ng kapwa at sa mga mamamayan. Ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi: 

 “Ang tunay na Muslim ay yaong ligtas ang ibang tao sa kanyang mga pang-aabuso at pagtuligsa mula sa kanyang dila at mga kamay, ang isang ‘Muhaajir’ (ang taong lumikas sa pook na walang paniniwala at nagtungo o lumikas sa pook na may paniniwala) ay siyang tumalikod sa mga masasamang gawain. (Bukhari at Muslim)

 Karagdagan dito, sakop ng Islam ang pangkalahatan at pandaigdigang kapayapaan para sa lahat ng tao. At sa dahilang kasama sa prinsipyo nito ang tibay, damayan, pagpipitagan at hindi umaaway sa mga taong payapang sumusunod sa makatwirang kasunduan lalo na sa mga taong may paniniwala sa mga naipahayag na Relihiyon mula sa Dakilang Allah bilang kanilang batayan sa pamumuhay katulad ng mga Kristiyano at mga Hudyo.

 “O kayong nagsisisampalataya! Magsipasok kayo sa Islam (pagsunod, pagtalima at pagsuko sa lahat ng mga kautusan ng Allah) ng lubos at buong puso at huwag ninyong sundin ang mga yapak ni Satanas, sapagkat tunay ngang siya ang inyong lantad na kaaway! (Qur’an 2:208)

Ang pag-anyaya ng Islam, sa pandaigdigan Relihiyon ng Allah(Y), ay para sa lahat. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

 “Sabihin (O Muhammad): ‘O Sangkatauhan! Katotohanang ako ay ipinadala sa inyong lahat bilang Sugo ng Allah…” (Qur’an 7:158)

At sinabi Niya (Y):

“Katotohanan, ang Relihiyong tatanggapin ng Allah ay Islam…” (Qur’an 3:19)

 At sinabi rin Niya (Y):

 “At sinuman ang maghanap ng ibang Relihiyon maliban sa Islam, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kanya, at sa Kabilang Buhay, siya ay isa sa mga talunan.” (Qur’an 3:85)